You are on page 1of 1

Filipino 3: Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan

Pangalan: Alexa Jill Cuesta


Taon at Seksyon: 12 ABM 2A - Wisdom
Pamamaraan ng Pagsulat: Impormatibo

Laganap na Bayrus: Covid - 19

Ang pagkalat ng coronavirus sa iba’t ibang panig ng mundo ay nakakaalarma. Ito ang patunay na
dapat mas bigyan ito ng pansin sapagkat marami ng buhay ang nawala dahil sa naturang bayrus na
kumalat at patuloy na kumakalat sa buong mundo. Ano ng aba itong coronavirus at san ito nagmula?
Paano ito maiiwasan at paano ito nakakaapekto sa bawat tao?

Ang coronavirus ay isang bayrus na nagdudulot ng lagnat, hirap sa paghinga, pagsikip ng dibdib,
ubo, sipon at iba’t iba pang kaso ng sakit na unti unting pinapatay ang katawan ng isang tao. Kung mas
lumala man ang sitwasyon ng pagkalat ng virus sa katawan ay maaari din itong maging isang sanhi ng
pneumonia sakit sa baga at ang mas malala ay ang pagkamatay mismo. Batay sa pagsasaliksik, ang
bayrus ang unang naitala sa lugar ng Wuhan, China. Hindi pa ito nakikila bilang coronavirus dahil
karaniwan lang nakikita ang sakit na ito sa mga hayop noon hanggang nangyari ang paglaganap ng
bayrus na matatagpuan ngayon sa katawan ng tao. Mas nakakaalarma ito dahil wala pang espisipikong
gamut para sa bayrus ngunit may nakakabawi sa sakit sa pamamagitan ng pagbigay ng sapat na aruga at
suporta ng mga taong nahawaan ng bayrus.

May kasabihan na “ang pag-iwas ay mas mainam kaysa pagalingin” kaya mas mabuting malaman
din natin ang kailangan gawin upang makaiwas na mahawaan sa bayrus na kumakalat. Para makaiwas sa
pagkalat ng bayrus ay ugaliin ang paghugas ng kamay, panatilihin ang isang metrong layo bawat isa,
lumayo sa ibang tao at magsuot palagi ng mask pag lalabas ng bahay. Ito ang ilan sa dapat gawin upang
maiwasan ang paglaganap ng bayrus.

Ang paglaganap ng bayrus na ito ay sobrang nakaaapekto sa buhay ng mga tao dahil wala ng
trabaho na pinagkukunan ng pangangailangan para makabili ng pagkain at pang araw-araw na
pangangailangan. Ang lahat ng tao ay sumailalim sa “home quarantine” para maiwasan ang paglaganap
ng bayrus. Pinagkaitan ng normal na buhay ang mga tao dahil sa pagkalat ng bayrus. Nahihirapan at
naghahanap ng paraan upang makaligtas sa krisis na nangyayari sa kasalukuyan. Ang mga pamilya ng
mga nawalan ay nagluluksa sapagkat ilang libong buhay na ang nawala sa taong ito. Maraming
nawalan,nagluksa at nahirapan dahil sa pandemic na ito kaya kailangan nang bigyang diin sana ang mga
pangyayaring ito.

Ang coronavirus ay nagdulot ng bangungot sa bawat isa. Bayrus na maaaring mapasa sa


pamamagitan ng iba’t ibang uri ng likido na nanggagaling sa katawan ng may bayrus at napasa sa iba.
Isang bayrus na maraming tao na ang nahawaan at nagging dahilan din sa pagkamatay ng iba. Kailangan
talagang iwasan ang bayrus na ito para iwas komplikasyon sa hinaharap. Lumalaganap ito hindi lang sa
isang bansa kundi sa buong mundo. Wala pa mang gamot dito ngunit nagsisikap ang buong mundo na
makahanap para bigyang diin ang krisis na ito.

You might also like