You are on page 1of 11

Retorika at Gramatika

Gramatika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag

Ang retorika ay may tungkuling pagandahin at patimyasin ang isang pahayag, samantalang ang
gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang pagpapahayag.

Tatlong (3) mahahalagang bagay ang sinasaklaw ng wika:

1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita.


2. Tamang paggamit ng salita
3. Tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o
ideya.

Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita

Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng mga salita, nagkakaroon ng pagkakataong makapili at


makagamit ng isang angkop na salita. Halimbawa: A. Siniliran niya ng mga pinamili ang bag. (Mahina) B.
Sindlan niya ng mga pinamili ang bag. (Pinalakas)

Tamang Paggamit ng Salita

Ang maling gamit ng salita ay maaaring makabawas sa kalinawan ng pagpapahayag at nakapagpapamali


sa isang pahayag.mayroong salitang magkasing-anyo o magka- uri subalit may tiyak at ibang
pinaggagamitan. Halimbawa: magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw, sulyap. A. Tingin - mababaw na
pagbibigay-pansin B. Titig - matagal na tingin, may diwa ng pagsusuri. C. Tanaw - pagbibigay-pansin sa
isang bagay na malayo. D. Sulyap - panakaw na tingin

Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita

Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga salita ay nakakatulong upang maging maayos ang pagpapahayag.
Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa
isa’t isa. A. Bumaba ng bahay ang mga bata. (Mahina) B. Nanaog ng bahay ang mga bata.. (Pinabuti)

Semantika- May kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga salita at pangungusap.

1. Denotasyon
2. Konotasyon
3. Sinonim
4. Antonim
5. Polisemi - salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na magka-ugnay Hal: marka
6. Homofon
7. Parapreys

Galing sa salitang ‘’rhetor’’ na mula sa Griyego na ang ibig sabihin ay guro o isang taong magaling na
mananalumpati o isang mahusay na orador.  Tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o pasulat
na pagpapahayag.  Ayon kay Socrates, ay isang siyensa o agham ng paghihimok o panghihikayat.
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang
pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa.  Ayon kay
Simplicio Bisa, isang sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.

Sangkap ng Retorika

 Kaisipang nais ipahayag


 Pagbuo ng mga pahayag
 Istilo ng pagpapahayag.

Saklaw ng Retorika

 WIKA
 SINING
 LIPUNAN
 PILOSOPIYA
 PANAHON
 SITWASYON

Bahagi ng pananalita/panalita (Part of speech), o kauriang panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian


ng mga salita na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong
asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.

May sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-
abay, pantukoy, pangatnig, pang- ukol, pang- angkop at pandamdam.(Balarila ng Wikang Pambansa
(1939;1944) ni Lope K. Santos)

Mga Nominal

a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp. b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan 2. Pandiwa (verb) -
mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita 3. Mga panuring (mga
modifier) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at
kapwa nito pang-abay

b. Mga Pang-ugnay (Connectives) a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang


salita, parirala o sugnay b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita

c. Mga Pananda (Markers) a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa


pangngalan o panghalip b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa
(o simuno) at panaguri

d. Pandamdam (interjection) mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin

e. PANG-UGNAY ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,


maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
f. PANG-UKOL (preposition)  ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang
salita sa pangungusap. sa para sa ayon para kay tungkol sa na may Halimbawa: Ang kanyang nilutong
tinola ay para sa kanyang asawa at mga anak.

g. Mga Gamit ng Pang-ukol  Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa:


Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Coby.  Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari. Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.  Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.

h. PANGATNIG (Conjunction)  Ito ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap: at pati saka o ni maging subalit ngunit kung
bago upang sana dahil sa sapagkat

Gamit ng Pangatnig  Dalawang salitang pinag-ugnay Halimbawa: Ang langis saka tubig ay hindi
mapagsama.  Dalawang pariralang pinag-ugnay Halimbawa: Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng
bahay ang kanyang hanapbuhay.

Uri ng Pangatnig

1. Panimbang -Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. at saka pati ngunit maging
datapuwat subalit Halimbawa: Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera. Naglinis muna si
Hannah, saka siya nagluto.

