You are on page 1of 4

Allaiza Nichole C.

Salespara
1-A1

KARENDERYA

Sa isang malayong probinsya, nakatira ang pamilya Sukelya na kilala sa pagiging magaling
pagdating sa pagluluto at paghahanda ng masasarap na pagkain. Dinadayo ang kanilang
karenderya na tinawag nilang "Susalya's Karenderya" dahil nga sa sulit na pagkain nila dito.
Masaganang masagana ang kanilang negosyo at sila'y tuwang tuwa dahil rito, nagpatuloy ang
magandang takbo ng kanilang karenderya at lalo pang rumarami ang tumatangkilik nito
hanggang sa isang araw, may isang pamilya na lumipat at tumira sa tabi ng kanilang bahay, ang
pamilya Jugelya na isa ring kilala sa dati nilang lugar na masarap magluto kaya't
napagdesisyunan ng pamilyang ito na ipagpatuloy ang kanilang hanap buhay sa bago nilang
lugar. Kinabukasan, nagulat ang pamilya Sukelya dahil may nakita silang malaking tarpulin na
may nakalagay na "Jugelya's Karenderya" nung una'y hindi nabahala ang pamilya Sukelya
dahil alam nilang mas masarap ang kanilang mga niluluto at matagal na itong tinatangkilik ng
mga tao sa kanilang lugar, habang ang pamilya Jugelya naman ay nangangamba dahil wala pa
silang kostumer na bumibili sa kanilang kainan kaya nakaisip ang isa sa miyembro ng pamilya
Jugelya na magkaroon ng free taste sa mga putahing inihanda nila. Dahil ang mga tao sa lugar na
yon ay mahilig sa libre, hindi nila pinalampas ito at doon nila natikman ang sarap ng pagkain ng
pamilya Jugelya. Hanggang sa padami na ng padami ang nagiging mamimili ng kanilang
karenderya. Natutuwa ang pamilya Jugelya samantalang ang pamilya Sukelya naman ay naiinis
na dahil may kalaban na sila sa kanilang negosyo. Kaya't umisip rin ng pakulo ang Sukelya
family at naisip nila ang unli rice, muling nagsibalikan ang kanilang dating nga suki at dahil don,
nasiyahan sila. Hindi naman nagpatalo ang kabilang pamilya at gumawa rin ito ng paraan para
dumami ulit ang kanilang mga kostumer, kaya't naisip nila na gawin namang unli fried rice ang
kanila.

Tuloy tuloy ang naging paligsahan ng dalawang angkan at nagsanhi ito ng pag aaway ng mga
pamilya, sinisiraan ng isa't isa ang mga luto ng kabilang karenderya para makaganti sa isa't isa
ngunit hindi nila napapansin na ang kanilang mga panganay na anak ay nagkakaroon na ng
pagtingin sa isa't isa. Palihim silang nagbibigayan ng mga recipe ng bawat isa at palihim din
silang nagkikita upang makapag sama. Isang gabi, nahuli ng pamilya Jugelya ang kanilang
panganay na anak na dumadaan sa bintana ng kwarto nito at nung sumilip sa ibaba ay nakita
niyang katagpo nito ang panganay na anak ng kalaban nilang pamilya. Nung sumapit ang umaga,
agad na sinugod ng pamilya Jugelya ang mga Sukelya para sabihin sa mga ito at sisihin ang
panganay ba anak ng babae na inaakit lang daw nito ang kanilang panganay na anak para makuh
ang bawat pagkaing inihahanda nila sa kanilang menu. Sumigaw naman pabalik ang pamilya
Sukelya at doon sila nag away at nagrambulan. Pilit nilang pinaghihiwalay at pinaglalayo ang
kanilang mga anak sa isa't isa dahil hindi daw ito makakabuti para sa kanila. Pilit nilang
hinahadlangan ang pagmamahalan ng dalawa dahil sila ay mahigput na magkalaban sa negosyo.
Habang nagsisigawan at nagrarambulan ang bawat panig hindi nila namalayan ang pag-alis ng
kanilang dalawang panganay na anak.
Ilang araw na ang nakalipas nung naglaho ang dalawa, hanggang sa isang araw, may dumating
na sulat pareho sa nagkabilang bahay galing sa mga ito, at nakapaloob na hindi sila uuwi hanggat
hindi natatapos ang bangayan. Kaya't nangako ang magkabilang angkan na sila'y magkakaayos
na at hindi na muling mag-aaway pa.

