Professional Documents
Culture Documents
I-A1
PAKISTAN
BRIEF HISTORY
Pakistan, officially the Islamic Republic of Pakistan, is a country in South Asia. It is the
world’s sixth-most populous country with a population exceeding 212,742,631 people. In area, it
is the 33rd-largest country, spanning 881,913 square kilometres (340,509 square miles). Pakistan
has a 1,046-kilometre (650-mile) coastline along the Arabian Sea and Gulf of Oman in the south
and is bordered by India to the east, Afghanistan to the west, Iran to the southwest, and China in
the far northeast. It is separated narrowly from Tajikistan by Afghanistan's Wakhan Corridor in
the northwest, and also shares a maritime border with Oman.
Pakistan was created, as an Islamic state, out of the partition of the UK’s Indian Empire,
at independence in August 1947. It originally consisted of two parts, West Pakistan (now
Pakistan) and East Pakistan (now Bangladesh), separated by 1,600 km of Indian territory.
Partition was followed by war with India over Kashmir and the mass migration of Muslims,
Hindus and Sikhs to resettle within the new borders, an upheaval which led to violence, financial
loss and death on a large scale. With the arrival of Indian Muslims and departure of Pakistan’s
Hindus and Sikhs, Pakistan became an almost entirely Muslim society. Jinnah, who is honoured
as the Quaid-i-Azam, or great leader, died in 1948.
During the recession or the great depression in the 1930’s, what happened to
the economy of this country?
It is important that recession is not always bad. Some economies and companies get
benefits from it. A contractionary policy had been adopted in Pakistan and even the International
Monetary Fund (IMF) emphasized the implementation of this policy in Pakistan. Three positive
consequences for the economy of Pakistan have been produced during the recession:
1) The cost of imports has decreased because of the reduction in oil prices. As a result, the
balance of trade was improved.
2) The benefit of reduction in oil prices was not transferred to the consumers. So, public revenue
had increased despite of a worldwide recession.
3) The lower demand for goods and services reduced the rate of inflation.
Pakistan’s economic freedom score is 55.0, making its economy the 131st freest in the
2019 Index. Its overall score has increased by 0.6 point, with higher scores for judicial
effectiveness and property rights
outpacing declines in monetary freedom and fiscal health. Pakistan is ranked 32nd among 43
countries in the Asia–Pacific region, and its overall score is below the regional and world
averages.
Although some aspects of economic freedom have advanced modestly in Pakistan in
recent years, decades of internal political disputes and low levels of foreign investment have led
to erratic growth and underdevel- opment. Excessive state involvement in the economy and
inefficient but omnipresent regulatory agencies inhibit private business formation. Lack of access
to bank credit undermines entrepreneurship, and the financial sector’s isolation from the outside
world slows innovation. The judicial system suffers from a serious backlog and poor security,
and corruption continues to taint the judiciary and civil service.
Casas, Jennefer D.
I-A1
PANGARAP
Kahirapan ang nagbibigay pasakit kay Carmi na dati-rati’y wala masyadong inaalalang
suliranin. Maayos sana ang buhay nila noon, na kahit anong hilingin niya ay agad-agad
nasusunod subalit dumating ang pagkakataong nagkasakit ng malalang karamdaman ang
kanyang ama na ngayo’y paralitiko na dahil sa ‘di agad naagapang karamdaman. Isa pa roon ay
sumabay pa ang pagsasara ng pinapasukan ng kanyang ina. Wala silang magawa ng kanyang
mga kapatid kundi ang tumigil na lamang sa kanilang pag-aaral. Bitbit na sana niya ang
diplomang dapat mukukuha na niya nang kasalukuyang taon. Gunita niya ang mga masasayang
araw na gusto niyang makapagtapos ng abogasiya ngunit ang sisidlang pangarap ay napunta sa
paghihintay. Panganay siya sa dalawa niyang kapatid. Mula ng magkasakit ang kanyang ama ay
siya na ang kumakalinga rito dahil wala ng panahon ang kanyang ina sa pag-aasikaso sa kanila.
Simula noon ay tumutulong na rin siya sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagtitinda ng
kakanin sa lansangan. “Inay makakapagtapos pa kaya ako ng pag-aaral?”, biglang tanong niya sa
kanyang inay. “Anak hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang sitwasyon ng buhay natin.
May awa rin ang Diyos basta’t maniwala lang tayo sa kanya. Dahil ang bawat pagsubok ay may
kaakibat na kaginhawaan kung itoy ating malalagpasan”, tugon ng kanyang ina sa kanya. “Kung
mamasukan na lang po kaya ako bilang katulong? Para naman makatulong ako sa gastusin dito
sa bahay at sa pambili ng gamot ni itay.”, muling sambit niya. “Salamat anak! Pero bata ka pa
para magbanat ng buto, hayaan mo na lamang ako ang magpuno ng pangangailangan natin”,
tugon ng kanyang ina.
