“… at ang pinakamalinis na silid-aralan ay ang Baitang III. ”
Malakas na palakpakan ang narinig ng lahat.
Tinanggap ni Jose ang premyo bilang pangulo ng kanilang
klase. “ Salamat po sa inyong lahat, lalong higit sa aking mga kaklase. Tulung-tulong naming inayos ang mga aklat sa kabinet, nagpunas ng mga bintana at pader. Sama-sama din kaming nagtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak. Araw-araw naming itong ginagawa. Nanaig ang bayanihan sa amin.”