You are on page 1of 3

REVIEWER IN FILIPINO

Aralin I. Pagpili ng Paksa

Mga Maaring mapagkunan ng paksa


1. Internet at Social Media
2. Telebisyon
3. Diyaryo at Magasin
4. Mga Pangyayari sa Iyong Paligid
5. Sa Sarili

Ang Sulating Pananaliksik


- Ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
- Isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan o pasubalian. ( Constantino at Zafra-2010)
-Ang pananaliksik ay may tatlong layunin
1. Isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya.
2. Malalaman o mababatid ang katotohanan sa teorya
3. Makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o
suliranin.

Katangian ng Pananaliksik
1. Obhetibo
2. Sistematiko
3. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan
4. Empirikal
5. Kritikal
6. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan
7. Dokumentado

Mga Uri ng Pananaliksik


1. basic research- agarang nagagamit at ang resulta’y naglalayong
makapagbigay ng karagdagang impormasyon sa isang kaalamang
umiiral sa kasalukuyan.
2. action research- ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga
espesipikong problema o masagot ang mga tanong ng isang
mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
3. applied research- ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.

Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng Paksa


1. Interesado ka o gusto mo ang paksang pipiliin mo
2. Mahalagang maging bago o naiiba (unique) at hindi kapareho ng
mapipiling paksa ng mga kaibigan mo.
3. May mapagkukunan ng sapat at malawak na impormasyon.
4. Maaring matapos sa takdang panahong nakalaan.

Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa


1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin.
2. Pagtatala sa mga posibleng maging paksa para sa susulating
Pananaliksik.
3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya.
4. Pagbuo ng tentatibong paksa.
5. Paglilimita sa paksa.
Aralin II. Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng
Pahayag na Tesis

Higit na mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon


1. .edu (educational institution)
2. .gov (government)
3. .org (organization)
Kinakailangan ng masusing pag aanalisa
1. com (commercial)

Mga Uri ng Datos


1. Datos ng kalidad o qualitative data (kulay, tekstura, lasa, damdamin,
mga pangyayari at sasagot sa mga tanong na paano at bakit.
2. Datos ng kailanan o quantitative data ( dami o bilang ng mga bagay o
sagot ng mga sinarbey o ininterbyung mga respondent.)

Pahayag na Tesis
- naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya ng sulating
Pananaliksik.

Aralin III. Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong papel

Balangkas
- nagsisilbing blueprint
- nakatutulong ng malaki upang sa una pa lamang ay may gabay na sa
disenyo, itsura, sukat, at maging kulay ng gusaling itatayo.

Kahalagahan ng balangkas
 Higit na nabibigyang-diin ang paksa
 Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
 Naktutukoy ng mahgihinang argumento
 Naktutulong maiwasan ang writer’s block

3 Bahagi ng Balangkas
I. Introduksyon
II. Katawan
II. Kongkulusyon

Ang Konseptong Papel


- nagsisilbing proposal
- ginagawa upang mailahad at mapatunayan ang iyong paksa at pahayag
na tesis
Mga bahagi ng Konseptong Papel ayon kina Constantino at Zafra ( 2000)
I. Rationale- nagsasaad ng kasaysayan o dahilan kung bakit napili ang
Paksa.
II. Layunin- Dito mababasa ang hangarin at tunguhin ng pananaliksik
base sa paksa.
III. Metodolohiya- Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng
mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang
paraang gagamitin sa pagsusuri sa mga nakalap na
Impormasyon.
IV. Inaasahang output o resulta- Inilalahad ang inaasahang resulta ng
Pananaliksik.
Aralin IV. Bibliyograpiya

Mga Uri o Anyo ng Tala


1. Direkatang Sipi
2. Buod ng Tala
3. Presi
4. Sipi ng sipi
5. Hawig o paraphrase
6. Salin/ sariling salin

Bibliyograpiya

- APA o American Psychological Association


- Chicago Manual of Style
Nakalimbag na reperensya
- Aklat, Peryodikal, Journal, Magasin
Di Limbag na batis
- Pelikula, Programa sa telebisyon at Radyo, website,
Blog

Aralin V. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

Organisasyon ng Papel
1. Kronolohikal
2. Heyograpikal
3. Komparatibo
4. Sanhi/bunga
5. Pagsusuri

Ang Borador
- draft ng papel pananaliksik

You might also like