You are on page 1of 2

Araling Panlipunan 5

Handout #1
Pagtugon ng Pamahalaan sa Pangangailangan ng Mamamayan

I. Mga mahahalagang programa at paglilingkod ng pamahalaan upang matugunan angmga


pangangailangan ng mga mamamayan:
A. Programa para sa edukasyon
● Pagsasakatuparan ng Edukasyon para sa lahat o Education for All ( EFA )
- layunin nito ang pagpapabuti ng kurikulum ng Basic Education K to 12 kung saan ay naging
13 taon ang pag-aaral bago pumasok sa kolehiyo.

Iba pang proyekto :


● Pagtataguyod ng adopt a school program
– hinihikayat ang mga pribadong sector na magbahagi ng financial assistance sa mga
pampublikong paaralan
● Pagbibigay ng mga computer access sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa
● Pagsasaayos at pagpapatayo ng mga pasilidad ng paaralan
● Pagkakaloob ng pautang at scholarship sa mga mahihirap ngunit matatalinong
mag-aaral
● Patuloy na pagpapabuti ng kalidad ng pagtuturo sa mga pampublikong paaralan
● Pagkamit ng 1:1 ratio na textbook sa mag-aaral
● Pagpapatupad ng Government Assistance to students and teachers in Private
Education ( GASTPE )
● Search for Most Effective Public Schools in Math and Science
● Paggawa ng mga kagamitang panturo sa Braille at mga malalaking letra para sa mga
bulag at may malalabong paningin
● Early Childhood Development Project
● Distance Education
● Multigrade Program
● Accreditation Program para sa mababang paaralan

B. Programa sa Tirahan, Pagkain at Gamot


● Katulong sa pagtugon ang mga ahensiya ng pamahalaan sa tirahan tulad ng Government
Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) upang matulungan ang mga
manggagawa sa pamahalaan at pribadong sektor. Ang Home Development Mutual Fund o
PAGIBIG fund ay nagbibigay ng tulong para sa murang pabahay.
● Para sa pagkain at gamot, ang National Food Authority (NFA) ang ahensiyang sumisiguro sa
sa sapat na suplay ng bigas at iba pang pagkain na mabibili sa tamang halaga ng mga
mamamayan. Ang Food and Drug Administration (FDA) naman ang may tungkuling siguruhing
ligtas at de-kalidad ang mga gamot at pagkaing ipinagbibili sa mga mamamayan.
C. Programa sa Kalusugan
● Ang Department of Health (DOH) ay naglulunsad ng mga kampanya para sa kalusugan. Ilang
sa mga programa nito ang
a. Garantisadong Pambata – layunin nito ang pababain ang kaso ng child and infant mortality.
b. Paghinto sa paninigarilyo
c. Diabetes Mellitus Prevention and Control Program
d. National Mental Health Program – naisabatas ang Mental Health Bill o Senate Bill 2910
upang mapabuti ang mental health service sa mga taong nangangailangan nito.
● Ang mga ipinatayong pagamutan tulad ng Phil.Heart Center, Lung Center of the
Phil.,National Kidney and Transplant Institute at ang Phil. General Hospital kasama ng
mga health centers ay nagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan.

D. Programa sa Pagbibigay ng Proteksyon


● Tulong-tulong ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI) at
Bureau of Fire Protection (BFP) upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa paligid.
● Ang Philippine Atmospheric Geophysical and astronomical Services Administration
(PAGASA) at ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay mga
ahensiyang laban sa kalamidad.

E. Programa para sa Impraestraktura


● Iniatang sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tungkuling mapabuti ang
kabuhayan ng mga mamamayan. Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga daan, tulay,
paliparan, daungan at iba pang paraan ng paglalakbay. Ilan lamang ito sa mga programa ng
DPWH na nakatutulong upang mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

You might also like