Professional Documents
Culture Documents
Retorika at Gramatika
Retorika at Gramatika
Ang retorika ay may tungkuling pagandahin at patimyasin ang isang pahayag, samantalang ang
gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang pagpapahayag.
Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga salita ay nakakatulong upang maging maayos ang pagpapahayag.
Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa
isa’t isa. A. Bumaba ng bahay ang mga bata. (Mahina) B. Nanaog ng bahay ang mga bata.. (Pinabuti)
1. Denotasyon
2. Konotasyon
3. Sinonim
4. Antonim
5. Polisemi - salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na magka-ugnay Hal: marka
6. Homofon
7. Parapreys
Galing sa salitang ‘’rhetor’’ na mula sa Griyego na ang ibig sabihin ay guro o isang taong magaling na
mananalumpati o isang mahusay na orador. Tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o pasulat
na pagpapahayag. Ayon kay Socrates, ay isang siyensa o agham ng paghihimok o panghihikayat.
Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay sining ng maayos na pagpili ng wastong salita sa loob ng isang
pahayag upang maunawaan, makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa. Ayon kay
Simplicio Bisa, isang sining o agham sa pagsulat ng kathang pampanitikan.
Sangkap ng Retorika
Saklaw ng Retorika
WIKA
SINING
LIPUNAN
PILOSOPIYA
PANAHON
SITWASYON
May sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-
abay, pantukoy, pangatnig, pang- ukol, pang- angkop at pandamdam.(Balarila ng Wikang Pambansa
(1939;1944) ni Lope K. Santos)
Mga Nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp. b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan 2. Pandiwa (verb) -
mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita 3. Mga panuring (mga
modifier) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at
kapwa nito pang-abay
h. PANGATNIG (Conjunction) Ito ang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita,
parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap: at pati saka o ni maging subalit ngunit kung
bago upang sana dahil sa sapagkat
Gamit ng Pangatnig Dalawang salitang pinag-ugnay Halimbawa: Ang langis saka tubig ay hindi
mapagsama. Dalawang pariralang pinag-ugnay Halimbawa: Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng
bahay ang kanyang hanapbuhay.
Uri ng Pangatnig
1. Panimbang -Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. at saka pati ngunit maging
datapuwat subalit Halimbawa: Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera. Naglinis muna si
Hannah, saka siya nagluto.
2. Pantulong -Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay. kung kapag upang para
nang sapagkat dahil sa Halimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. Umasenso
ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
i. PANG-ANGKOP (Ligatures) Ito ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Tatlo
ang pang-angkop na ginagamit: na, -g, at -ng.
ginagamit bilang pantukoy Halimbawa: Maluwag ang looban ng simbahan. ginagamit bilang
pang-ukol na ang katumbas at tamang pagkaka- ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo
ng malinaw na kaisipan o diwa. Halimbawa: Pinalo niya ng kahoy ang magnanakaw. ginagamit bilang
pang-ukol na ang katumbas ay sa. Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng Baguio.
May ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan. Halimbawa: May kasalanang ginawa sina
Flor at Liza kagabi. ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa. Halimbawa: May tumawa dahil sa
nasabing balita. ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May magandang karanasan si
Maja tungkol sa pag-ibig.
36. 36. 9. Sina ginagamit kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan na tinutukoy sa
pangungusap. Halimbawa: Naglilinis sina Gel at Lissette ng bahay. 10. Sila ginagamit bilang panghalip
na panao; katumbas ng they sa Ingles. Halimbawa: Umalis na sila kanina pang umaga.
37. 37. 11. Pinto ginagamit bilang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Halimbawa:
Isinasara niya ang pinto upang hindi makapasok ang magnanakaw. 12. Pintuan ginagamit bilang
kinalalagyan ng pinto. Halimbawa: Hindi pa napipinturahan ang pinto sa pintuan.
38. 38. 13. Pahiran Lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng pamunas o sa pamamagitan ng
kamay. Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang natutuyo mong balat. 14. Pahirin Alisin sa pamamagitan
ng pamunas o sa pamamagitan ng kamay.
39. 39. 15. Subukin may bagay na nais patunayan “to try”. Halimbawa: Subukin mong gumamit ng
Ariel sa paglalaba. 16. Subukan May mga bagay na tinitingnan nang palihim. Halimbawa: Subukan mo
kung ano ang ginagawa niya sa aklatan.