2. Pantulong -Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay. kung kapag upang para
nang sapagkat dahil sa Halimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. Umasenso
ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

i. PANG-ANGKOP (Ligatures) Ito ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Tatlo
ang pang-angkop na ginagamit: na, -g, at -ng.

Wastong Paggamit ng Pang-angkop  Inilalagay ang na sa pagitan ng salitang naglalarawan at


inilalarawan na ang nauuna'y nagtatapos sa katinig maliban sa n. Halimbawa: masarap na pagkain,
malinis na bahay, masinop na tao, maayos na pamumuhay.  Ikinakabit ang -g sa nauunang salitang
nagtatapos sa letrang n sa magkasunod na salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa:
mahinahong pakikipag-usap, maalinsangang lugar,

Ikinakabit ang -ng sa nauunang salitang nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u) sa magkasunod na


salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa: bagong bayani, mabuting anak, masayang naglalaro.

Nang  ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; katumbas ng when sa


Ingles. Halimbawa: Tulog na ang mga anak nang dumating ang kanilang ina.  ginagamit sa gitna ng
dalawang salitang-ugat na inuulit. Halimbawa: tapon nang tapon  Nagmula sa na at inaangkupan ng ng
at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at pang-abay. Halimbawa: Nag-aral nang mabuti si Juan.

Bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o “upang” . Halimabawa: Sumulat ka nang


sumulat ng mga kuwento nang manalo ka sa patimpalak.  ginagamit bilang pangatnig sa mga
hugnayang pangungusap; bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-iisa.
Halimbawa: Nang siya’y umalis, dumating ang panauhin.  ginagamit bilang pangatnig sa mga
hugnayang pangungusap; bilang panimula ng katulong na sugnay. Halimbawa: Maghugas ka ng pinggan
nang makakain na kayo.

Ng  ginagamit bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. Halimbawa: Nagtanim


ng palay si Jesusa na isang magsasaka.  ginagamit ang ng bilang pananda ng aktor o tagaganap ng
pandiwa. Halimbawa: Tinulungan ng dalaga ang kanyang lola sa pagtawid.  Ginagamit ang ng kapag
nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. Halimbawa: Ang boses ng bayan ang dapat na
mananaig.

 ginagamit bilang pantukoy Halimbawa: Maluwag ang looban ng simbahan.  ginagamit bilang
pang-ukol na ang katumbas at tamang pagkaka- ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo
ng malinaw na kaisipan o diwa. Halimbawa: Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw.  ginagamit bilang
pang-ukol na ang katumbas ay sa. Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng Baguio.

 ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangngalang paari. Halimbawa: Tumatanggap


ng plake ang kanyang anak.  ginagamit bilang tagatanggap ng kilos. Halimbawa: Ayaw siyang layuan ng
agam-agam.

May  ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan. Halimbawa: May kasalanang ginawa sina
Flor at Liza kagabi.  ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa. Halimbawa: May tumawa dahil sa
nasabing balita.  ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May magandang karanasan si
Maja tungkol sa pag-ibig.

Ginagamit kapag sinusundan ng pantukoy. Halimbawa: May mga panoorin sa patyo ng


simbahan.  ginagamit kapag sinusundan ng pang-ukol na sa. Halimbawa: May sa daga ang anak mong
iyan.

Mayroon  ginagamit kung sinusundan ng panghalip. Halimbawa: Mayroon kayong libreng


gamot sa baranggay.  ginagamit kung sinusundan ng kataga.(po, pa, din, rin) Halimbawa: Mayroon po
kaming ipagtatapat sa inyo.  ginagamit ang mayroon bilang panagot sa isang tanong. Halimbawa: May
pera ka ba? Mayroon.

ginagamit kung nanganghulugan ng pagka-maykaya o mayaman. Halimbawa: Ang mga Malate


ay mayroon sa probinsya ng Bicol.

Kung  ginagamit bilang isang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; katumbas ng if sa


Ingles. Halimbawa: Kung may problema ka, puntahan mo lang ako. 6. Kong  ginagamit bilang panghalip
panaog na ko at ng. Halimbawa: Ang tangi kong hangad ngayong taon ay ang makapasa sa L.E.T.

Din/daw  ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.


