You are on page 1of 1

A.

1. Ang teksto ay tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong pagiisip at ang paggamit nito upang
makagawa ng mga tamang desisyon.

2. Makatotohanan ang mga isinasaad sa teksto, sapagkat tunay na nakasalalay sa ating pagiisip ang lahat
ng desisyong gagawin natin sa buhay. May katotohanan na marami ang hindi umuunlad sapagkat mali
ang mga desisyong ating pinipili. Tunay rin na ang tanging paraan lamang upang maiwasan nating
malugmok ang ating buhay ay ang paggamit ng ating wastong pag-iisip na makatutulong upang malaman
at masala natin kung ano ang tama at mali.

3. Mahalaga na taglayin ng bawat tao ang kakayahang magdesisyon ng tama sapagkat ito ang kanyang
magiging sandata upang maiwasan ang anumang kamalian at kabiguan sa buhay.

B.

1. Ang order ayon sa panahon ay maaaring tumutukoy sa order na kronolohikal na pagkakasunod sunod
ng mga pangyayari. Kadalasang ginagamit ito sa pagsasalaysay. Sa kabilang banda ang order ayon sa
lohiko naman ay naglalayong magbigay ng lohikal na konklusyon pagkatapos ng paglalahad ng mga
sanhi at bunga, pagtutulad at paghahambing at pagkaraan ng paghahalimbawa. Ginagamit ito sa mga
talatang nagpapaliwanag o naglalahad.

2. Order ayon sa lohiko

3. Ang teksto ay nagtataglay ng kaisahan at nauukol lamang ang mga pangungusap sa iisang paksa.
Nakatuon ang buong teksto sa pagpapahayag ng kahalagahan ng tamang pagiisip upang makagawa ng
tumpak na desisyon at maiwasan ang anumang kamalian sa buhay.

4. Magkakaugnay ang mga mga pangungusap na ginamit sa teksto. Sa una’y ipinahahayag ng teksto na
ang tamang pagiisip ay likas sa ating mga tao ngunit hindi pa rin maiiwasan na tayo’y magkamili sa
bawat bagay na ating pinipili kaya naman sa ikalawang talata ipinakita ang mga negatibong epekto sa
atin ng hindi paggamit ng wastong isip at tumpak na desisyon kaya naman upang ito’y maiwasan,
inilahad sa huling dalawang talata kung bakit mahalaga ang tamang pagiisip lalo na sa mga kabataaang
sumusubok pa lamang sa mga hamon ng buhay. Ipinakita din dito na ang tanging sandata lamang upang
malutas ang mga suliraning ito ay ang pagkakaroon ng tamang pagiisip.

5. Makikita ang pamaksang pangungusap sa ikatlong talata sapagkat dito binigyang diin kung bakit
mahalaga ang tamang pasiisip upang masigurong tama at maayos an gang bawat desisyong ating
gagawin sa buhay.

You might also like