40. 40. 1. Nasasalamin _____ sa mga kabataan ang pagiging pag-asa ng bayan. a. daw c. din b. raw
d. rin 2. Pinakiusapan ______ ng mayor ang mga tao na huminahon. a. din c. rin b. raw d. daw
41. 41. 4. Humahagulhol ______ malakas ang namatayan. a. nang c. ng b. daw d. raw 5. Nilamon
siya ____ alon haang namamangka. a. nang c. ng b. din d. daw
42. 42. Idyoma Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may kahulugang patlinhaga.
Ito ay di-literal kung kaya nangangailangan ng konotatibo at mallim na pagpapakahulugan. Halimbawa:
putok sa buho - anak sa pagkadalaga mababaw ang luha - madaling umiyak naglulubid ng buhangin-
nagsisinungaling hilong talilong - litung-lito pabalat-bunga - hindi totoo
43. 43. Tayutay Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan ng paggamit ng mga salita sa
layuning gawing makulay, kaakit-akit at lalong mabisa sa pagpapahayag. May iba’t ibang uri ng tayutay
ito ay ang mga sumusunod:
46. 46. 5. Pagtawag (apostrophe) Isang pagbulalas ng pagkausap sa isang tao (karaniwang patay o
wala sa isang tiyak na pook) o isang bagay o bahagi ng kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa: Tukso, layuan mo ako. 6. Pagpapalit-tawag (metonymy) Paggamit ng isang salitang
panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan ng di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng katawagan sa
bagay na tinutukoy. Halimbawa: Si Jessa ang tala ng kanilang nayon.
48. 48. 9. Pagtatambis (oxymoron) Paglalahad ng mga bagay na magkasalungat upang higit na
magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Ito ay kadalasang mahaba. Halimbawa: Ang buhay sa mundo
ay tunay na nakakatawa: may lungkot ay may ligaya, mmay dilim at may liwanag, may tawa at may luha.
10. Pagsalungat (epigram) Ito ay may kahawig ng pagtatambis kaya nga lamang ay maikli at
matalinhaga. Halimbawa: Natalo siya upang muling manalo.
49. 49. 11. Paglulumanay (euphemism) Paggamit ng mga salitang nagpapaganda ng pangit na
pahayag. Halimbawa: Ang lalakeng naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag damdaming
tagpo sa harap ng kapitbahay. 12. Parelelismo (parallelism) Isang pagpapahayag na may halos iisang
istruktura. Halimbawa: Sama-samang nabubuhay, Sama-samang namamatay.
50. 50. 13. Pagpapalit-wika (transferred epithets) ang pang-uring ginagamit lamang sa tao ay
inililipat sa mga bagay. Halimbawa: Ang mapagkandiling plato ay naghain sa kanya ng pagkain. 14. Pag-
uyam (Irony o Sarcasm) paggamit ng mga salitang kabaligtaran na kahulugan at taliwas sa
katotohanan. Halimbawa: Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.
51. 51. 15. Pagtanggi (Litotes) Gumagamit ng panangging HINDI upang maipahayag ang
makabuluhang pagsang-ayon. Halimbawa: Hindi ko sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam
ako sa kanya. 16. Pagdaramdam Nagsasaad ng hindi pangkaraniwan damdamin. Halimbawa:
Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil niya ay iniwan siya ng kanyang asawa.
52. 52. 17. Tambisan (Antithesis) Paglalahad ng mga bagay na magkakasalungatan upang higit na
mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag. Halimbawa: Siya’y isang taon napanday ng panahon. Naranasan
niya ang maghirap at yumaman, nakilala, at di-ppansin, lapitan ng mga kaibigan sa panahong mayroon
siya at itakwil sa kawalan niya. Kaya handa naniyang harapin ang pakikibaka sa buhay.
53. 53. 18. Tanong Retorikal Ito ay isang tanong na hindi naman talaga kakailanganin ng sagot
kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig ang mensahe. Halimbawa: Natutulog ba ang Diyos?
18. Pag-uulit (Alliteration) Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa inisyal na
bahagi ng salita. Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kaniya
kasama ni Marco. (makikita, mga, mata, Maria, masasayang, Marco)
54. 54. 19. Konsonans Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa pinal na
bahagi ng salita. Halimbawa: Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal) 20. Asonans Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad
na titik o pantig sa alinmang bahagi ng salita. Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan
pagdating ko sa amin. (ang, aking, alagang, aso, agad, amin)
55. 55. 21. Anapora Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod. Halimbawa: Ikaw
ang aking pangarap. Ikaw ang bigay ng Maykapal. Ikaw ang lahat sa akin. -LET
56. 56. 22. Epipora Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.