Halimbawa: Magpapatingin daw siya sa doktor ngayon. 8. rin/raw  ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y. Halimbawa: Ikaw raw ay makakasama sa
bakasyon patungong Baguio. May handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.

36. 36. 9. Sina  ginagamit kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan na tinutukoy sa
pangungusap. Halimbawa: Naglilinis sina Gel at Lissette ng bahay. 10. Sila  ginagamit bilang panghalip
na panao; katumbas ng they sa Ingles. Halimbawa: Umalis na sila kanina pang umaga.
37. 37. 11. Pinto  ginagamit bilang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Halimbawa:
Isinasara niya ang pinto upang hindi makapasok ang magnanakaw. 12. Pintuan  ginagamit bilang
kinalalagyan ng pinto. Halimbawa: Hindi pa napipinturahan ang pinto sa pintuan.

38. 38. 13. Pahiran  Lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng pamunas o sa pamamagitan ng
kamay. Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang natutuyo mong balat. 14. Pahirin  Alisin sa pamamagitan
ng pamunas o sa pamamagitan ng kamay.

39. 39. 15. Subukin  may bagay na nais patunayan “to try”. Halimbawa: Subukin mong gumamit ng
Ariel sa paglalaba. 16. Subukan  May mga bagay na tinitingnan nang palihim. Halimbawa: Subukan mo
kung ano ang ginagawa niya sa aklatan.

40. 40. 1. Nasasalamin _____ sa mga kabataan ang pagiging pag-asa ng bayan. a. daw c. din b. raw
d. rin 2. Pinakiusapan ______ ng mayor ang mga tao na huminahon. a. din c. rin b. raw d. daw

41. 41. 4. Humahagulhol ______ malakas ang namatayan. a. nang c. ng b. daw d. raw 5. Nilamon
siya ____ alon haang namamangka. a. nang c. ng b. din d. daw

42. 42. Idyoma  Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may kahulugang patlinhaga.
 Ito ay di-literal kung kaya nangangailangan ng konotatibo at mallim na pagpapakahulugan. Halimbawa:
putok sa buho - anak sa pagkadalaga mababaw ang luha - madaling umiyak naglulubid ng buhangin-
nagsisinungaling hilong talilong - litung-lito pabalat-bunga - hindi totoo

43. 43. Tayutay Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa
layuning gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa sa pagpapahayag.  May iba’t ibang uri ng tayutay
ito ay ang mga sumusunod:

44. 44. 1. Pagtutulad (simile)  Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara ng dalawang bagay na


magkaiba ng uri at gumagamit ng mga parirala tulad ng tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba
pa. Halimbawa: Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay. 2. Pagwawangis (metaphor)  Paggamit ng
mga pahayag na nagpapahaiwatig ng pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito
ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animo’y at iba pa. Halimbawa: Ang
kanyang buhay ay isang bukas na aklat.

45. 45. 3. Pagbibigay-katauhan (personification)  Pagsasalin ng mga katangian ng tao sa isang


bagay. Naipahayag ito sa pamamagitan ng paggamit ng pandiwa. Halimbawa: Sumasayaw ang mga alon
sa karagatan. 4. Pagmamalabis (hyperbole)  Isang pahayag na eksaherado o labis sa katotohanan.
Halimbawa: Nagliliyab ang mga mata ng galit na galit na lalaki.

46. 46. 5. Pagtawag (apostrophe)  Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o
wala sa isang tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa: Tukso, layuan mo ako. 6. Pagpapalit-tawag (metonymy)  Paggamit ng isang salitang
panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng katawagan sa
bagay na tinutukoy. Halimbawa: Si Jessa ang tala ng kanilang nayon.

47. 47. 7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)  Pagbanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan;


maaari namang nag-iisang tao ang kumakaktawan sa ibang pangkat. Halimbawa: Isang kayumanggi ang
pinangaralan sa larangan ng boksing. 8. Paghihimig (onomatopoeia)  Paggamit ng tunog o himig ng
salita ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito. Halimbawa: Kumabog sa matigas na lupa ang
bumagsak na kargamento mula sa trak.

