You are on page 1of 2

Hindi Tayo Perpekto

(Andrew F. Rabal BSEd 2-Math)

Binibining Smith: Magaling, magaling, magaling, napakaperpekto mo talaga lalo na sa


pagsasalita ng wikang Filipino.

Pekto: Oo naman ma’am, ako pa, napakagaling ko talaga lalo na sa Filipino.

Binibining Smith: Hindi ka lang magaling, matalino ka pa.

Siya ang aking guro sa Filipino, si binibining Smith, nakapag-asawa lang ng kano, eeehh…
parang hindi na marunong magsalita ng Filipino. At ako naman pala si Lance Joshua Michael
Santos, pwede niyo akong tawaging Lance? Joshua? Lance Joshua? o Josh Michael, Pekto for short,
ang layo no. Eh kasi naman napakagaling ko talaga sa lahat ng bagay at perpekto pa ako sa eskul.
Pinakamatalino, pinakamagaling at pinakagwapo sa lahat. Perfect diba?

Tatay: Anak, ikaw ang pinakagwapo at pinakamatalino sa ating angkan. Kaya Pekto ang palayaw
mo kasi perpekto ka.

Pekto: Ganun ba yon, kaya naman pala patay na patay ang grade 7 at grade 8 sa akin dahil
perpekto ang kagwapohan ko…..ahhhm ahhhm….sasabihin ko lang, akala niyo si Alden Richards
to no?.. nagkakamali kayo.

Yan ang kinagisnan ko sa bahay, sa paaralan at sa aming barangay, walang bading, walang
pangit. Kailangan perpekto sa mukha, talino at sa mga gawain.

Pekto: Binibining smith, binibining smith, ano ang gagawin ko nahihirapan na ako?

Binibining Smith: Ano ba iyon Pekto, meron bang problema dyan?

Pekto: Eh kasi panay ang tingin nila sa akin. Paano ako mag-aaral niyan? Kasalanan ko bang
gwapo ako. Nakakairita!!!!

Binibining Smith: Ang kapal naman ng mukha mo Pekto …excuse me, itigil mo na ang kakapalan
ng mukha mo. Anong tingin mo sa sarili mo? Kpop? Yaaak….

Pekto: Aminin nyo na kasi, sobrang kinis talaga ng mukha ko, sabi nga nila kutis artista.

Mag-aaral: Sinong nagsabi sayo na ikaw ang tinitingnan ko, iba yata ang tinitingnan ko,
Kasalanan ba ang maging duling?
Binibining Smith: O siya siya siya, tama na yan Pekto, tandaan mo walang taong perpekto.

Pekto: Diyan kayo nagkakamali binibining smith, hindi pa ba klaro sayo na perpekto ako.

Binibining Smith: Pekto walang taong perpekto. Bata ka pa at grade 7 ka pa lang. Magandang
lalaki ka nga pero maliit naman ang katawan mo at pandak ka pa. Marami pang mangyayari at
magbabago sa’yo.

Hindi ko matanggap ang sinabi ni binibining smith. Mali siya hindi ako pandak, kailangan
lumaki ang katawan ko at tatangkad ako… (magbubuhat ng barbel)

Pekto: Isa, ang bigat…dalawa….kaya ko toooo….Aaaay sorry

Tatay: Anak, hindi ka pa handa sa pagbubuhat niyan, maliit pa ang katawan mo.

Pekto: Tay, kailangan ko ito para lumaki ang katawan ko. Magpupush up ako. Isa, dalawa, tatlo,
dalawampu’t isa dalawampu’t dalawa.

Haaaay, hay nako, dalawang araw na lang pero.. pero.., hindi pa rin malaki ang katawan ko.
Hindi ko matanggap ang sinabi ni binibining smith. Aha….. ito na ang kailangan ko. Ito yata ang
gamit ni itay. Steroid (iinom) ito pa cherifer (iinom), pampatangkad at kung ano ano pang gamit
ng mga intsik. Tsa-a…… halamang gamot.

Binibining Smith: Magandang hapon Pekto, parang namumutla at nangangayayat ka yata?

Pekto: Aray ko ang sakit sakit ng tiyan ko. Wa…wala po binibining Smith. (Kailangan kong
matapos ang klase na ito.)

Binibining Smith: Anong nangyayari sayo Pekto? sabihin mo….ano?

Pekto: Wala…wala po bibibining smith… (diyos ko natatae na talaga ako)…Ah okay lang po ako

Aaaahhhh!!!!!

Lumabas ako sa klase dahil sa sobrang hiya.

Eeeeeew…..

Sumakit ang tiyan ko dahil sa mga gamot. Hiyang hiya ako sa sarili ko at mula noon nag-
iba na ang pananaw ko. Si Pekto, palayaw ko lang yon. Lagi nating tandaan hindi tayo perpekto.

You might also like