Halimbawa: Ang Konstitusyon ay para sa mamamayan. Gawa ng mamamayan. At mula sa mamamayan.
23. Anadiplosis Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una’t huli. Halimbawa: Ang mahal ko ay ikaw
Ikaw ay nagbibigay ng ilaw Ilaw sa gabi ng dilim Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal parin.
57. 57. 24. Pagsususkdol (Climax) Baitang-baitang na pagsasaad ng mga bagay o pangyayari
hanggang sa umabot sa pinakamahalaga. Halimbawa: Unang nararamdaman niya ang butil-butil na
pawis sa kanyang noo. Kasunod noon ang panlalamig ng buo niyang katawan. Nagdilim ang buong
paligid at siya ay bumagsak.
58. 58. Panitikan Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na makilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. (Webster,
1974) Ito ay katumbas ng “literatura” sa wikang kastila. Ito ay mula sa salitang Latin na “litera” na a ng
ibig sabihin ay “letra” o “titik”. (Mateo, 1996). Salamin ng buhay.
60. 60. Anyong Tuluyan Anyo ng panitikan napatala o karaniwang takbo ng pangungusap at
gumagamit ng payak at direktang paglalahad ng kaisipan.
61. 61. Uri ng Anyong Tuluyan NOBELA -mahabang salaysay na nahahti sa kabanata. MAIKLING
KUWENTO -maikling katha na nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may iilang tauhan lang,
pangyayari, at may isang kakintalan.
63. 63. PABULA - kuwentong may aral at hayop ang pangunahing tauhan. TALAMBUHAY - akda ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao. SANAYSAY - akdang tumatalakay sa isang paksa at naglalayong
maglahad ng opinyon o pananaw.
64. 64. TALUMPATI binibigkas sa harap ng madla. BALITA naglalahad sa mga pang-araw-araw na
mga pangyayari sa lipunan, pamahalaan, industriya at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa.
ANEKDOTA kuwento na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan, nakawiwili, at kapupulutan ng
aral.
65. 65. EDITORYAL isang sanaysay na naglalahad ng kuru- kuro o opinyon ng isang editor.
KASAYSAYAN ito’y tala o mga nakasulat tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan.
66. 66. ULAT nasusulat bunga ng isinagawang pananaliksik, pagsusuri, pag-aaral, at iba pa.
MITOLOHIYA kuwento hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban, Diyos, Diyosa, at iba pang mga
mahiwagang nilikha.
67. 67. Anyong Patula Anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at tugma o malayang
taludturan at gumagamit ng masining at matalinhagang.
68. 68. Uri ng Anyong Patula TULANG LIRIKO -tulang naglalahad ng mga masidhing damdamin,
imahinasyon at karanasan ng tao at kadalasang inaawit. TULANG PASALAYSAY -nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa paraang pataludtod.
69. 69. TULANG PADULA tulang sinadyang isulat upang itanghal sa entablado. TULANG PATNIGAN
tula sa pagtatalo, pangangatuwiran, at tagisan ng talino.
70. 70. Uri ng Tulang Liriko PASTORAL DALIT PASYON ODA ELEHIYA SONETO KANTA
71. 71. PANUBONG - mahabang tula ng nagpaparangal o paghahandog sa isang taong nagdaraos
ng kaarawan o kapistahan
72. 72. Uri ng Tulang Pasalaysay EPIKO - mahabang tula tungkol sa pakikipagsapalaran at
kabayanihan ng isang taong may pambihirang katangian. AWIT - tulang romansa kung saan nakaharap
sa mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan at hango sa tunay na buhay. Halimbawa: Florante at Laura
73. 73. KORIDO - tulang romansa kung saan ang mga tauhan ay may kakayahang supernatural.
Halimbawa: Ibong Adarna
74. 74. Uri ng Tulang Padula ZARZUELA - dulang musikal na karaniwang binubuo ng tatlong akto
tungkol sa pag-ibig, kasakiman at poot. MORO-MORO - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng
Kristyano at di-Kristyano
75. 75. TIBAG - ang paghahanap nina Reyna Elena at Constatino sa krus na pinagpakuan ni Hesus.
PANUNULUYAN - nagpapakita ng pagahahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang
ang sanggol na si Jesus.
77. 77. Uri ng Tulang Patnigan DUPLO - paligsahan sa pangangatuwiran na kadalasang masaksihan
sa paglalamay sa patay. BALAGTASAN - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa pamamaraang
patula
78. 78. KARAGATAN - dula tungkol sa isang prinsesa na sadyang humulog sa isang singsing sa
dagat. Kung sinuman ang lalaking makakakuha ng singsing ay pakakasalan niya.