48. 48. 9. Pagtatambis (oxymoron)  Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na
magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba. Halimbawa: Ang buhay sa mundo
ay tunay na nakakatawa: may lungkot ay may ligaya, mmay dilim at may liwanag, may tawa at may luha.
10. Pagsalungat (epigram)  Ito ay may kahawig ng pagtatambis kaya nga lamang ay maikli at
matalinhaga. Halimbawa: Natalo siya upang muling manalo.

49. 49. 11. Paglulumanay (euphemism)  Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na
pahayag. Halimbawa: Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag damdaming
tagpo sa harap ng kapitbahay. 12. Parelelismo (parallelism)  Isang pagpapahayag na may halos iisang
istruktura. Halimbawa: Sama-samang nabubuhay, Sama-samang namamatay.

50. 50. 13. Pagpapalit-wika (transferred epithets)  ang pang-uring ginagamit lamang sa tao ay
inililipat sa mga bagay. Halimbawa: Ang mapagkandiling plato ay naghain sa kanya ng pagkain. 14. Pag-
uyam (Irony o Sarcasm)  paggamit ng mga salitang kabaligtaran na kahulugan at taliwas sa
katotohanan. Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.

51. 51. 15. Pagtanggi (Litotes)  Gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag ang
makabuluhang pagsang-ayon. Halimbawa: Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam
ako sa kanya. 16. Pagdaramdam  Nagsasaad ng hindi pangkaraniwan damdamin. Halimbawa:
Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil niya ay iniwan siya ng kanyang asawa.

52. 52. 17. Tambisan (Antithesis)  Paglalahad ng mga bagay na magkakasalungatan upang higit na
mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Halimbawa: Siya’y isang taon napanday ng panahon. Naranasan
niya ang maghirap at yumaman, nakilala, at di-ppansin, lapitan ng mga kaibigan sa panahong mayroon
siya at itakwil sa kawalan niya. Kaya handa naniyang harapin ang pakikibaka sa buhay.

53. 53. 18. Tanong Retorikal  Ito ay isang tanong na hindi naman talaga kakailanganin ng sagot
kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Halimbawa: Natutulog ba ang Diyos?
18. Pag-uulit (Alliteration)  Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa inisyal na
bahagi ng salita. Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kaniya
kasama ni Marco. (makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)

54. 54. 19. Konsonans  Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa pinal na
bahagi ng salita. Halimbawa: Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal) 20. Asonans  Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad
na titik o pantig sa alinmang bahagi ng salita. Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan
pagdating ko sa amin. (ang, aking, alagang, aso, agad, amin)

55. 55. 21. Anapora  Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: Ikaw
ang aking pangarap. Ikaw ang bigay ng Maykapal. Ikaw ang lahat sa akin. -LET

56. 56. 22. Epipora  Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa: Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan. Gawa ng mamamayan. At mula sa mamamayan.
23. Anadiplosis  Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una’t huli. Halimbawa: Ang mahal ko ay ikaw
Ikaw ay nagbibigay ng ilaw Ilaw sa gabi ng dilim Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal parin.

57. 57. 24. Pagsususkdol (Climax)  Baitang-baitang na pagsasaad ng mga bagay o pangyayari
hanggang sa umabot sa pinakamahalaga. Halimbawa: Unang nararamdaman niya ang butil-butil na
pawis sa kanyang noo. Kasunod noon ang panlalamig ng buo niyang katawan. Nagdilim ang buong
paligid at siya ay bumagsak.

58. 58. Panitikan  Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. (Webster,
1974)  Ito ay katumbas ng “literatura” sa wikang kastila. Ito ay mula sa salitang Latin na “litera” na a ng
ibig sabihin ay “letra” o “titik”. (Mateo, 1996).  Salamin ng buhay.

59. 59. Anyo ng Panitikan

60. 60. Anyong Tuluyan Anyo ng panitikan napatala o karaniwang takbo ng pangungusap at
gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan.

61. 61. Uri ng Anyong Tuluyan  NOBELA -mahabang salaysay na nahahti sa kabanata.  MAIKLING
KUWENTO -maikling katha na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may iilang tauhan lang,
pangyayari, at may isang kakintalan.

