You are on page 1of 1

Panitikan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Jump to navigationJump to search
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng
tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito
mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga
panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi
ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at
nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.
[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at
mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng
literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga
mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.[1]

REFERENCES: https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan

You might also like