You are on page 1of 1

“Ang pandemyang Covid-19”

Sa taong 2020, maraming pangyayari ang naganap sa mundo lalung-lalo na sa ating


bansang Pilipinas. Isang pagsubok na nakapagpabago ng ating buhay at dinaranas sa buong
mundo na naging dahilan ng malaking panganib at banta sa buhay nating lahat. Subalit,
hindi ito ang dahilan upang tayo ay sumuko sa lahat ng pagsubok na ating hinaharap kaya
wag tayong mawawalan nang pag-asa at sama-sama tayong babangon upang makaahon sa
pagsubok na ito. Ano nga ba ang malaking pagsubok na ating kinakaharap ngayon? Ang
COVID-19 ay isang nakahahawang sakit sa baga dulot ng bagong coronavirus na
nadiskubre noong Disyembre 2019 na kumalat mula sa Wuhan, China. Kumalat na ito sa
iba’t ibang parte ng mundo bago pa ito mapigilan at nagdulot ng malawakang problema na
kinakaharap ngayon ng iba’t ibang bansa.

Dahil sa pandemyang ito, malaki ang naging epekto nito sa ating ekonomiya, pulitika,
at edukayon na naging sanhi ng paghihirap pa lalo ng bawat mamayang Pilipino. Simula
nang lumaganap ito, maraming mga may negosyo ang pansamantalang nagsara dahil sa
banta ng virus kaya marami ang walang makain ngayon dahil na rin sa pagsuspinde ng
trabaho, karamihan pa nito ay mga taga-probinsya na nagtatrabaho sa siyudad na hindi
makauwi sa kani-kanilang tahanan. Sa edukasyon naman, nagpatupad ang DepEd/CHED ng
online class upang hindi mapabayaan ang ating pag-aaral. Sa kabila nito, marami ang hindi
makapag-aral ngayong taon dahil sa kakulangan pampinansyal, gadget at internet
koneksyon. Sa apekto ng pulitika, mas nakita ng mga mamayang Pilipino ang mga dapat
nilang pinagkatiwalaan ng kanilang mga boto. Mayroon pa rin namang ginagawang paraan
ang gobyerno para makapaghatid ng tulong sa mga apektadong Pilipino. Sa kabila ng
pandemyang ito, ang pinakaimportante sa lahat ay magdasal at magtiwala lang tayo sa
Diyos at magtulungan dahil makakaya rin natin itong lagpasan.

You might also like