79. 79. Aklat ng mga Araw - batayan ng pananampalataya ng mga Intsik Aklat ng mga Patay -
naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto. Awit ni Rolando -
isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya.
81. 81. Divina Comedia nagpapahayag ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Italyano noong
unang panahon. El Cid Campeador naglalarawan sa katangian ng mga Kastila at kasaysayan ng mga
Espanya.
82. 82. Illiad at Odyssey nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng Gresya Isang Libo at Isang Gabi
naglalarawan ito sa pamahalaan at lipunan ng Arabia at Persia
83. 83. Koran batayan ng pananampalataya ng mga Muslim Mahabharata pinakamahabang epiko
ng buong daigdig na naglalarawan sa kasaysayan ng pananampalataya sa India.
84. 84. Uncle Tom’s Cabin nagbukas ng mga mata ng amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at
naging simula ng paglaganap ng demokrasya sa buong daigdig.
85. 85. Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila Alibata o Baybayin ang tawag sa unag sistema ng
pagsulat ng mga sinaunang Pilipino. Mga Awiting Bayan: 1. An-anoy - inaawit habang ang mga
magsasaka ay gumagawa ng pilapil sa kanilang bukirin. 2. Ayoweng - inaawit sa pagkabyaw ng tubo. 3.
Daeleng - awit tungkol sa mga pista o pagdiriwang.
86. 86. 4. Dalit o Himno - awit sa pagpuri o pagsamba. Ito ang isa sa pinakamatandang awit ng
pagdalangin sa Birhen. 5. Danyo - awit sa pagsasamba o pananampalataya. 6. Diona - awit sa panliligaw
o kasalan 7. Dung-aw- awit sa pagpapahayag ng kalungkutan at pagdurusa. 8. Kumintang - awit sa
pakikidigma hanggang naging awit sa pag-ibig. 9. Kundiman at Balitaw- awit sa pag-ibig 10. Oyayi - awit
sa pagpapatulog sa bata o paghehele sa sanggol
87. 87. 11. Sambotani - awit sa tagumpay 12. Soliranin - awit sa paggaod ng bangka 13. Umbay -
awit sa paglilibing 14. Papag - inaawit sa tuwing may bayuhan ng palay.
88. 88. Epiko Bago Dumating Ang Mga Kastila Epiko Ng Ifugao ALIM - kahawig ng Ramayan ng
India. HUDHUD – pakikipagsapalaran ni Aliguyon. Epiko ng Muslim BIDASARI BANTUGAN INDARAPATRA
at SULAYMAN Epiko ng Tagalog KUMINTANG
89. 89. Epiko ng Tagalog KUMINTANG Epiko ng mga Bisaya HINILAWOD LAGDA MARAGTAS Epiko ng
Bikolano IBALON at ASLON Epiko ng Ilokano BIAG NI LAM-ANG
90. 90. Panitikan sa Panahon ng mga Kastila Akdang Panrelihiyon at Pangkagandahang Asal: 1.
Doctrina Cristiana -unang aklat na nailimbag sa Pilipinas 2. Nuestra Señora Del Rosario – ikalawang aklat
na nailimbag sa Pilipinas 3. Urbana at Feliza - isinulat ni Padre Modesto de Castro. Kagandhang–asal at
wastong pag-uugali.