Isang araw, “Inay… Inay si itay!”, pabulyaw at humahagulgol na sigaw ni Carmi. Hikbi
ni Carmi ang maririnig habang nakaratay ang kanyang ama na wala ng buhay. Iyon na marahil
ang pinakamabigat na nangyari sa buhay ng kanilang pamilya—ang mawalan ng haligi ng
tahanan sa kanilang buhay. Tulala at wari malayo ang kanyang iniisip habang nagsisipag-iyakan
ang kanyang dalawang kapatid. Isang linggong nagluksa ang Pamilya Dela Cueva. Pagkatapos
ng pagluluksang yaon ay kasunod ng pagbabago sa estado ng kanilang pamumuhay. Kung dati-
rati’y naglalako siya ng kakanin sa lansangan, ngayon ay namasukan siya bilang kasambahay,
samantalang ang dati niyang ginagawa ay pinagpatuloy ng kanyang mga kapatid. Simula noon ay
nahirapan siyang makibagay sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipagsapalaran sa mura
niyang edad at doon niya naranasan ang hirap na kanyang napasukan. Minsan na rin siyang
inalok upang sumayaw sa lilim ng ilaw ngunit inisip niya na hindi nararapat na gawin ang bagay
na iyon.
Ang pagkakataong makapag-aral ay minsan na ring sumagi sa kanyang isipan nang sa
kanyang pagtatrabaho’y inalok siya ng kanyang amo. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa
iyong pag-aaral?”, tanong nito sa dalaga. Biglang napatingin si Carmi sa kanyang amo subalit
ang bagay na iyon ay parang napaka-imposible sa katayuan niya. Iniisip niya na mahirap
pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. “Hija gusto mo pa bang magpatuloy sa iyong pag-
aaral?”, ulit nitong sambit. Ngunit sa pagkakataong yaon, hindi na niya pinalagpas ang
pagkakataong baka sakali uli’y makapag-aral siya. Tumango na lamang siya at napasambit ng
“Opo!” sa kanyang amo. “Simula bukas pupunta ako sa eskuwelahang papasukan mo, sa gabi ka
na lang pumasok para naman ‘di maantala ang pagtatrabaho mo,” dagdag pa ng kanyang amo.
“Maraming Salamat po”, masayang tugon ni Carmi.
Sa kanyang kinikita sa kanyang sweldo ay doon niya kinukuha ang panggastos niya sa
pagpapaaral sa kanyang mga kapatid. Isang gabi tinanong niya ang amo niya kung bakit ganito
na lamang ang ipinapakitang kabutihan sa kanya nito. Noon niya lang nalaman na may anak na
pala ang kanyang amo na dapat sana’y kaedad na niya ngunit sa kasamaang palad ay binawian
ito ng buhay sa murang edad dahil sa isang aksidente. Nakikita ni Don Juan sa kanya ang buhay
ng namayapang anak kaya maganda ang pakikitungo nito kay Carmi. Tinuturing ni Don Juan si
Carmi na parang tunay niyang anak. “Eh Sir nasaan po si Ma’am?”, tanong niya rito. “Simula
nong namatay ang aming anak, sinisi niya ang lahat sa akin, lumayas siya na wala man lang
paalam. Hindi ko nga mabatid kung bakit iniwan niya ako, siguro tama nga ang asawa ko na
dapat ako ang managot sa lahat”, malungkot na tugon ng kanyang amo.
Pagkatapos ng usapang iyon, doon niya nalaman ang lahat ng mga bagay na waring itinatanong
niya sa kanyang sarili na kung bakit ganun na lamang ang pakikitungo sa kanya ng kanyang
amo. Ganun pa man, kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong at bilang mag-aaral ay
umaasa pa rin siyang mapagtapos niya ang kanyang mga kapatid ng pag-aaral at makapagtapos
din siya sa kolehiyo.
Lumipas ang mga panahon. Natupad na niya ang mga bagay na matagal na niyang
pinapangarap sa buhay. Sa pagkakataong iyon ay inialay niya ang diploma at medalyong
nataggap sa kanyang mga minamahal — sa kanyang inay at itay, mga kapatid at sa mga
pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Dahil sa pagsubok na dumating sa kanilang pamilya
ay nakamit niya ang matagal na niyang inaasam-asam — ang makapagtapos sa pag-aaral at
maging isang abogado. Nabago ang lahat dahil sa mga bagay na hindi niya inaasahan. Ang
pagkamatay ng kanyang ama ang siya palang magiging dahilan upang siya’y matutong kumilos
para lamang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
4. Anu-ano ang mga dahilan at nagkamit ng maraming gantimpala ang pelikulang ito?
Nagkamit ng labindalawang gantimpala ang pelikulang “Mano Po” kasama na
ang Best Picture. Ito ay sa kadahilanang maayos na nagampanan ng mga artista
ang papel na itinakda sa kanila. Si Maricel Soriano bilang Vera Go ay maayos
na nabigyang-buhay ang pagiging isang matagumpay na mangangalakal.
Angkop ang mga naging ayos, pananamit at pagsasalita niya sa kanyang papel
sa pelikula. Maging si Ara Mina bilang Richelle Go ay naging kapani-paniwala
rin ang pag-arte bilang “black sheep” ng pamilya Go. Si Eddie Garcia naman ay
gumanap bilang Angkong ng pamilya Go ay maayos at magaling na naiganap
ang pagiging isang taong mahigpit ang disiplina. Ang bawat katauhan,
ekspresyon ng mukha at pag-uugali sa papel ng mga artist asa pelikula ay lalong
nagbigay-buhay at nagpaganda sa pelikula. Ang mga pagsasalita rin nila ng
Intsik ay naging kapani-paniwala na animo sila’y tunay na mga Intsik. Maayos
din ang naging daloy ng mga pangyayari sa pelikula. Sa kabuuan, ang pelikula
ay pinaggugulan ng matagal na panahon kaya hindi maikakaila na magkakamit
ito ng napakaraming gantimpala.