You are on page 1of 8

SCRIPTURE GUIDE FOR MUSIC MINISTRIES (Chair of St.

Peter Parish)
READINGS FOR SEPTEMBER 6, 2020 – Ika-23 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
UNANG PAGBASA, Ezekiel 33, 7-9

Ito ang sinasabi ng Panginoon:

“Ikaw, Tao, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa
kanila bilang babala. Kapag sinabi ko sa taong masama na siya’y mamamatay at di mo ito
ipinaabot sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan
ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan. Ngunit kapag binabalaan mo ang masama
gayunma’y hindi rin nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang
dapat panagutan.”

SALMONG TUGUNAN, Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9


Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin.

Tayo ay lumapit
sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan,
ating papurihan
ang batong kublihan nati’t kalakasan.
Tayo ay lumapit,
sa kanyang harapan na may pasalamat,
siya ay purihin,
ng mga awiting may tuwa at galak. (T)

Tayo ay lumapit,
Sa kanya’y sumamba at magbigay-galang,
lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang.
Siya ang ating Diyos,
tayo ay kalinga niyang mga hirang,
mga tupa tayong inaalagaan. (T)

Ang kanyang salita ay ating pakinggan:


“Iyang inyong puso’y
huwag patigasin, tulad ng ginawa
ng inyong magulang
nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa.
Ako ay tinukso’t
doon ay sinubok ng inyong magulang,
bagamat nakita
ang aking ginawang sila’ng nakinabang.” (T)
IKALAWANG PAGBASA, Roma 13, 8-10
Mga kapatid, huwag kayong magkaroon ng sagutin kaninuman, liban sa saguting tayo’y mag-
ibigan; sapagkat ang umiibig sa kapwa ay nakatutupad sa kautusan. Ang mga utos, gaya ng,
“Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang
mag-iimbot,” at ang alinmang utos na tulad ng mga ito ay nabubuo sa ganitong pangungusap,
“Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama
kaninuman, kaya’t ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan.

MABUTING BALITA, Mateo 18, 15-20


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung magkasala sa iyo ang
kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Kapag nakinig siya sa iyo, ang
pagsasama ninyong magkapatid ay napapanauli mo sa dati at napapanumbalik mo siya sa Ama.
Ngunit kung hindi siya makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng
pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung hindi siya makinig sa
kanila, sabihin mo ito sa pagtitipon ng simbahan. At kung hindi pa siya makinig sa natitipong
simbahan, ituring mo siyang Hentil o isang publikano.
Sinasabi ko sa inyo: anumang ipagbawal ninyo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at anumang
ipahintulot ninyo sa lupa ay ipahihintulot sa langit.
Sinasabi ko pa rin sa inyo: kung ang dalawa sa inyo rito sa lupa ay magkaisa sa paghingi ng
anumang bagay sa inyong panalangin, ipagkakaloob ito sa inyo ng aking Amang nasa langit.
Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon dahil sa akin, naroon akong kasama nila.
SUGGESTED COMMUNION SONG(S):
Diyos ay Pag-Ibig (Bayan Umawit Songbook) You are Mine – David Haas
O Hesus, Hilumin Mo (Manoling Francisco)
Sa Piging na Ito (Ferdz Bautista)

READINGS FOR SEPTEMBER 13, 2020 – Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
UNANG PAGBASA, Sirak 27, 33 – 28, 9
Ang poot at pagngingitngit ay dapat ding kamuhian;
ngunit sa makasalanan, iyan ay pangkaraniwan.
Natatandaan ng Panginoon ang kasalanan ng bawat tao,
at ang mapaghiganti ay paghihigantihan din niya.
Patawarin mo ang kapwa sa kanyang pagkukulang,
at pag ikaw ay dumalangin sa Diyos, patatawarin ka rin naman.
Ang nagtatanim ng galit laban sa kapwa,
pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa.
Kung hindi ka nahahabag sa iyong kapwa,
paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan?
Kung ikaw na tao lamang, ay nagkikimkim ng galit,
sinong magpapatawad sa iyo sa mga kasalanan mo?
Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit.
Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang Kautusan.
Dili-dilihin mo ang Kautusan at huwag kang magalit sa kapwa;
alalahanin mo ang Tipan ng Kataas-taasan at matuto kang magpatawad.

SALMONG TUGUNAN, Salmo 102, 1-2. 3-4. 9-10. 11-12


Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob.

Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa,


ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan. (T)

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,


ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. (T)

Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim;


yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim.
Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway
di natayo siningil sa nagawang kasalanan. (T)

Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,


gayon ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.
Ang silangan at kanluran kung gaano ang distansya
gayung-gayon ang pagtingin sa sinumang nagkasala. (T)

IKALAWANG PAGBASA, Roma 14, 7-9


Mga kapatid, walang sinuman sa atin ang nabubuhay o namamatay sa kanyang sarili lamang.
Kung tayo’y nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayo’y namamatay,
namamatay tayo para sa Panginoon. Kaya nga, sa mabuhay o sa mamatay, tayo’y sa Panginoon.
Sapagkat si Kristo ay namatay at muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga patay at
mga buhay.