Pinanindigan naman ito ng dalawang pamilya, kaya ang ginawa nila ay pinagisa nila ang
kanilang negosyo at pinagsama ang bawat putahe nila at tinawag nila itong "S&J's Karenderya"
kasabay ng pagbalik ng kanilang mga panganay na anak ang muling pagdami at paglago ng
kanilang kainan. Mas lumalaki ang kita nila dito at mas madaming kostumer ang dumadayo sa
kanila. Kaya naman lubos na pasasalamat ng bawat pamilya sa kanilang mga panganay na anak
at sa kanilang pag-iibigan dahil dahil rito, mas nagbunga ito ng maganda sa kanilang negosyo at
mas nakapag hanap buhay sila ng mas maayos. At doon, nagkaroon ng kapayapaan at kasiyahan
ang bawat pamilya.

Pangunahing Paksa
- Kahalagahan ng pagkakaisa, pag-uunawaan at ng pag-ibig

Paglalarawan ng tauhan
- Susalya’s Family: May-ari ng Susalya’s Eatery, may anak
- Jugelya’s Family: May-ari ng Jugelya’s Eatery, may anak

Kaasalan
- Susalya’s: Mahilig magluto, masarap magluto
- Jugelya’s: Mahilig at magaling magluto, mahilig makipag kompitensya

Teorya
- Simbolismo
Makatotohanang pangyayari sa tunay na buhay
- Napag uusapan ang lahat ng bagay. Kadalasan sa mga tao, hanggat walang nawawala,
hindi naiisip kung ano ba talaga ang dapat na gawin. Katulad sa totoong buhay, madami
ang pamilya na lagging sumasalungat sa kasintahan ng anak dahil sa personal na issue.
Mas uunlad ang bawat isa kung magtutulungan.
Allaiza Nichole C. Salespara
1-A1
MANO PO
Sa iyong palagay, angkop ba ang pamagat sa pelikula?
- Sa aking palagay, ang pamagat ng pelikulang MANO PO ay angkop sa nilalaman ng istorya,
dahil ang pagmamano na madalas ipakita sa nasabing pelikula ay isang katangian ng mga Pilipino
at Intsik na nangangahulugan ng pag galang. Dito maisasabuhay kung anong kuktura meron ang
nga Intsik at Pinoy at kung paano nila ito ginagawa sa totoong buhay

Anong dalawang (2) kultura ang pinakita sa pelikula?


- Ang kulturang ipinakita sa pelikula ay ang kultura ng Intsik at Pilipino. Una, kung paano
pahalagahan ng nga Intsik ang kanilang lahit at negosyo sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga
kapwa nila Intsik din. Sa mga Pilipino naman ay ang mga tradisyon at pag-uugali kung paano
makisalamuha at kung paano pinahahalagahan ang pakikisama at pag-ibig o pagmamahalan.

Nararapat bang panatilihinng isang tao ang mga kaugalian at tradisyon ng kaniyang ninuno?
- Oo. Para sa akin, ito ay marapat lang na panatilihin at lalo pang pagyamanin dahil para sa akin,
mas magkakaroon ng pagkakaisa ang bawat tao sa isang bansa kung may mga basehan sila kung
paano mamuhay. Ngunit kung mas may ikagaganda pa ito, hindi din naman masamang mas
palaguin o mas iimprove pa ito pero pananatilihin lang yung kagawian at hindi aalisin.

Ano-ano ang mga dahilan at nagkamit ng maraming gantimpala amg pelikulang ito?
- Ipinakita nito ang reyalidad sa pagitan ng Intsik at Pilipino
- Bawat detalye ay nakakaantig ng puso
- Ipinapakita ang tradisyon ng Pinoy at Intsik
- Makikita kung paano makisalamuha ang bawat isa
- Maisasalamin ang mga buhay sa totoong pangyayari
- Ipinapakita kung paano magsanib ang kultura ng pinoy at intsik
- Naidetalye ang bawat pangyayari sa pelikula
- Makikita ang relasyon ng Pilipino at Intsik sa pelikula

You might also like