You are on page 1of 1

Budget, Apektado ng Inflation

Sa pagtaas ng dolyar kontra piso ay bigla rin ang pagsipa ng presyo ng mga bilihin. Gasolina na kung suusmahin mula
Enero hanggang ngayon ay halos labing-limang piso ang itinaas. Bigas at de lata sa lahat ng pamilihan ay limag piso ang
itinaas. Gulay mula sa Norte ay halos doble na ang halaga.

Kita ng pangkaraniwang empleyado ay halos di na sapat sa araw-araw na pangangailangan. Nagkaroon nga ng Tax
Exemption ang empleyadong di tataas ng 20 libo ang sahod binawi naman ito sa pagtaas ng walang humpay na pagtaas
ng mga basic needs. Kaya ang mga mamamayan at wala nang tigil sa kaka-ARAY sa presyo ng mga bilihin.

Isa na ba ang Pilipinas sa pinakamahirap na bansa mundo? Ang NFA rice na sagot sa pagtaas ng presyo ng bigas at
inaasahan ng mga mahihirap ay nagkakaubusan pa. Sa anong dahilan? Itinatago ba? Upang mapataas pa ang presyo
nito? Maging commercial rice na rin.

Sobra na ang nangyayari sa ating bansa, sa kung bakit ang gobyerno ay walang ginagawang hakbang upang malutas ang
“inflation rate” . Hanggang saan at kalian makakatagal ang mga katulad naming mahihirap. Pati ang nutrisyon
kinakailanagn ng aming pamilya ay nakukumprumiso na rin. Hindi na naming maibigay ang tamang pagkain sa
kadahilanang aming pinagkakasya ang kinikita ng aming mga mister. Saan pa makakarating ang halagang tatlong daang
piso na budget sa isang araw. Kung saan doon pa kukunin ang bigas, pang-ulam, baon ng mga bata, bayad sa tubig at
ilaw at kung anu-ano pa.

Sana ang gobyerno ay magkaroon ng mabilisang solusyon sa lumalalang problema sa “inflation rate”. Pag-ukulan nila ng
pansin ito upang ang mga mamamyan ay gumaan ang buhay. Hindi na lang naka-focus sa awayang pulitikal. Kung ganyan
ang sistema asahan na ang bansa natin ay mangunguna sa sa listahan ng mga bansa na pinakamahirap at magulo. Lalala
ang prostitusyon at illegal drugs. Kung ang isang bansa ay hindi nakakaranas ng “inflation” ang mga mahihirap ay hindi
kakapit sa patalim. Ang nangyayari ay mahirap ka na nga lalo ka pang naghihirap. Kuba ka na sa pagtatrabaho ay kapus
at kapus ka pa rin at nakabaon ka pa sa utang.

Gobyerno!, habang hindi pa huli at may oras pa upang magawan ng paraan ang inflation ay gawin na dahil talaga naming
apektado ang lahat ng sektor at mamayan na dapat sana ay mas natutulungan ng ating pamahalaan.

Mary Grace Tranco-


PTA President SY:2018-2019

You might also like