You are on page 1of 1

“Anong pangarap mo, Miliano?

Bumaling ako nang tingin kay Irina ng magsalita siya. Napaupo ako mula sa
pagkakahiga. Tinitigan ko siya. Pangarap ko? marami akong pangarap sa buhay at isa
ka sa mga ang pangarap na iyon, Irina. Gustong-gusto kong sabihin iyon sakanya kaso
masyado pa kaming bata para 'don. Bumuntong hininga ako ng malalim.  “Businessman.
Pangarap kong maging businessman. Gusto kong maging businessman katulad ni Kuya
Sullivan para makatulong din ako sa mga bata na nasa ampunan—tulad natin.” sabi ko
sakanya. Onse anyos ako noong napunta ako dito sa bahay ampunan, samantalang si
Irina ay siyam na taong gulang nang dumating dito. Mula noon naging malapit na kami
sa isa't-isa. Lahat kaming mga bata dito ay magkakasundo pero si Irina ang
pinakamalapit sa akin.

“Ikaw anong pangarap mo?” tanong ko naman sakanya. Napangiti siya at humarap sakin.
Nakita kong kumislap ang mga mata niya. “Pangarap kong maging guro.” sabi niya.
Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Kaya pala ganoon na lamang ang pagka-
mangha niya sa mga teacher na dumadalaw dito. Sa tuwing may dumadalaw na teacher
dito ay masayang-masaya siya, tulad na lang ni Teacher Mari. Tinuturuan kami ni
teacher Mari magbasa at magsulat. Pagtapos ng oras ng pagtuturo ni teacher Mari,
nakikita ko silang dalawa na magkasama at nag-uusap.

“Sa tingin mo magiging guro ako katulad ni teacher Mari?” tanong niya.

Nginitian ko siya. “Oo naman, sigurado akong magiging mahusay kang guro, Irina..”

“Salamat, Miliano. Sigurado rin akong magiging successful businessman ka balang


araw. Ipagdadasal ko iyon sa diyos—” naputol ang sinasabi niya at tumingin sa akin.

“Ipagdadasal ko sa diyos ang mga pangarap natin upang matupad iyon.”

Napangiti ako. Kung alam mo lang Irina, palagi kitang pinagdadasal sa diyos.

You might also like