MABUTING BALITA, Mateo 18, 21-35


Noong panahong iyon, lumapit si Pedro at nagtanong sa kanya, “Panginoon, makailan kong
patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?” Sinagot
siya ni Hesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang
paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga
lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na sampung
milyong piso. Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa,
mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari
at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’ Naawa sa
kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.

“Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang
na limandaang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng
utang mo!’ Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at
babayaran kita.’ Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa
lingkod hanggang sa ito’y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang
nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya’t
ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw – napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo
sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa
mo?’ At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang.
Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang
inyong kapatid.

SUGGESTED COMMUNION SONG(S):


*Pananagutan (Recessional Song) Maging Akin Muli (Arnel Aquino)
Be Not Afraid (Arnel Aquino, SJ) I Love the Lord (Arnel Aquino)

READINGS FOR SEPTEMBER 20, 2020 – Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
UNANG PAGBASA, Isaias 55, 6-9
Hanapin ang Panginoon
samantalang siya’y inyong makikita
Siya ang tawagin habang malapit pa.
Ang mga gawain ng taong masama’y
dapat nang talikdan, at ang mga liko’y
dapat magbago na ng maling isipan;
sila’y manunumbalik,
lumapit sa Panginoon upang kahabagan,
at mula sa Diyos,
matatamo nila ang kapatawaran.
Ang wika ng Panginoon:
“Ang aking isipa’y di ninyo isipan,
at magkaiba ang ating daan.
Kung paanong ang langit
higit na mataas, mataas sa lupa,
ang daa’t isip ko’y
hindi maaabot ng inyong akala.
SALMONG TUGUNAN, Salmo 144, 2-3. 8-9. 17-18
Tugon: D’yos ay tapat at totoo sa dumadalanging tao.

Aking pupurihi’t pasasalamatan ang D’yos araw-araw,


di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang Poon, at karapat-dapat na siya’y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain. (T)

Ang Panginoong D’yos ay puspos ng pag-ibig at lipos ng habag.


Banayad magalit, ang pag-ibig niya’y hindi kumukupas.
Siya ay mabuti at kahit kanino’y hindi nagtatangi;
sa kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay mamamalagi. (T)

Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa;


kahit anong gawin ay kalakip doon ang habag at awa.
Siya’y nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao.
Sa sinumang taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo. (T)

IKALAWANG PAGBASA, Filipos 1, 20k-24. 27a


Mga kapatid, ang aking pinakananais ay, sa mabuhay o sa mamatay mabigyan ko ng karangalan
si Kristo. Sapagkat para sa akin si Kristo ang buhay at dahil dito’y pakinabang ang kamatayan.
Ngunit kung sa pananatili kong buhay ay makagagawa ako ng mabubuting bagay, hindi ko
malaman ngayon kung alin ang aking pipiliin sa dalawang hangarin. Ang ibig ko’y pumanaw na
sa buhay na ito upang makapiling ni Kristo, yamang ito ang lalong mabuti para sa akin. Sa
kabilang dako, kung mananatili akong buhay ay makabubuti naman sa inyo.

Kaya nga, mga kapatid, pagsikapan ninyong mamuhay ayon sa Mabuting Balita tungkol kay
Kristo.

MABUTING BALITA, Mateo 20, 1-16a


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Ang
paghahari ng Diyos ay katulad nito: lumabas nang umagang-umaga ang may-ari ng ubasan
upang humanap ng mga manggagawa. Nang magkasundo na sila sa upa na isang denaryo
maghapon, sila’y pinapunta niya sa kanyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-iikasiyam
ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan. Sinabi niya sa
kanila, ‘Pumaroon din kayo at magtrabaho sa aking ubasan, at bibigyan ko kayo ng
karampatang upa.’ At pumaroon nga sila. Lumabas na naman siya nang mag-iikalabindalawa ng
tanghali at nang mag-iikatlo ng hapon, at gayun din ang ginawa niya. Nang mag-iikalima ng
hapon, siya’y lumabas uli at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila,
‘Bakit kayo tatayu-tayo lang dito sa buong maghapon?’ “Wala pong magbigay sa amin ng
trabaho, e!’ sagot nila. At sinabi niya, ‘Kung ayon, pumaroon kayo at gumawa sa aking ubasan.’
“Pagtatakip-silim, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala, ‘Tawagin mo na ang mga
manggagawa at sila’y upahan, magmula sa huli hanggang sa buong nagtrabaho.’ Ang mga
nagsimula nang mag-iikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang denaryo. At nang lumapit
ang mga nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang bawat isa’y
tumanggap din ng isang denaryo. Pagkatanggap nito, nagreklamo sila sa may-ari ng ubasan.
Sabi nila, ‘Isang oras lang pong gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagpagal at nagtiis ng nakapapasong init ng araw. Bakit naman po ninyo pinagpare-
pareho ang upa sa amin?’ At sinabi niya sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t
nagkasundo tayo sa isang denaryo? Kunin mo ang ganang iyo, at umalis ka na. Maano kung ibig
kong upahan ang nahuli nang tulad ng upa ko sa iyo? Wala ba akong karapatang gawin ang
aking maibigan sa ari-arian ko? O naiinggit ka lang sa aking kabutihang-loob?’ Kaya’t ang
nahuhuli ay mauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”

