You are on page 1of 3

INO GRAMMAR

FILIP

1. Isa sa mga kadalasang


pagkakamali ay ang paggamit ng
NANG at NG.
NANG - kung PAANO isinasagawa
ang kilos.
Halimabawa:
Paano nagmahal? - Nagmahal
nang seryoso.
Paano tumawa? - Tumawa nang
napakalakas.
Paano pumila? - Pumila nang
maayos.
NG - kapag sinasagot ang ANO.
Halimbawa:
Ano ang kinain mo? - Kumain ako
ng adobo.
Ano ang ininom mo? - Uminom
ako ng softdrinks.
2. RIN vs DIN
- kapag nagtatapos sa A, E, I, O,
U, W at Y, ang sinundang salita,
ang dapat gamitin ay RIN.
Halimbawa:
Bagsak pa rin ako.
Sa kanya pa rin babalik, sigaw ng
damdamin.
Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko,
magbago man ang hugis ng puso
mo.
Ang bahay rin ay malaki.
Ang lugaw rin ay mainit.
- kapag hindi ito nagtatapos sa A,
E, I, O, U, W at Y, ang dapat
gamitin ay DIN.
Halimbawa:
Ganyan din ang sinabi niya sa
akin noon.
Kumain din kami ng adobo
kagabi.
Mapapasaakin din ang asawa mo,
Monica.
Masakit din ang ginawa niya.
3. DAW vs RAW
- kagaya rin ng DIN at RIN. Kapag
nagtatapos sa A, E, I, O, U at W, Y
ang sinundang salita, ang dapat
gamitin ay RAW.
Halimbawa:
Sabi 'raw' ni Champ break na
kayo?
DAW - kapag nagtatapos sa
katinig maliban sa W at Y ang
sinusundang salita, DAW ang
gagamitin.
Halibawa: Sila pa rin 'daw' ni
Nicole.
4. NINYO, N'YO vs NIYO
PORMAL:
NINYO - punong salita
N'YO - pinaikling ninyo kaya may
kudlit (')
DI PORMAL:
NIYO - wala ito sa UP
diksyunaryo.
5. PA RIN vs PARIN
- dalawang salita ang pa at rin
kaya nararapat itong
magkahiwalay.
Halimbawa:
"Umaasa pa rin akong sabihin mo,
sana ako pa rin".
- Basha, One More Chance (2007)
Mali ang salitang "parin".
Masiyado tayong abala sa pag-
aaral ng lenggwaheng banyaga
kaya't nakakalimutan na natin ang
sariling atin.
Sharing is caring

You might also like