Professional Documents
Culture Documents
Filipino 3
Filipino 3
nito.Ngayon sinasabi sa proyektong ito na ibahagi ang isang pangyayari na nangyari sa buhay
na hindi mo makaklimutan pero sa totoo marami ang nangyari sa buhay ko at alalang alala ko
pa nga ang bawat eksena at ang napili kong ibabahagi ay noong bagong pasok sa highschool
department grade 7yun at marami ako ipinangako sa aking sarili at isa sa iyun ay hindi
magingkatulad sa aking mga kaklase na ang iniisip ay humanap ng mga kabiyak sa highschool
o girlfriend at boyfriend sa katunayan nga nagalit ako sa kanila na sa batang edad nila na dapat
ang unang iniisip ay pag- aaral at hindi sa walang kwentang bagay pero kahit nangako ako sa
aking sarili na hindi ako magiging katulad ng aking mga kaklase subalit hindi ito natupad dahil
sa aking pagiging bobo .Unang araw ng klase at nangyari ang mga programa para tumulong sa
mga bagong estudyante katulad ko at nangyari ang hindi ko inaasahan nakita ko ‘’SIYA’’ una
pinigilan ko ang aking sarili at ipinaalala ko ang aking mga pangako sa aking sarili na huwag
maging katulad sa aking mga kaklase pero nalaman ko sa huli na mahina ang aking kalooban
na kahit maliit na pangako hindi ko magawa o maitupad man at wala akong mararatingan kung
ganun kahina ang aking sarili. Kada araw na lumilipas unting –unti kong kinalimutan ko muna
ang mga moral sa pagiging estudyante at naging tao na umiibig sa ibang tao rin subalit
naramdaman ko ang bagsik ng kasabihang ‘’ Ang pag-ibig ay bulag’’ bakit? Dahil umibig ako sa
kanya na hindi man tumitingin sa kanyang katauhan muna at alam ko sarili kong mali iyon pero
kahit alam ko ang kanyang katauhan hindi ko parin mapigilan ang aking sarili. Ngayon
maraming mga gabi na hindi ako makatulog dahil umiisip ako sa kanya ,Kahinaan !!! ang
sinisigaw ko sa aking isipan hindi ko nga magawa na kumausap sa kanya o maski lumapit dahil
kung alam ng mga tao na kumakausap o nagsasama kaming dalawa natatakot ako sa mga
iispin ng mga tao at kahit mahina ang aking kalooban pinangingibabaw ko parin ang aking
konsensya at tinanong ang aking sarili na kung maging kami nga magiging masaya ba ako ? na
totoong masaya ako nga hindi ko alam ang sagot kaya mas mabuti magkunwaring bulag kapag
dumaan siya para hindi masakit sa aking kalooban.Hanggang ngayon grade 10 na ako meron
pa rin akong nararamdaman sa kanya walang araw sa klase na hindi ako tumitingin sa kanya
pero bakit masakit kapag tumitingin siya sa akin pabalik humahalo ang mga emosyong galit at
kalungkutan para sa kanya. Noong kapistahan ngayong taon nagsasama kaming magkakibigan
at sumusunod siya sa aming grupo at habang bumubili ng makakain sinabihan niya ang
kanyang kaibigan na palapitan ako sa kanya pero hindi ko ginawa kasi alam ko na mabigat sa
aking konsensya na sa ilaim sa aking loob kung gagawin ko iyon alam ko na hindi ako magiging
masaya sapagkat mali ito.