62. 62.  DULA - sinasadula at tinatangahal sa tanghalan.  ALAMAT - nagsasalaysay sa pinagmulan


ng isang bagay.  PARABULA - katha mula sa Bibliya

63. 63. PABULA - kuwentong may aral at hayop ang pangunahing tauhan. TALAMBUHAY - akda ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao. SANAYSAY - akdang tumatalakay sa isang paksa at naglalayong
maglahad ng opinyon o pananaw.

64. 64. TALUMPATI binibigkas sa harap ng madla. BALITA naglalahad sa mga pang-araw-araw na
mga pangyayari sa lipunan, pamahalaan, industriya at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.
ANEKDOTA kuwento na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan, nakawiwili, at kapupulutan ng
aral.

65. 65. EDITORYAL isang sanaysay na naglalahad ng kuru- kuro o opinyon ng isang editor.
KASAYSAYAN ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan.

66. 66. ULAT nasusulat bunga ng isinagawang pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral, at iba pa.
MITOLOHIYA kuwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, Diyos, Diyosa, at iba pang mga
mahiwagang nilikha.

67. 67. Anyong Patula  Anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at tugma o malayang
taludturan at gumagamit ng masining at matalinhagang.

68. 68. Uri ng Anyong Patula  TULANG LIRIKO -tulang naglalahad ng mga masidhing damdamin,
imahinasyon at karanasan ng tao at kadalasang inaawit.  TULANG PASALAYSAY -nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa paraang pataludtod.

69. 69. TULANG PADULA tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado. TULANG PATNIGAN
tula sa pagtatalo, pangangatuwiran, at tagisan ng talino.
70. 70. Uri ng Tulang Liriko PASTORAL DALIT PASYON ODA ELEHIYA SONETO KANTA

71. 71. PANUBONG - mahabang tula ng nagpaparangal o paghahandog sa isang taong nagdaraos
ng kaarawan o kapistahan

72. 72. Uri ng Tulang Pasalaysay EPIKO - mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang taong may pambihirang katangian. AWIT - tulang romansa kung saan nakaharap
sa mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan at hango sa tunay na buhay. Halimbawa: Florante at Laura

73. 73. KORIDO - tulang romansa kung saan ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural.
Halimbawa: Ibong Adarna

74. 74. Uri ng Tulang Padula ZARZUELA - dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto
tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot. MORO-MORO - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng
Kristyano at di-Kristyano

75. 75. TIBAG - ang paghahanap nina Reyna Elena at Constatino sa krus na pinagpakuan ni Hesus.
PANUNULUYAN - nagpapakita ng pagahahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang
ang sanggol na si Jesus.

76. 76. SENAKULO - pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan ni Hesus.

77. 77. Uri ng Tulang Patnigan DUPLO - paligsahan sa pangangatuwiran na kadalasang masaksihan
sa paglalamay sa patay. BALAGTASAN - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang
patula

78. 78. KARAGATAN - dula tungkol sa isang prinsesa na sadyang humulog sa isang singsing sa
dagat. Kung sinuman ang lalaking makakakuha ng singsing ay pakakasalan niya.

79. 79. Aklat ng mga Araw - batayan ng pananampalataya ng mga Intsik Aklat ng mga Patay -
naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto. Awit ni Rolando -
isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya.

80. 80. Bibliya - ang pinakabatayan ng pananampalatayang Kristyano. Canterbury Tales -


naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Ingles noong unang panahon.

81. 81. Divina Comedia nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano noong
unang panahon. El Cid Campeador naglalarawan sa katangian ng mga Kastila at kasaysayan ng mga
Espanya.

82. 82. Illiad at Odyssey nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng Gresya Isang Libo at Isang Gabi
naglalarawan ito sa pamahalaan at lipunan ng Arabia at Persia

83. 83. Koran batayan ng pananampalataya ng mga Muslim Mahabharata pinakamahabang epiko
ng buong daigdig na naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India.

84. 84. Uncle Tom’s Cabin nagbukas ng mga mata ng amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at
naging simula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.

85. 85. Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila  Alibata o Baybayin ang tawag sa unag sistema ng
pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.  Mga Awiting Bayan: 1. An-anoy - inaawit habang ang mga
magsasaka ay gumagawa ng pilapil sa kanilang bukirin. 2. Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo. 3.
Daeleng - awit tungkol sa mga pista o pagdiriwang.

