You are on page 1of 2

Magandang araw po sa inyong lahat!

Gusto kong batiin ang pangunahing pandangal sa


pagtatapos na ito, ang kagalang-galang na narse na nagmula pa sa amerika para lang sa okasyong
ito, si ginang. Esther Antonio Balintec. Maligayang pagbabalik sa paaralang ito ma’am.

Ang tagapamahala sa akademya, si Father Jerome Adriatico SVD, at ang mabait at matalinong
punong guro na si ginoong Remar P. Agcaoili, mga minamahal naming mga guro, mga
magulang, mga kamag-anak, mga panauhin at mga kaibigan, magandang araw sa lahat.

Sa araw na ito gaganapin ang ika walompu’t pito na pagtatapos sa akademya na


pinangungunahan ko at isama dito ang pagtatapos namin sa junior high school. Sa anim na taon
na pananatili namin bilang magtatapos sa batch 2017, marami kaming hirap na pinagdaanan,
mga ekstra kurikyular, mga takdang aralin, mga mahihirap na pagsusulit, striktong mga gurong
nagtaguyod ng araw-araw na pag-aaral sa loob ng anim na taon, lubos kaming nagpapasalamat sa
inyo, mga mahal naming mga guro, kung wala kayo, wala rin kami sa harapan ninyo ngayong
araw na ito.

Sa aking mga kamag-aral, hindi na natin isa-isahin ang nagawa at tagumpay natin.
Salamat sa inyo, marami akong natutunan sa inyo, natutunan kong makipagkaibigan,
makatrabaho at maging totoong tao at higit sa lahat tapat na kapatid kahit magkakaiba tayo ng
mga magulang, magkakapatid tayo. Sa atin ang tagumpay na ito, mabuhay tayo. Hindi
maiiwasan na kung minsan, nagkakainisan at minsan nagkakasungitan, nagbibiruan pero
pagdating ng uwian, parang wala lang dahil parte ito ng ating paglaki at pagtanda sa
pangangalaga ng mga guro ng Academy of St. Joseph. Salamat dahil naging bahagi kayo ng
buhay ko, gayundin na naging bahagi ako ng buhay niyo. Hindi ako nagsisisi na tayo’y naging
magkakamag-aral, magkakaibigan at naging magkakapatid ng anim na taon. Hindi ko kayo
malilimutan. Mahal ko kayong lahat, binabati ko kayo, maligayang pagtatapos sa inyo. Para sa
aking mga magulang, salamat sa Diyos na kayo ang ibinigay sa akin, kayo ang perpektong
magulang para sa akin at ang aking mga tatlong kapatid. Kahit minsan, hindi ko naisip na sana
ipinanganak akong mayaman, na sana lahat ay meron ako. Hindi dapat ako naiinggit sa mga
kamag-aral kong may kaya at kung bibigyan ako ng panginoon ng maraming pagkakataon,
walang duda, pipiliin ko parin ang buhay ko sa piling ng mga magulang at sa piling ng mga
kapatid ko.

Sa tatay at nanay ko, nagpapasalamat ako sa inyo, kahit alam kong hirap kayo sa
pagpapaaral sa amin nagawa niyo na mapagtapos sa pribadong paaralan para sa aming
kinabukasan, kahit mahirap at hindi tayo sagana sa buhay nagawa niyong mapagtapos kami na
may pinakamataas na karanglan, dahil kaming mga anak ninyo, hindi kami marunong maghanap,
pinagkasya lang namin kung ano lang ang meron kayo at kahit kailan at kahit kulang, hindi
namin naramdaman ang kahirapan dahil maligaya kami na nakikita namin na nagpupursigi sa
pagtratrabaho ng tatay ko ang pinag-aaral naming magkakapatid. Hindi ko kayo bibiguin, hindi
kayo mabibigo. Iaalay ko ang tagumpay na ito sa inyo.
Nagpapasalamat din ako sa mga tito at mga tita ko na naging magulang din kayo sa akin.
Bahagi kayo ng buhay at tagumpay ko, salamat sa inyo, iaalay ko rin ang karangalang ito kundi
dahil sa inyo maaaring hindi ko makuha ang puwestong ito, maraming-maraming salamat.

Ang ika walumpo’t pito na pagtatapos nating ito, maging makasaysayan at bahagi tayo, o
magiging bahagi tayo ng kasaysayan at dignidad ng paaralang ito. Magiging inspirasyon sa mga
susunod na magtatapos at ang pagtatapos na ito, hindi ito ang huli, ito’y umpisa lamang ng
paaralang ito dahil tayo ang dangal ng Academy of St. Joseph sa bawat tagumpay na ating
makamtan sa hinaharap, ang tagumpay ng isa, tagumpay ng nating lahat. Mabuhay ang ASJ,
mabuhay tayong lahat. Muli, maligayang bati sa lahat.

You might also like