You are on page 1of 5

Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan

sapamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El


filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing upang itambad
ang nasalikod na mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa
nobela sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga Pilipino.
Inilahad ang kawawang kalagayan ng Pilipinas, ang kanilang daing.

Dahil sa mga nobela ni Rizal, nabuhay sa puso ng mga Pilipino ang


kanilang galit sa pamahalaan maghimagsik at makamit ang kalayaan ng
Pilipinas laban sa mapanlinglang na pamahalaan ng Espanya.

Sa kadahilanang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan


si Jose Rizal bilang pasimuno ng rebelasyon.

Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para


paaminin na si Rizal ay may-kaugnayan sa nasabing rebelasyon.

Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya


ay pilit na ipinaaamin kung may kinalaman siya sa rebelasyon. Nagunita
rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung paano naikwento sa kanya ni
Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA, ang
pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal
at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan
upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina ng dalawang taon
dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa
Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng
kanyang nanang.

Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado


para i-depensa ang kanyang panig. Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni
Jose Taviel na dating guwardiya ni Rizal, ang naging abugado niya.
Naikwento niya dito ang kanyang buhay sa Unibersidad ng Santo
Tomas.

Sa Santo Tomas siya kumuha ng kursong medico. Sa paglagi niya rito,


natutunan niyang hindi lahat ng tao ay pantay-pantay.

Labis ang diskriminasyon sa mga estudyanteng Pilipino rito. Minsan


noong nagpupulong silang mga kapwa estudyanteng Pilipino ay inaway
sila ng mga estudyanteng Español na ikinasugat ni Rizal. Ginamot ang
sugat niya ng tatay ni Leonor habang si Leonor naman, na kanyang
pinsan at kasintahan, ay pinayapa ang galit na puso ni Rizal.

Marami napag-usapan sina Rizal at Taviel. Isa na rito ang mga


kinalaban ni Rizal. Ayon kay Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay
ang gobyerno, relihiyon, kastilang kawani ng katarungan at karangalan
ng Espanya. Kinatwiran ni Rizal na bilang isang manunulat, kalaban niya
ang lahat pati ang sarili niya. Lahat ng bagay na naisulat niya ay
nakaugat sa katotohanan, sa mga bagay na naisulat niya ay
matatagpuan ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang
kasaysayan.

Ikinulong nila, pinatay nila, hinukay sa libingan, itinapon.. Ganyan ang


ginawa ng mga Kastila sa karangalan at kasaysayan ng mga Pilipino.
Tulad ng ginawa na pagpapahukay at pagpapatapon sa ilog ni Padre
Damaso sa bangkay ng tatay ni Ibarra; pagkatapos niya itong tinanggap
sa pamamahay nito at pakainin noong nabubuhay pa siya ay ganito pa
ang iginanti sa ama.

Ikalawa ay ang nais iparating ni Rizal sa Espanya. Hinihiling lamang ng


mga Pilipino ay ang pagkakapantay-pantay.

Isang mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon at


gawaing sibiko. Makilala ang Pilipino bilang kapantay ng kastila.

Ikatlo ang pagpunta ni Rizal sa Europa. Nagtataka si Taviel bakit


nagawang iwan ni Rizal si Leonor? Anong layunin ang mas matimbang
pa keysa pagmamahal sa kasintahan? Nagpunta sa iba't ibang lugar sa
buong mundo, sinong nagtutustos saiyo? Isang lihim na organisasyon?

Naalala ni Rizal bakit nga ba siya pumunta ng Europa. Pinapunta siya


ng kanyang kuya Paciano upang mag-aral doon ng medisina at gawin
ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo siya at malaya niyang
maipamumukha ang baho ng pamahalaan ng mga kastila sa Pilipinas.
Malaya niyang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at
katarungan sa bayan. Ngunit paano si Leonor? Nasabi nalang ni
Pasyano "Ang sarili mo nalang ba ang iisipin mo?"
Pagbabalik-tanaw..

Taong 1884 nang makarating siya sa Unibersidad Central de Madrid.


Dito ay nag-aral siya ng medisina. Napatunayan niya na tama nga ang
sinabi ng kanyang kuya Paciano na malayang magpahayag rito ang mga
Pilipino. Kung nais nilang tawaging hunghang ang mga pari ay masasabi
nila.

Kung gusto nilang tawaging bobo ang gobyerno ay papalakpakan pa sila


sa kanilang katapangan. Naitatag din dito ang Kilusang Propaganda.
Isang organisasyon na naglalayon ng kalayaan sa pamamahayag at
mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino katulad ng mga
Kastila. Ilan sa mga kasapi ay sina Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce
at Manuel Hidalgo. Sapamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan
ng kilusan, naipaparating ng kilusan ang kanilang mga adhikain.

Habang sa Pilipinas, unti-unting ginigising ng Noli Me Tangere ni Rizal


ang taong bayan, na panahon na ng pag-aaklas tulad narin ng sinabi ni
Elias kay Ibarra. Dahil dito, upang hadlangan ang mga layunin ni Rizal,
ipinagbawal at ipinasunog ng mga prayle ang lahat ng kopya ng Noli Me
Tangere. Ginamit pa nila ang relihiyong Katoliko upang kontrolin ang
mga Pilipino. Lalamunin nang apoy ang sinumang mapangahas,
matakot na at magbalik loob na sa simbahan.

