You are on page 1of 5

Kabanata III

METODO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodong gagamitin sa pananaliksik na

ito. Ito ay naglalaman sa mga sumusunod: pamamaraang gagamitin, populasyon,

paraan ng pagpili ng kalahok, deskripsyon ng mga respondente, instrumento, paraan

ng pangangalap ng datos, at uri ng gagamiting estadistika.

Pamamaraang Gagamitin

Upang makamit ang mga layunin ng pag-aaral na ito, gagamitin sa pananaliksik

na ito ang deskriptibong-korelasyon na pananaliksik. Ayon kay Cristobal (2017), ang

deskriptibong-korelasyon na disenyo ay ginagamit upang siyasatin ang direksyon at

ang laki ng ugnayan ng mga baryabol sa isang partikular na populasyon. Nilalayon

din nitong mangalap ng karagdagang impormasyon sa ilang mga katangian sa loob

ng isang partikular na larangan ng pag-aaral.

Populasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa ika-11 na baitang ng senior high school

ng Davao Doctors College, Inc. Sa kasalukuyan, ang populasyon ng mga mag-aaral

sa ika-11 na baitang ay 1,464.


Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Sa pananaliksik na ito, ang mga respondente ay ang ika-11 na baitang ng

Davao Doctors College, Inc. Sila ay may kabuuang bilang na 1,464 at may 31 na

seksyon. Ito ay malaki kaya gagamit ang mga mananaliksik ng “sampling method”

upang makuha ang sapat na bilang ng mga respondente. Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng “simple random sampling” kung saan ang mga kasapi ng populasyon ay

may pantay na pagkakataon na mapili bilang respondente ng pananaliksik

(Cristobal, 2017). Mula sa 1,464 na bilang ng populasyon kukuha ng 10 % kada

seksyon ang mga mananaliksik at ito ay magiging 146 na respondente.

Kahon 1. Distribusyon ng mga Respondente

Seksyon Bilang Lalake Babae Bilang ng Lalake Babae

ng Respondent

Mag- e

aaral
Knight 45 25 25 4 2 2
Litterman 47 27 20 5 3 2
Pacioli 48 24 25 5 2 3
Marx 45 18 27 5 2 3
Pytheas 45 20 25 4 2 2
Aristotle 45 21 24 4 2 2
Darwin 47 23 24 5 2 3
Erikson 46 22 24 4 2 2
Gantt 44 19 25 4 2 2
Hall 45 22 23 4 2 2
Hilton 46 25 21 4 2 2
Skinner 47 24 23 5 3 2
TVL 1 48 24 24 4 2 2
TVL 1.1 47 23 24 5 2 3
Plato 49 21 28 5 2 3
Barton 48 23 25 5 2 3
Benner 49 20 29 5 2 3
Bobath 46 25 21 5 3 2
Curie 47 22 25 5 2 3
Dunton 49 24 25 5 2 3
Henderson 48 26 22 5 3 2
King 48 22 26 5 2 3
Nightingal 49 23 26 5 2 3

e
Orem 47 21 26 5 2 3
Pahl 48 20 28 5 2 3
Peplau 49 29 20 5 3 2
Petroski 47 27 20 5 3 2
Roentgen 49 19 30 5 2 3
Roy 49 25 24 5 3 2
Roger 48 22 26 5 2 3
Watson 49 20 29 5 2 3
TOTAL 1,464 703 761 146 70 76

Deskripsyon ng mga Respondente

Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay ang ika-11 na baitang ng Davao

Doctors College, Inc. Ang mga respondente ay nasa estado ng kanilang buhat kung

saan nais nilang lumiban sa klase at magliwaliw sa buhay. Praktikal sa mga

mananaliksik na gawin silang respondente dahil sila at ang mga respondente ay

nasa iisang institusyon. Ito rin ay kombenyente sa mga mananaliksik sapagkat ang

mga respondente ay nasa iisang baitang kung kaya't makakapagtipid ang mga

mananaliksik sa oras at lakas.

Instrumento

Upang makakalap ng mga mahalagang datos para sa pananaliksik na ito, ang

mga mananaliksik ay gagamit ng kwantitatibong pananaliksik. Sa pag-aaral na ito,

ang mga datos ay kukunin sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga respondente

sa inaangkop na instrumento mula sa “Owlcation: Causes of Absenteeism Survey

Questionnaires”.
Ang “Owlcation: Causes of Absenteeism Survey Questionnaires” ay naglalaman

ng tatlong sukatan: Kadahilanan sa Pamilya, Kadahilanan sa Paaralan, at

Kadahilanan sa Mag-aaeal. Ang mga sukatan ay may tig-lilimang pahayag at may

kabuuang bilang na 15 puntos. Ito ay sumusukat sa mga rason ng mga mag-aaral at

ang dahilan ng kanilang pagliban sa klase Ang mga respondente ay tutugon sa “5-

point Likert scale”.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sa pangangalap ng datos, ang mga mananaliksik ay susunod sa mga

sumusunod na pamamaraan.

Ang mga mananaliksik ay pupunta sa Davao Doctors College, Inc. Registrar’s

Office upang kunin ang populasyon ng ika-11 na baitang. Sila ay gagawa ng liham

ng pahintulot sa punong-guro at mga guro ng ika-11 na baitang upang humingi ng

pahintulot na magsasagawa ng pananaliksik sa mga mag-aaral.

Sa pag-apruba, angbmga mananaliksik ay mamamahagi at mangangasiwa ng

talatanungan na galing sa “Owlcation: Causes of Absenteeism Survey

Questionnaire”.

Ang makakalap na datos ay kokolektahin, ita-“tally”, ita-“tabulate”, at

iinterpretahin.

Uri ng Gagamiting Estadistika


Sa pangangalap ng datos para sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay

gagamit ng mga sumusunod na estadistika:

Mean. Ito ay gagamitin upang masagot ang mga suliranin #1, #2, at #4 kung

saan nais tiyakin ng mga mananaliksik ang antas ng pagliban sa klase, antas ng

akademikong pagganap, at higit na makapagsasabi ng pagbaba at pagtaas ng

akademikong pagganap.

Pearson r. Ito ay gagamitin upang masagot ang suliranin #3 upang matiyak

kung may makahulugang ugnayan ba ang pagliban sa klase ng mga mag-aaral sa

kanilang akademikong pagganap.

T-critical. Ito ay gagamitin upang malaman kung ang “mean” ng dalawang

baryabol ay magkaiba sa isa't isa.

You might also like