91. 91. Anyo ng Dula sa Panahon ng Kastila 1. Karagatan 2. Duplo 3. Juego de Prenda 4. Moro-moro
5. Zarzuela
94. 94. 2. MARCELO H. DEL PILAR Dakilang Political Analyst Iilang akda: Caiingat Cayo Dasalan at
Tocsohan Sagot sa Espanya sa Hibik ng Pilipinas
95. 95. 2. GRACIANO LOPEZ JAENA Dakilang Mananalumpati Iilang akda: Fray Botod El Bandolerismo
sa Pilipinas Anak ng Prayle
97. 97. 2. EMILIO JACINTO “Utak ng Katipunan” Iilang akda: Kartilya ng Katipunan A La Patria
Liwanag at Dilim
98. 98. 3. APOLINARIO MABINI “Utak ng Himagsikan” Iilang akda: Ang Himagsikang Pilipino El Liberal
El Verdadero Decalogo
99. 99. Mga Kilalang Manunulat JOSE CORAZON DE JESUS “Makata ng Pag-ibig” at “ Hari ng
Balagtasan” Iilang Akda: Isang Punungkahoy Maggagawa Bayan Ko
100. 100. ALEJANDRO ABADILLA Akda: Ako ang Daigdig LOPE K. SANTOS “Ama ng Balarila” Iilang
Akda: Banaag at Sikat Pangginggera
101. 101. AMADO HERNANDEZ “Makata ng Manggagawa” Akda: Isang Dipang Langit Bayang
Malaya Ibong Mandaragit Luha ng Buwaya
102. 102. Ildefonso Santos Iilang Akda: Ang Guryon Gabi Tatlong Inakay Sa Tabi ng Dagat
103. 103. DEOGRACIAS ROSARIO “Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas” Akda: Dahil sa Pag-ibig
Walang Panginoon Ang Geisha Dalawang Larawan Bulaklak ng Inyong Panahon
104. 104. SEVERINO REYES “Ama ng Zarzuelang Tagalog” Iilang Akda: Walang Sugat Mga Bihag ni
Kupido Huling Pati Halik ng Isang Patay Kalupi
105. 105. Mga Kilalang Manunulat LIWAYWAY ARCEO Iilang Akda: Uhaw ang Tigang na Lupa Canal
dela Reina Ang Mag-anak na Cruz
106. 106. JULIAN BALMACEDA Iilang Akda: Sino Ba Kayo? Dahil sa Anak Ang Palabas ni Suwan
107. 107. FRANCISCO RODRIGO Iilang Akda: Sa Pula, Sa Puti NARCISO REYES Iilang Akda: Lupang
Tinubuan
109. 109. GENONEVA EDROZA MATUTE Iilang Akda: Ako’y Isang Tinig Kuwento ni Mabuti
TEODORO AGONCILLO Iilang Akda: Maikling Kuwentong Tagalog Mga Kilalang Manunulat
110. 110. ELPIDIO KAPULONG Iilang Akda: Planeta, Buwan, at Mga Bituin AMADO HERNANDEZ
Iilang Akda: Luha ng Buwaya
111. 111. LIWAYWAY ARCEO Iilang Akda: Nagbabagang Paraiso DOMINADOR MIRASOL Iilang
Akda: Mga Halik sa Alikabok
112. 112. LUALHATI BAUTISTA Iilang Akda: Bata, Bata, Paano ka Ginawa? Gapo Sakada Dekada ‘70
Bulaklak ng City Jail
113. 113. EMILIO AGUINALDO - Rosalia Magdalo,Magdalo VIRGILIO ALMARIO - Rio Alma CECILIO
APOSTOL - Catulo, Calipso, Calypso FRANCISCO BALTAZAR - Balagtas
114. 114. ANDRES BONIFACIO - Agapito Bagumbayan, Maypagasa, Magdiwang FELIPE CALDERON
-Simoun, Elias JOSE CORAZON DE JESUS - Huseng Batute, Pusong Hapis, Luksang Paroparo
115. 115. JOSE DELA CRUZ -Huseng Sisiw EPIFANIO DELOS SANTOS - G. Solon NESTOR VICENTE
MADALI GONZALES - N.V.M. Gonzales SEVERINO REYES - Lola Basyang
116. 116. MARCELO H. DEL PILAR - Plaridel, Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo, Kupang,
Haitalaga, Patos, M. Dati. Carmelo, D.A. Murgas, L.O. Crame, D.M. Calero, Hilario, FERNANDO MA.
GUERRERO -Fluvio Gil, Florisel
117. 117. AMADO HERNANDEZ - Amante Ernani, Herninia de la Rivia, Julio Abril EMILIO JACINTO -
Dimas-ilaw, Pingkian NICK JOAQUIN - Quijano de Manila GRACIANO LOPEZ JAENA - Bolivar, Diego
Laura
118. 118. ANTONIO LUNA - Taga-ilog JUAN LUNA - J.B. , Buan APOLINARIO MABINI - Bini,
Paralitico, Katabay JOSE MARIA PANGANIBAN - Jomapa, J.M.P.
119. 119. JOSE PALMA - Ana-haw, Esteban Estebanes, Gan Hantik PASCUAL H. POBLETE - Anak-
Bayan MARIANO PONCE - Nanding, Tikbalang, Kalipulako JOSE GARCIA VILLA -Doveglion
120. 120. LOPE K. SANTOS - Anak-Bayan, Doktor Lukas, Lakandalita Dr. PIO VALENZUELA -
Madlang-Away Dr. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y ALONZO REALONDA - Jose Rizal, Dimas-alang,
Laong-Laan, Agno, Calambeño