You are on page 1of 1

Limang Taon

Aking naalala sa aking pag gising,


Na kagabi pala ay nandito ka saking piling.
Ang iyong amoy, na nang-aakit sa takipsilim,
Hinding hindi ko makakalimutan sa pagkagat ng dilim.
Tatanggapin ko ang lahat, kahit minsan ay kulang,
Dahil kung hindi man ikaw, ay huwag na lang.

Sabi nila, ika’y nakakasira sa akin,


Pero sa gabi, ba’t ang hinahanap ko’y ikaw pa rin?
Puso’y di mapigil damdaming sobrang naggigigil,
Kung ikaw ang kasama, tila’y oras ay tumitigil.
Hindi mapakali, kung wala ka saking tabi,
Ang iyong lasa ay hinahanap ng aking mga labi.

Ang tubig ay nasa kanan, ikaw ang nasa kaliwa,


Minsan pag napasobra, nawawala ang kaluluwa.
Noong tayo ay nagkasama sa Escanio,
Naramdaman ko ang iyong pagmamahal dahil sa Train Law
Ang dating nobenta, ngayon na ay isang daan
O mahal kong Tanduay, ba’t ka nagkaganyan?

You might also like