You are on page 1of 2

“Pagbabawas ng Panganib sa Kalamidad (DRR)”

Ang kalamidad ay tinuturing na mga


pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala
sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at mga tao
sa lipunan. Hindi ito napipigilan pero pwede
naman itong paghandaan at maiwasan. May
iba’t ibang klase ng kalamidad ang
nararanasan ng ating bansa, maaring ito ay
natural o gawa ng tao. Ang mga natural na
kalamidad ay: bagyo, baha, lindol, landslide,
flashflood, pagputok ng bulkan, storm surge, el
niño at la niña. At ang mga kalamidad naman
na sanhi ng mga tao ay: baha,
polusyon,deforestation, at oil spill..

Ang ​disaster risk reduction o pagbabawas ng panganib sa kalamidad ay


naisasagawa upang mabawasan ang kapahamakan at masamang epekto ng mga
kalamidad, natural man o tao ang may gawa. Sa isang kalamidad, may mga ​hazards​,
ito ay anumang mga pangyayari o sitwasyon na maaring magdulot ng panganib sa
buhay ng tao at pagkasira sa kanilang mga pag-aari. Ang risk naman ay ang
probabilidad na maaaring magkaroon ng negatibong epekto kapag nagkaroon ng
interaksyon sa pagitan ng mga ​hazards o panganib at ​vulnerable na kondisyon. Ang
vulnerabilities ay mga kahinaan na nagiging dahilan upang hindi maging handa ang
isang komunidad sa paghahanda at pagharap sa mga epektong dulot ng panganib o
hazards.​

Kaya ang ​disaster risk reduction ay nandito para makatulong at maalarma ang
mga mamamayang Pilipino sa mga dapat at hindi dapat gawin tuwing may delubyo.
Ang pagpansin ng issue tungkol sa mga kalamidad sa ating bansa ay isang
mahalagang bagay upang mapaghandaan ito ng bawat mamamayan, lalong lalo na sa
mga tao na kung saan nasa kanila ang pokus ng panganib. Isang malaking tulong para
sa kanila ang tama at sapat na paghahatid ng bawat impormasyon na kailangan nilang
malaman sa maagap na oras. Bilang isang mamamayan,dapat ay suriin ng bawat isa
ang mga ​risk, hazards, at vulnerabilities sa isang komunidad upang agad itong
matuonan ng pansin at magawan agad ng aksyon. At bilang isang mamamayang
Pilipino, ang tanging magagawa ng bawat isa upang makatulong at magkaroon ng
kontribusyon sa ating lugar o ating bansa ay ang pagsunod sa bawat batas na
ginagawa ng mga kooperatiba, at pagkakaroon ng kamalayan at partisipasyon sa
darating na mga kalamidad at iba’t ibang larangan ng programa na makakatulong sa
paglutas ng isyu hingil sa mga panganib.

You might also like