You are on page 1of 2

Judgment

*patient has diminished emotional expression during this part of the interview*

(Name of patient), may itatanong lang ako sayo ha para maassess natin yung judgement
mo… Anong gagawin mo pag nakakita ka ng wallet sa daan?
Anong color?

Brown ang color.


Anong laman?

Pwedeng pera o litrato.


Pupulutin ko po.

Tapos?
Aamuyin.

Tapos?
Kukunin ko yung pera, pambibili ko ng bahay

Okay, I see.

Insight
May mga itatanong pa ako sayo ha… Ok? Pwede na ba akong magtanong?
*nods head*

Ok sige… Sa palagay nyo po, bakit po kaya tayo nag uusap at kinokunsulta ko kayo
ngayon?
Uhhhmm sabi kasi ng (nanay/kapatid) ko kelangan ko daw ipatingin utak ko. Ok naman ulo ko
oh… *knocks on head*

Pwede nyo po bang sabihin sa akin ano po yung sakit ninyo?


Anong sakit pinagsasabi mo? Wala akong sakit.. Baka kayo yung may sakit, hindi ako.

So sa palagay nyo po ba hindi nyo po kelangan ang tulong ko bilang doctor?


*kamot ulo, tingin tingin sa paligid, kinakausap ang sarili, hearing voices*

(Name of patient), ano yun? Bakit? May naririnig ka bang bumubulong sayo ngayon?
Meron po.

Anong sinasabi niya sayo?


Umalis na daw ako dito. Wala daw akong sakit. Dapat daw di ako pumunta dito.

Yung mga naririnig nyo po ba sa palagay nyo ay totoo?


Totoo si (name ng kumakausap sa kanya), sabi nya sakin yung (nanay, kapatid or anyone) ko
daw ang may sakit sa utak… *knocks on head*

Ok sige. So balik tayo sa tanong ko ha… Sa palagay mo ba hindi mo kelangan ang tulong
ko bilang doctor?
Hindi. Wala naman akong problema e.

Ending
Ok sige… So that’s the end of our mental status examination, may tanong pa po ba
kayo?
*shakes head = no*

Kung wala ka ng tanong, gusto kita pasalamatan na dumating ka dito at magpacheck up.
Magscheschedule tayo para sa susunod na check up po okay?
Opo

Sige salamat.

You might also like