SUGGESTED COMMUNION SONG(S):


Hesus ng Aking Buhay (Arnel Aquino) Narito Ako (Rene San Andres)
Lord, Here I am Mula sa’Yo (Wilgen)

READINGS FOR SEPTEMBER 27, 2020 – Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
UNANG PAGBASA, Ezekiel 18, 25-28
Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Marahil ay sasabihin ninyong hindi tama itong ginagawa ko.
Makinig kayo, mga Israelita: Matuwid ang aking tuntunin, ang pamantayan ninyo ang baluktot.
Kapag ang isang taong matuwid ay nagpakasama, mamamatay siya dahil sa kasamaang ginawa
niya. At ang masamang nagpakabuti at gumawa ng mga bagay na matuwid ay mabubuhay.
Dahil sa pagtalikod sa nagawa niyang kasamaan noong una, mabubuhay siya, hindi
mamamatay.”

SALMONG TUGUNAN, Salmo 24, 4kb-5. 6-7. 8-9


Tugon: Poon, iyong gunitain wagas mong pag-ibig sa ‘kin.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,


ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, Poon, ang katotohanan;
Tagapagligtas ko na inaasahan. (T)

Poon, gunitain, pag-ibig mong wagas,


at ang kabutihang noon pa’y nahayag.
Patawarin ako sa pagkakasala,
sa kamalian ko nang ako’y bata pa;
pagkat pag-ibig mo’y hindi nagmamaliw,
ako sana, Poon, ay alalahanin! (T)
Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga salari’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban. (T)

IKALAWANG PAGBASA, Filipos 2, 1-11


Mga kapatid:
Nagbibigay ba sa inyo ng kasiglahan ang buhay na nakaugnay kay Kristo? Naaaliw ba kayo ng
kanyang pag-ibig? May pagkakaisa ba kayo sa Espiritu Santo? Kayo ba’y may nadaramang
hangarin na tumulong sa iba? Kung gayon, lubusin ninyo ang aking kagalakan – maghari sa inyo
ang pagkakasundo, mabuklod kayo ng iisang pag-ibig at maging isa kayo sa puso’t diwa. Huwag
kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus
magpakababa kayo huwag ipalagay na kayo’y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang
kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili. Magpakababa kayo tulad ni Kristo Hesus:

Na bagamat siya’y Diyos,


hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos,
bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng pagka-Diyos,
nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin.
Nang maging tao,
siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan,
Oo, hanggang kamatayan sa krus.
Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod
At sasamba sa kanya.
At ipapahayag ng lahat na si Hesukristo ang Panginoon,
sa ikararangal ng Diyos Ama.

MABUTING BALITA, Mateo 21, 28-32


Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga punong saserdote at mga matatanda ng bayan:
“Ano ang palagay ninyo rito? May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Lumapit siya sa
nakatatanda at sinabi, ‘Anak, lumabas ka at magtrabaho sa ubasan ngayon.’ ‘Ayoko po.’ tugon
niya. Ngunit nagbago ang kanyang isip at siya’y naparoon. Lumapit din ang ama sa ikalawa at
gayun din ang kanyang sinabi. ‘Opo’ tugon nito, ngunit hindi naman naparoon. Sino sa dalawa
ang sumunod sa kalooban ng kanyang ama?” “Ang nakatatanda po,” sagot nila. Sinabi sa kanila
ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: ang mga publikano at masasamang babae’y nauuna pa sa inyong
pasakop sa paghahari ng Diyos. Sapagkat naparito sa inyo si Juan at ipinakilala ang matuwid na
pamumuhay, at hindi ninyo siya pinaniwalaan. Ngunit pinaniwalaan siya ng mga publikano at ng
masasamang babae. Nakita ninyo ito, subalit hindi pa rin kayo nagsisi at naniwala sa kanya.”
SUGGESTED COMMUNION SONG(S):
Panalangin sa Pagiging Bukas Palad (MV Francisco) Kristo (Basil Valdez)
LEGEND:

TBOHH – The Best of Himig Heswita TNB – Tinapay ng Buhay


TBOBP2 – The Best of Bukas Palad Vol.2 TSJ2 – Tinig San Jose Book 2

N.B. Communion songs were provided to help the choirs determining the appropriate song in
relation to the Scriptures. In case of doubt, you may sing a song with a Christo-centric theme
and (or) a song based on the Eucharist.
Song(s) with * are intended for a different part of the mass (not during communion). This is in
order to correctly utilize the song in its intended manner by the composer.

Prepared By:
Kristian Edsel S. Amarante

You might also like