Enero taong 1891 nang bumalik si Rizal sa Pilipinas. Nagkaroon ng pag-


aaway sa kilusan ng maisipan na nilang maghalal ng pangulo.

Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikan ng La Solidaridad ay


pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain
ng La Solidaridad ay dapat pambansa.

Pagbalik ni Rizal sa Pilipinas ay itinatag niya ang La Liga Filipina. Isang


pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa
ilalim ng mga Kastila. Ilan sa mga kasapi rito ay si Domingo Franco,
Jose Ramos, Ambrosio Salvador at Andres Bonifacio.

Ngunit ang La Liga Filipina ay nanatiling pangarap. Itinuring na isang


samahan na kumakalaban sa Espanya. Nagtanim ng mga
mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni
Rizal. Dahil dito, kababalik palang ni Rizal sa PIlipinas ay ipinahuli na
siya at ipinatapon sa isang malayong lugar - sa Dapitan. Kapiling niya ay
dagat. Animo'y isang malawak na tinta para sa isang manunulat na wala
nang maisulat.

Palibhasa, ang layunin niya ay layunin ng isang makata. Tulad ng mga


alon, lumalapit, lumalayo. Kailanman ay hindi maaangkin.. Sa kabila
nito, nakilala naman niya rito si Josephine Bracken.

Sa kabila ng pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan at pagsulat niya ng


manifesto na hindi pag-aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais
parin ng mga prayle na siya ay mamatay.

Umabot pa sa pagpapalit sa Gobernador-heneral ng Pilipinas na si


Blanco dahil siya ay naging malapit kay Rizal.

Sa kasalukuyan..

Ang sumunod na pinag-usapan ni Rizal at Taviel ay ang nilalaman ng El


Filibusterismo. Totoo nga bang nag-iba na ang pananaw ni Rizal? Ang
tanong ni Taviel. Na ayon narin kay Simoun sa kanyang nobela: "Hindi
na sapat ang reporma. Hindi na sapat ang edukasyon at mga papel.
Kailangan ay dugo". Hindi kaya ginamit niya lang ang kanyang mga
nobela para makapaghiganti? Dahil nawalan siya ng kasintahan,
nawalan siya ng pamilya, ng profession? Hindi kaya pinagtataksilan niya
ang sarili niyang sining? Hindi niya nakikita ang katotohanan, nakikita
lang niya ang sarili nitong ambisyon?

Ika-26 ng Disyembre, 1896

Araw ng paglilitis ni Rizal. Ito na ang magbibigay liwanag nang tunay na


ugat ng rebolusyon. Sa panig ng manguusig, pinagbibintangan si Rizal
bilang pasimuno ng pag-aalsa. At dahil din sa mga isinulat niya tulad ng
Noli Me Tangere, El Filibusterismo, at mga iba't ibang uri ng sulatin na
inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at ng pamahalaang
Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga
mapangahas ay kamatayan.

Sa panig naman ng nasasakdal, ipinaabot ng mga sulat ni Rizal kung


papaano dapat patakbuhin ang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng pantay na
karapatan at kalayaan para sa mga Pilipino. Pero hindi pinahihiwatig at
pinatutunayan nito na si Rizal ang dahilan ng rebolusyon. Sa katunayan,
sa apat na taon na paglalagi niya sa Dapitan, hindi siya nag sulat ng
mga bagay na may koneksyon sa politika. At sa pagbisita sa kanya ni
Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang ikonsulta at yayaing sumama si
Rizal sa rebolusyon, Hindi niya binigay ang kanyang basbas sa
nasabing balak na pag-aalsa.

Dahil hindi narin kailangan ng mga rebolusyonaryo ito. At sa huli sa


pahintulot na magsalita si Rizal, sinabi niyang ang gusto lang niya ay
kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan
gamit ang edukasyon.

Sa kasamaang palad ay minadali ang paglilitis at ang naging hatol kay


Rizal ay kamatayan. Ang paglilitis ay isa lang panloloko.

Dahil sa hatol, binisita si Rizal ng kanyang nanang at mga kapatid.


Binigay niya ang kanyang huling kahilingan sa ina at ang isang lampara
na may laman ng kanyang huling tula - ang Mi Ultimo Adios.

Ika-30 ng Disyembre, 1896

Araw ng kamatayan. Habang naglalakad patungo sa huling hantungan,


naalala ni Rizal ang buhay niya sa Ateneo. Ang simula ng masasaya
niyang araw.

Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin niya ang mga babaril sa kanya
ngunit hindi siya pinagbigyan. Sa halip, hiniling na lang ni Rizal na
huwag nalang patamaan ang kanyang ulo. Sa pagkakamatay ni Rizal,
lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ng Pilipinas ang
kalayaan nito noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Ilang taon ang nakalipas,
nadeklarang Pambansang bayani si Rizal..

You might also like