You are on page 1of 3

“ Disyembre 24: Alaala ng Nakaraan”

Ni: Emmanuel Omitin

Paano ako mabubuhay nang wala siya sa aking piling? Kakayanin ko bang mabuhay para sa kanya?
Minsan sa buhay natin may mga taong darating at magmamahal sa atin pero hindi rin natin masasabi
kung kailan sila aalis, kung kailan nila tayo iiwan. Hindi lahat ng dumadating ay swerte minsan masasabi
mo sa sarili mo na sana hindi nalang dumating kung aalis at iiwan ka lang din para hindi ka na nasaktan
ng sobra.

Ako si Bella at ito ang aking kwento.


“Uy Bella”. Tawag sakin ni Kara, sya yung matalik kong kaibigan simula pa nung nasa junior high school
kami. “Oh Kara!” sagot ko sa kanya habang tulala parin sa buong klase.Wala akong ganang makinig
ngayon tinatamad ako, gusto ko ng umuwi at matulog nalang sa bahay. Napatigil ang aming guro sa
pagtuturo ng dumating bigla ang principal ng paaralan at may kasama itong lalaki na siguro ay kasing
edad ko  lang.
“Magangang umaga sa inyong lahat, nais ko lamang ipaalam sa inyo na magkakaroon kayo ng bagong
kaklase sa semester na ito. Ahh Ms. Mora ikaw na ang bahala sa kanya kailangan ko ng umalis dahil
marami pa akong aasikasuhin”. Sabi ng principal sa aming guro at tuluyan ng umalis.
“Sige na iho magpakilala kana” masayang panimula ni Ms. Mora. “Magandang umaga sa inyong lahat
ako nga pala si Mackie, Mack for short at inaasahan ko na magiging maganda ang ating pagsasama” ani
mackie “Omooo!! Ang gwapo niya, may kasintahan na kaya sya? Sana naman wala!”
“Sinabi mo pa! Sobrang gwapo niya” Sabi ng mga kaklase ko na kinikilig pa, Wow! Gwapo raw?
Ahahhhahaa Hindi naman. Natapos ang buong klase ng wala akong ginawa kundi ang maging lutang sa
klase at yung iba kong kaklase naman nakikipag landian este nakikipag kaibigan dun sa bago naming
kaklase. Naabutan ko si mama sa bahay na natutulog dala narin siguro ng pagod sa trabaho. Umakyat
ako sa kwarto ko at naligo para makapagpahinga narin.
“Bella ang gwapo ni Mackie no?” caht saakin ni Kara, pati ba naman sya nagwagwapuhan dun? “Hindi
naman ah, sige na matutulog na ako kara ” reply ko sa kanya at matutulog na sana ako nang bigla nalang
nag *ting* yung phone ko nang tingnan ko may nag notification na may nag add sakin. “Sino kaya to?
Accept ko nalang” Matutulog na sana ako ng bigla na naman ng nag *ting* Tinatamad na akong buksan
yung phone ko kaya natulog nalang ako
*Kinaumagahan*
“Hala sino itong nag chat kagabi? Mackie? Ahh teka ! Baka si? Ahhh hindi imposible yun hindi niya ako
kilala eh!” Nagulat nang ako sa paggising ko may nag chat na Mackie sa akin at tinatanong kung may
boyfriend na ba daw ako, Akala ko sya yung Mackie na bago naming kaklase pero imposible naman ata
yun hindi niya nga ako kilala eh. “ Wala akong panahon sayo!” reply ko sa kanya at naligo nalang ako
para makapasok na sa paaralan
---Sa Paaralan---
“Ok Class sa araw na ito meron kayong gagawin at ipapasa para sa asignaturang ito, ahhhh  ang gawaing
ito ay pang dalawang tao lamang” sabi ng guro sa amin at matapos niyang magsalita pumunta agad si
kara sa akin at sinabing kami nalang daw ang magkasama sa gawain na yun
“ako ang mag dedesisyon kung sino ang makakasama niyo kaya bumalik muna kayo sa inyong mga
upuan” sabi ng aming guro at malungkot na bumalik si kara sa kanyang upuan
“Mr. Mackie, since baguhan ka dito nais kong makasama mo si Ms. Bella sa gawaing ito at Ms. Bella
maging mabuti kang kasama kay Mr. Mackie”
Sabi ni Ma'am at tanging tango na lamang ang naisagot ko sa utos niya.
“ Ang gagawin niyo ay gagawa kayo ng advertisement at e vivideo niyo ito,may mga taning pa ba? Kung
wala na paalam sa lahat” Pagkaalis ni ma'am ay nagplano kaagad kami at napag usapan namin ni mackie
na magkikita kami bukas sa bahay nila at susunduin niya ako sa bahay bukas para hindi ako maligaw
Pumunta ako sa bahay nila ni mackie at napag alaman kong mayaman sila marami silang kompanya at
sya na ang susunod na magpapatakbo sa mga ito, doon kami sa bahay nila nag video at ng matapos kami
ay nag Merienda kami at sinabi kong uuwi na ako tapos sabi niya hatid niya na ako sa bahay. Nasa harap
na kami ng bahay ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
“May Boyfriend kana ba Bella?” Nagulat ako sa tanong niya at natulala
“Ahhh wal-aaaa” sagot ko sa kanya
“Maaari ba akong manligaw sayo” Matapos niya yung sabihin ay nag Oo ako at pumapayag na ligawan
niya ako basta hindi niya Lang ako sasaktan.
Makalipas ang ilang buwang panliligaw niya sakin ay sinagot ko sya at naging kami at sinabi niya tin sa
akin na siya yung nag chat ss akin dati nakilala niya ako nun dahil sa mga kaklass namin, may mga hindi
kami pagkakaintindihan minsan pero naaayos din namin.
Makalipas ang ilang taon......
December 24 2019 inaya ako ni Mackie na magpakasal dahil malaki na kami at may mga trabaho na rin
pumayag ako dahil mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako.
Habang naghahanda para sa aming kasal at nasa trabaho kaming pareho ni mackie at sinabi niya sakin
na kumain muna kami ng lunch sa malapit na restaurant dahil sa gutom ako pumayag akong kumain
muna.
Habang nasa byahe papunta sa restaurant may bigla na lamang umararo sa aming sasakyan at tumilapon
kami sa bangin.
Kinaumagahan nagising ako nang nasa hospital at may mga sugat sa mukha, agad kong hinanap si
mackie at naabutan ko ang pamilya niya at mga magulang ko na nasa labas at umiiyak, Sinabi nila sa akin
na hindi na raw nakayanan ng katawan ni mackie at tuluyan na siyang namatay, iniwan niya ako, hindi na
matutuloy ang kasal dahil iniwan ako ng lalaking pinakamamahal ko.
“mackie gumising ka! Huwag mo akong iwan! Magpapakasal pa tayo diba? Diba?” Umiiyak ako habang
kaharap ang kabaong ni Mackie na ngayon na ililibing.
Makalipas ang ilang taon nakahanap ako ng taong magmamahal sa akin gaya ng pagmamahal ni mackie,
nagpakasal kami ni Dave at nagkaroon ng tatlong anak, binibisita ko parin ang puntod ni mackie kasama
ang aking mga anak at nagdadasal.
Hindi man naging kami ni Mackie sa huli, masasabi ko paring naging masaya ako sa piling niya, Oo
nasaktan ako sa pagkawala niya at pinilit kong bumangon at tumayo muli sa sarili kong mga paa.
Hanggang sa makilala ko si Dave na siyang nagpuno ng pagmamahal sa akin at nagbigay saya sa
malungkot kong mundo.

---Wakas---

You might also like