You are on page 1of 3

University of the Immaculate Conception

College of Teacher Education

BANGHAY ARALIN

Paksa: Filipino 7

I. Panimula
A. Pagbalik-aral:
1. Ano-ano ang mga natalakay natin noong nakaraan?
2. Bakit mahalaga ang sanaysay?
3. Ano-ano ang mga uri ng sanaysay?
4. Ano ang kaibahan ng sanaysay sa talumpati?
5. saan-saan magagamit ang sanaysay?
B. Paksa: Tayutay
C. Pagganyak: magpapakita ng ibat-ibang larawan na may nakasulat. Ang guro ay
magpapakita ng ibat-ibang larawan na may kasamang mensahe.

1. Ano-ano ang inyong na obserba sa mga larawan na ipinapakita sa inyo?


2. Sa inyong paningin ano ang paksa na ating tatalakayin ngayon basi sa mga
larawang inyong nakita?
3. Bakit mahalaga pag-aralan ang tayutay?=
D. Paglalakad sa Dating Kaalaman
1. Pag aanalisa ng mga larawan

II. PAGTALAKAY SA PAKSA


A. Paglalakad sa mga Konsepto
Ang mga mag-aaral ay:
1. Makakabuo ng mga pangungusap gamit ang iba’t ibang uri ng tayutay.
2. Makakakilala ng mga pangungusap na ginagamitan ng tayutay.
3. Kayang ipaliwanag ang tayutay at mga uri nito.
4. Makakabisado nila ang mga konsepto ng tayutay.
5. Makakapag-kumpara sa mga salitang ginagamitan ng tayutay at hindi.
B. Pamamaraan:
1. Ang guro ay pumili ng isang mag-aaral upang basahin ng malakas sa
harapan ang isang kwento na ang mga salita ay ginagamitan ng mga
tayutay.
2. Ang iba namang estudyante ay makikinig sa kanilang upuan.
3. Bawat mag-aaral ay magsulat ng mga salitang ginagamitan ng tayutay batay
sa binasa.
4. Kilalanin ng mga mag-aaral kung anong uri ng tayutay ang kanilang sinulat.
C. Pagpapalawak ng Kaalaman
1. Ano ang tayutay?
2. Ano-ano ang mga uri ng tayutay.
3. Paano mo malalaman kung ang isang pangungusap ay ginagamitan ng
tayutay?
4. Ano ang kaibahan ng pagwawangis sa pagtutulad?
5. Dito ay sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao
o bagay na tinutukoy?
6. Ito ay ginagamit upang bigyang buhay, pagtaglayin ng mga katangiang
pantao, talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay?
7. Ito ay pagpapahayag na parang pumupuri subalit kung uunawaing mabuti ay
pangungutya?
8. Ginagamit ang mga tunog ng mga bagay na pinagmumulan nito?
D. Paglalapat at Pag-uugnay
*Pagpapahalaga
1. Patience (Pagwawangis) Paano mo pagtatiyagaan ang isang bagay na gusto
mo gamitin upang sumangguni ng isa pang bagay na nagmumungkahi na
kapareho sila o simpleng pagtukoy ng pagwawangis sa teksto?
2. Honesty (Pagmamalabis) Paano ma matukoy kung ang isang tao nagsasabi ng
totoo kung palagi niya pinapalala o pinapalalim ang mga bagay?

III. Ebalwasyon
Drama (acting)
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalawang pangkat, bawat pangkat ay may isang
namumuno (leader). Ang guro ay may ipapabunot sa bawat namumuno ng grupo ito
ang kanilang gawain (task). Ito ay may mga nakasulat na mga uri ng tayutay kung
saan gagamitin nila sa pagsasalita sa kanilang pagdadrama o acting. Bawat isa ay
magtutulungan, ang namumuno naman ay hindi lang sariling pamamaraan ang
gagamitin kundi tatanungin nya bawat membro sa kani-kanilang pamamaran (idea)
upang ang bawat isa ay may naitulong (contribution) nang sagayon ay maging
matagumpay sila sa kanilang gawain (task) Sila ay binibigyan ng dalawamput-tatlong
minuto upang mag prepara. Mga dapat isaalang-alang o panuntunin:
Maayos na pagkadrama 20%
Klaro ng boses 25%
Lahat ng uri ng tayutay ay nagamit 40%
Pagiging seryoso sa ginagawa 10%
Paggamit ng palamuti (props) 5%
Total: 100%

IV. Paglalagom
Pagkatapos ng aralin na ito ang mga mag-aaral o estudyante ay makakasulat gamit
ang ibat-ibang uri ng tayutay, sila ay marunong din umiintindi at kumilala kung
anong uri ng tayutay ang iapapahiwatig ng bawat binabasa o maging sa
napakinggan nila sa bawat taong nagsasalita.
V. Makabuluhang Takdang-aralin:
Sanaysay:
Sa isang buong papel sagutan ang mga sumusunod na tanong. Bawat tanong ay
katumbas ng limang (5 puntos).
1.) Ano ang kahalagahan ng tayutay?
2.) Bilang isang estudyante bakit mahalagang matutunan ang tayutay?

Nicolas E. Aytong Jr. BSED-2B October 17,2019

You might also like