86. 86. 4. Dalit o Himno - awit sa pagpuri o pagsamba. Ito ang isa sa pinakamatandang awit ng
pagdalangin sa Birhen. 5. Danyo - awit sa pagsasamba o pananampalataya. 6. Diona - awit sa panliligaw
o kasalan 7. Dung-aw- awit sa pagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa. 8. Kumintang - awit sa
pakikidigma hanggang naging awit sa pag-ibig. 9. Kundiman at Balitaw- awit sa pag-ibig 10. Oyayi - awit
sa pagpapatulog sa bata o paghehele sa sanggol

87. 87. 11. Sambotani - awit sa tagumpay 12. Soliranin - awit sa paggaod ng bangka 13. Umbay -
awit sa paglilibing 14. Papag - inaawit sa tuwing may bayuhan ng palay.

88. 88.  Epiko Bago Dumating Ang Mga Kastila Epiko Ng Ifugao ALIM - kahawig ng Ramayan ng
India. HUDHUD – pakikipagsapalaran ni Aliguyon. Epiko ng Muslim BIDASARI BANTUGAN INDARAPATRA
at SULAYMAN Epiko ng Tagalog KUMINTANG

89. 89. Epiko ng Tagalog KUMINTANG Epiko ng mga Bisaya HINILAWOD LAGDA MARAGTAS Epiko ng
Bikolano IBALON at ASLON Epiko ng Ilokano BIAG NI LAM-ANG

90. 90. Panitikan sa Panahon ng mga Kastila  Akdang Panrelihiyon at Pangkagandahang Asal: 1.
Doctrina Cristiana -unang aklat na nailimbag sa Pilipinas 2. Nuestra Señora Del Rosario – ikalawang aklat
na nailimbag sa Pilipinas 3. Urbana at Feliza - isinulat ni Padre Modesto de Castro. Kagandhang–asal at
wastong pag-uugali.

91. 91. Anyo ng Dula sa Panahon ng Kastila 1. Karagatan 2. Duplo 3. Juego de Prenda 4. Moro-moro
5. Zarzuela

92. 92. Mga Tulang Romansa 1. Awit 2. Korido

93. 93. Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan Tatsulok ng Kilusang Propaganda: 1.


JOSE P. RIZAL Dakilang Manunulat Iilang akda: Sa Aking Mga Kabata Noli Me Tangere El Filibusterismo
Mi Ultimo Adios

94. 94. 2. MARCELO H. DEL PILAR Dakilang Political Analyst Iilang akda: Caiingat Cayo Dasalan at
Tocsohan Sagot sa Espanya sa Hibik ng Pilipinas

95. 95. 2. GRACIANO LOPEZ JAENA Dakilang Mananalumpati Iilang akda: Fray Botod El Bandolerismo
sa Pilipinas Anak ng Prayle

96. 96.  Manunulat Panahon ng Himagsikan: 1. ANDRES BONIFACIO “Ama ng Demokrasyang


Pilipino” Iilang akda: Huling Paalam Katapusang Hibik ng Pilipinas Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

97. 97. 2. EMILIO JACINTO “Utak ng Katipunan” Iilang akda: Kartilya ng Katipunan A La Patria
Liwanag at Dilim

98. 98. 3. APOLINARIO MABINI “Utak ng Himagsikan” Iilang akda: Ang Himagsikang Pilipino El Liberal
El Verdadero Decalogo

99. 99. Mga Kilalang Manunulat  JOSE CORAZON DE JESUS “Makata ng Pag-ibig” at “ Hari ng
Balagtasan” Iilang Akda: Isang Punungkahoy Maggagawa Bayan Ko
100. 100.  ALEJANDRO ABADILLA Akda: Ako ang Daigdig  LOPE K. SANTOS “Ama ng Balarila” Iilang
Akda: Banaag at Sikat Pangginggera

101. 101.  AMADO HERNANDEZ “Makata ng Manggagawa” Akda: Isang Dipang Langit Bayang
Malaya Ibong Mandaragit Luha ng Buwaya

