Professional Documents
Culture Documents
Tadhana
Tadhana
Tadhana,
Ako’y nakikiusap/ na sa isa pang pagkakataon,
Upang masilayan kong muli ang kanyang mukha,
Upang magkasalubong muli ang aming mga mata,
At muli ang ngiti na gusto ko pang makita,
Nakikiusap ako, na sana sa isa pang pagkakataon
Sa isa pang pagkakataon…
Tadhana,
Salamat. Kaya sa huling pagkakataon,
at sa muling pagkakataon na Makita ko siya
Ito na… Sasabihin ko na…
Hindi na hahayaan pang umurong itong aking dila,
Hindi na patitirahin nalang/ sa puso ko itong mga salita
Dahil ito na, sasabihin ko na…
Dahil sa unang beses kong nasilayan ang kanyang mukha,
Ako’y nahulog na.
At sa unang beses na magkasalubong ang aming mga mata
Di na ako lumingon pa sa iba,
At sa unang beses kong nakita ang kanyang mga ngiti
Ako’y nahuhulog pa.
At alam kong hindi pa ito ang huli naming pagkikita
Kaya ito na… sasabihin ko na… sasabihin ko na…
Gusto na kita…
Gustong-gusto na kita,