You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. LAYUNIN
A. Natatalakay ang iba`t ibang salik na makaiimpluwensiya sa mga pangangailangan
ng tao
B. Nasusuri ang mga hirarkiya ng pangangailangan
C. Napahahalagahan ang mga pangangailangan ng tao

II. NILALAMAN
A. Paksa: Pangangailangan ng Tao
B. Sanggunian: Kayamanan, Consuelo M. Imperial, et. al, REX Book store
C. Kagamitan: Laptop, Aklat
D. Pagpapahalaga: Pahalagahan ang mga pangangailangan ng tao

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik – Aral

Anu – ano ang iba`t ibang uri ng likas na LUPA, GUBAT, TUBIG, MINERAL AT
yaman? ENERHIYA

2. Pagganyak

Pagpapakita ng mga larawan na may


kaugnayan sa pangangailangan ng tao.

Mga Gabay na Tanong:


1. Anu – ano ang mga nakikita niyong
mga larawan?
2. Lahat ban g mga ito ay importante at
kailangan ng tao?
3. Ano sa tingin niyo ang kinalaman ng
mga ito sa ating aralin ngayon?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad ng Paksa

Ang ating paksa ngayon ay tungkol sa


pangangailangan ng tao.

2. Malayang Talakayan

Ang pangangailangan ay mga bagay na


kailangan ng tao upang mabuhay.

Anu – ano ang mga pangunahing PAGKAIN, DAMIT, BAHAY


pangangailangan ng tao?

Ngunit hindi sapat sa tao ang simpleng buhay


sapagkat naghahangad pa rin siya ng mga
luho upang magkaroon ng kasiyahan.

Ano ang tawag sa mga luho na ito? KAGUSTUHAN

At ang mga bagay na ito ay hindi na


kinakailangan upang mabuhay ang tao.
Meron tayong mga salik na
makaiimpluwensiya sa mga pangangailangan
ng tao.
Anu – ano ang mga ito? EDAD, HANAPBUHAY, PANLASA,
EDUKASYON AT KITA
Bilang salik na makaiimpluwensiya sa mga Ang pangangailangan natin noong tayo ay
pangangailangan ng tao, ano ang edad? sanggol pa ay nagbabago habang tayo ay
tumatanda na. ang mga produkto at serbisyo
ng tao na binibili at ginagamit ay nagkakaiba
ayon sa edad ng tao.

Ano naman ang hanapbuhay? Naiimpluwensiyahan ng hanapbuhay ang


pagkain, pananamit, kagamitan, at
pamumuhay ng isnag tao.
Ang kalagayan sa lipunan ay
nakapagpapabago rin ng pangangailangan ng
tao. Ang bawat tao ay bumibili ng mga
produkto ayon sa kangyang panlasa. Maging
ang mga mamamayan ng ibat ibang bansa ay
nagkakaiba rin ang pangangailangan sa
pagkain dahil sa panlasa.
Ano pa ang masasabi niyo tungkol sa Ang mga Tsino ay mahilig sa oyster sauce;
panlasa? ang mga Hapones ay sa toyo; at ang mga
Pilipino ay sa patis at bagoong.

Ano naman ang edukasyon? Ang antas ng edukasyon ay


nakaiimpluwensiya sa mga pangangailangan
ng tao. Ang mga pangangailangan ng mga
estudyante ay Malaki ang kaibahan sa
pangangailangan ng mga nakatapos na tulad
ng guro, doctor, inhinyero, at iba pa.
Tama! At ang pagbabago sa pangangailangan
bunga ng edukasyon ay patuloy na
nagaganap. At ang panghuling salik ay ang
kita. Ano ang ibig sabihin kapag sinabing
kita? Ang kita ay salaping tinatanggap ng tao
kapalit ng ginawang produkto at serbisyo.

