IEC For Pregnancy

You might also like

You are on page 1of 8

Bicol University

College of Nursing
Legazpi City

HEALTHY BUNTIS,
HAPPY BABY
Health Teaching on Safe Pregnancy
Prepared by: Amanda Jan D. Olivares

Sources:
Department of Health
ABS-CBN News
Mga Dapat Tandaan:

Siguraguhing handa ang


pamilya sa pagdating
ng bagong baby

Siguraguhing alam ng
doktor o ng health service
provider ang iyong
kondisyon habang
nagbubuntis

Maghanda nang maaga at


mabuti sa panganganak
Mga Dapat Tandaan:
Pakiramdaman ang katawan at
sabihin sa doktor, nars, o
midwife kung may napansing
kakaiba

Nanay, kung makaramdam o


makapansin ng alinman dito,
pumunta agad sa health center!
Mga Dapat Tandaan:
Makinig sa mga payong
makabubuti sa iyo at sa
dinadalang anak

Alamin ang mga dapat mangyari


sa bawat check-up at
siguraduhing magagampanan
ito ng iyong health service
provider
Bilang ng check-up Kailan

Una Mula pagtigil ng regla hanggang ika-3


buwan ng pagbubuntis
Pangalawa Mula ika-4 hanggang ika-6 na buwan

Pangatlo Mula ika-7 hanggang ika-8 na buwan

Pang-apat Ika-9 na buwan ng pagbubuntis


Mga Dapat Tandaan:
Sundin and schedule ng pre-
natal check-up. Uminom ng
gamot na inireseta ng doktor at
kumpletuhin ang bakuna ng
Tetanus Toxoid upang masiguro
ang kaligtasan habang
nagbubuntis

Bilang ng Bakuna Kailan

Una Sa oras na malaman ang pagbubuntis

Pangalawa Sa ika-4 na linggo matapos ang unang


bakuna
Pangatlo Sa ika-4 na linggo matapos ang
pangalawang bakuna
Pang-apat Isang taon mula sa pangatlong bakuna

Pang-lima Isang taon mula sa pang-apat na bakuna


Ano ang UTI at ano
ang kaugnayan nito sa
pagbubuntis?
Ang UTI o urinary tract infection ay
ang impeksiyon na sanhi ng bakterya
na nakakaapekto sa bahagi ng daanan
ng ihi.

Isa sa pinakamadaling magkaroon ng


UTI ay mga buntis, ayon kay. Dr.
Vismonte, isang urologist sa De Los
Santos Medical Center.

Kapag napabayaan ang UTI sa buntis,


lalong tumataas ang tiyansang
makunan o malaglag ang bata.
Ano ang mga sintomas ng
Urinary Tract Infection?

pananakit ng puson o balakang

maya't mayang pag-ihi

mahapding pag-ihi

pagkakaroon ng malabo at
mabahong ihi

chills o lagnat
Paano ito magagamot at
maiiwasan sa susunod?
Payo ni Dr. Vismonte sa mga buntis,
lalo na sa mga malalaki na ang
tiyan:
matulog nang patagilid upang
hindi masyadong maipit ang
urether at pantog

Regular ding magpatingin sa


doktor upang agad na magamot
ang impeksiyon

Uminom ng maraming baso ng


tubig, at huwag magpipigil ng ihi

Kapag magpupunas matapos


umihi, gawin ito mula harap
papunta sa likod

You might also like