102. 102.  Ildefonso Santos Iilang Akda: Ang Guryon Gabi Tatlong Inakay Sa Tabi ng Dagat

103. 103.  DEOGRACIAS ROSARIO “Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas” Akda: Dahil sa Pag-ibig
Walang Panginoon Ang Geisha Dalawang Larawan Bulaklak ng Inyong Panahon

104. 104.  SEVERINO REYES “Ama ng Zarzuelang Tagalog” Iilang Akda: Walang Sugat Mga Bihag ni
Kupido Huling Pati Halik ng Isang Patay Kalupi

105. 105. Mga Kilalang Manunulat  LIWAYWAY ARCEO Iilang Akda: Uhaw ang Tigang na Lupa Canal
dela Reina Ang Mag-anak na Cruz

106. 106.  JULIAN BALMACEDA Iilang Akda: Sino Ba Kayo? Dahil sa Anak Ang Palabas ni Suwan

107. 107.  FRANCISCO RODRIGO Iilang Akda: Sa Pula, Sa Puti  NARCISO REYES Iilang Akda: Lupang
Tinubuan

108. 108. N.V.M. GONZALES Iilang Akda: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan

109. 109.  GENONEVA EDROZA MATUTE Iilang Akda: Ako’y Isang Tinig Kuwento ni Mabuti 
TEODORO AGONCILLO Iilang Akda: Maikling Kuwentong Tagalog Mga Kilalang Manunulat

110. 110.  ELPIDIO KAPULONG Iilang Akda: Planeta, Buwan, at Mga Bituin  AMADO HERNANDEZ
Iilang Akda: Luha ng Buwaya

111. 111.  LIWAYWAY ARCEO Iilang Akda: Nagbabagang Paraiso  DOMINADOR MIRASOL Iilang
Akda: Mga Halik sa Alikabok

112. 112.  LUALHATI BAUTISTA Iilang Akda: Bata, Bata, Paano ka Ginawa? Gapo Sakada Dekada ‘70
Bulaklak ng City Jail

113. 113. EMILIO AGUINALDO - Rosalia Magdalo,Magdalo VIRGILIO ALMARIO - Rio Alma CECILIO
APOSTOL - Catulo, Calipso, Calypso FRANCISCO BALTAZAR - Balagtas

114. 114. ANDRES BONIFACIO - Agapito Bagumbayan, Maypagasa, Magdiwang FELIPE CALDERON
-Simoun, Elias JOSE CORAZON DE JESUS - Huseng Batute, Pusong Hapis, Luksang Paroparo

115. 115. JOSE DELA CRUZ -Huseng Sisiw EPIFANIO DELOS SANTOS - G. Solon NESTOR VICENTE
MADALI GONZALES - N.V.M. Gonzales SEVERINO REYES - Lola Basyang

116. 116. MARCELO H. DEL PILAR - Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo, Kupang,
Haitalaga, Patos, M. Dati. Carmelo, D.A. Murgas, L.O. Crame, D.M. Calero, Hilario, FERNANDO MA.
GUERRERO -Fluvio Gil, Florisel

117. 117. AMADO HERNANDEZ - Amante Ernani, Herninia de la Rivia, Julio Abril EMILIO JACINTO -
Dimas-ilaw, Pingkian NICK JOAQUIN - Quijano de Manila GRACIANO LOPEZ JAENA - Bolivar, Diego
Laura
118. 118. ANTONIO LUNA - Taga-ilog JUAN LUNA - J.B. , Buan APOLINARIO MABINI - Bini,
Paralitico, Katabay JOSE MARIA PANGANIBAN - Jomapa, J.M.P.

119. 119. JOSE PALMA - Ana-haw, Esteban Estebanes, Gan Hantik PASCUAL H. POBLETE - Anak-
Bayan MARIANO PONCE - Nanding, Tikbalang, Kalipulako JOSE GARCIA VILLA -Doveglion

120. 120. LOPE K. SANTOS - Anak-Bayan, Doktor Lukas, Lakandalita Dr. PIO VALENZUELA -
Madlang-Away Dr. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y ALONZO REALONDA - Jose Rizal, Dimas-alang,
Laong-Laan, Agno, Calambeño

You might also like