Ano pa ang ideya o masasabi niyo tungkol Kapag lumaki na ang kita ng isang tao ay
dito? nadaragdagan at nagbabago ang kanyang mga
ninanais kumpara sa mga simpleng
kagamitang binibili niya noon.
Kung minsan pa, ang mga ito ay nagsisilbing
bahagi na ng kagustuhan ng tao.
Magaling! Tumungo naman tayo sa hirarkiya
ng pangangailangan.
Anu – ano ang mga ito? Pangangailangang Pisyolohikal
Pangangailangang Panseguridad
Pangangailangang magmahal, mahalin,
makisapi at makisalamuha
Pagpapahalaga mula sa ibang tao
Pagkakamit ng kaganapang pantao

Ano ang pangangailangang pisyolohikal? Ito ang mga bagay na kailangan n gating
katawan upang manatiling normal at malusog.
Upang mabuhay ang isang tao, ang mga
pangunahing pangangailangan tulad ng
pagkain, damit, at tirahan ay kinakailangang
matugunan.
Kung ang pangangailangang pisyolohikal ay
natugunan na saka pa lamang lilitaw ang
pangangailangang pangseguridad o
pangkaligtasan ng tao.
Ano ba ang mga pangangailangang ito na
dapat matugunan? Ang pagkakaroon ng kaayusan, kapayapaan,
katahimikan, kalayaan sa takot at pangamba
ang ninanais ng tao na makamit sa kanilang
pamumuhay.
Ang mga pangkaligtasang pangangailangan
ay mahalaga sa tao lalo na sa kasalukuyang
kalagayan ng bansa, kung saan laganap ang
kahirapan at kriminalidad.
Bukod sa seguridad, may mga bagay sa
mundong ito na nais nating makamit. Isa na
rito ang pangangailangang magmahal,
mahalin, makisapi at makisalamuha.
Ano ang masasabi niyo tungkol dito? Ang pagsapi sa mga organisasyon, sa
paaralan, trabaho, pamayanan, at lipunan ay
bahagi ng pagtugon sa mga pangangailangang
ito. Normal sa mga tao ang makipagkaibigan
at makisalamuha sa kapuwa tao. Ito ang
naglalarawan n gating relasyon at pakikipag –
ugnayan sa mga tao sa ating paligid.

Ano naman ang pangangailangang mabigyan Ito ay nagsisilbing pagkilala sa ating


ng pagpapahalaga ng ibang tao? paghihirap at pagsisikap. Ang pagtugon sa
pangangailangang ito ay paglinang ng tiwala
sa ating sarili at pagpawi n gating pag –
aalinlangan sa buhay.

Magaling! At meron tayong pinakamataas na Ang pinakamataas na pangangailangan ng tao


pangangailangan, ano ito? ay ang pagkakamit ng kaganapang pantao.
Kasiyahan at karangalan para sa isang tao na
siya ay kinikilala at iginagalang ng kaniyang
kapuwa, maging ang kanyang mga ginawa.

C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Paglalahat

Anu – ano ang mga salik na EDAD, HANAPBUHAY, PANLASA,


makaiimpluwensiya sa mga pangangailangan EDUKASYON, KITA
ng tao?

Anu – ano ang hirarkiya ng pangangailangan? Pangangailangang pisyolohikal


Pangangailangang panseguridad
Pangangailangang magmahal, mahalin,
makisapi at makisalamuha
Pagpaphalaga mula sa ibang tao
Pagkakamit ng kaganapang pantao
2. Paglalapat
 Sa napakaraming pangangailangan ng tao, anong pangangailangan mo ang
iyong unang tinutugunan? Bakit?

IV. PAGTATAYA
Panuto: Punan ang nawawalang titik upang mabuo ang salita sa Hanay A at hanapin
ang kahulugan sa Hanay B. Isulat ang titik ng sagot.

HANAY A HANAY B

1. E ___ ___ D a. Ang pangangailangan natin


noong tayo ay sanggol pa ay
nagbabago habang tayo ay
2. K I ___ ___ tumatanda na
b. Ito ay salaping tinatanggap ng
tao kapalit ng ginawang
produkto at serbisyo
3. P I ___ ___ O L ___H___ K A c. Ito ang mga bagay na kailangan
___ n gating katawan upang
manatiling normal at malusog
4. K ___ G ___ ___A___A___ G d. Pinakamataas na
P ___ N ___ A O pangangailangan ng tao

5. P ___ N ___ E ___ U R ___ D e. Ang pagkakaroon ng kaayusan,


___ D kapayapaan, kalayaan sa takot at
pangamba ang ninanais ng tao na
makamit sa kanilang
pamumuhay

V. TAKDANG ARALIN
 Pag – aralan ang susunod nating tatalakayin tungkol sa pagkonsumo at
produksiyon. p. 80 - 86

You might also like