You are on page 1of 1

1. Sa mga paksang tatalakayin, alin ang pinakagamay mo na at bakit?

-Ilan sa mga teorya sa pinagmulan ng wika dahil isa’t kalahating taon ko rin itong itinuro sa
kolehiyo noon.
2. Sa mga paksang nabasa, alin ang tatlong pinakagusto mong pag-aaralan? Bakit?
-Ang Ortograpiyang Pambansa 2014 dahil sa gusto kong magkaroon ng kalinawan sa pagbabago
ng mga ispeling ng mga salitang nakasanayan ko dati.
-Mga teorya sa pinagmulan ng wika dahil nais kong malaman kung may nadagdag bang iba pang
teorya.
-Ang Filipino bilang pundasyon ng teknikal na pagkatuto dahil ibig kong maging bihasa sa
pagsusulat at malinang ang pakatuto sa Filipino.

3. Kung may tatlo kang pangunahing tanong sa nilalaman ng silabus, ano ito at bakit?
-Mali ba ang mga natutuhang ispeling noon sa panahon ngayon?
-Ano-ano ang kontradiksiyon sa mga isyung pangwika sa Filipino online?
-Paano nagkakaiba-iba ang inter-aktibo, kolaboratibo, integratibo at komunikatibong mga dulog
sa klase?

You might also like