You are on page 1of 4

Prepared by: Lopez, Maria jessa joy A.

BSBA IV -HRDM

“Binyag tinanggap natin ang bagong buhay ng Diyos”

Layunin: Ibahagi sa mga bata ang sumusunod:


Doctrine: Maipakilala sa mga bata ang binyag
Morals: Maipaliwanag ang kahalagahan ng binyag.
Worship: Maging inspirasyon sa mga bata ang bagong buhay na hatid ng binyag.
I. Introduction
A. Pagpapkilala sa sarili

Mary: Hello mga bata! Ako nga pala si ate Jessa Alam nyo ba kung bakit ako nandito
ngayon? Pero bago yon mag pray muna tayo. Tayo muna tayo mga bata.

B.Pambungad na panalangin
⮚ Ama namin
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa, para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo ang aming mga sala,
Para ng pagpapatawad namin
Sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat Iyo ang kaharian, at kapangyarihan,
At ang kadakilaan, magpakailanman. Amen

C. Activity:
Jessa : kanina nag pakilala ako sainyo natatandaan nyo pa ba? Ngayon naman kayo
naman ang mag pakilala sakin.
Mga bata : (magpapakilala isa-isa)
Jessa : alam nyo ba kung bakit nandito si ate jessa ngayon? Nandito ako para
sabihin ang magandang balita ni papa God.

D. Lesson Proper: “Binyag tinanggap natin ang bagong buhay ng Diyos”


⮚ Ang bautismo ay isang sakramento o ritwal ng mga Kristiyano na
ginagawaran ng paglulubog sa tubig o pagbubuhos ng banal na tubig sa may
ulunan ng sanggol o maging nasa-edad na, bilang tanda ng pagiging bahagi
niya sa pamayanang Kristiyano. Sa pamamagitan nito, inaasahang magiging
mabuting Kristiyano ang binibinyagan. Tinatawag
itong binyag sa Simbahang Katoliko Romano, subalit ginagamit ang
salitang buhos kapag hindi pari ang nagsasagawa ng pagbibinyag. Isang
pagdadalisay na pang-pananampalataya ang pagbabautismo sa
pamamagitan ng banal na tubig. Sa wikang Griyego. Bukod sa paglulubog,
isa ring paghuhugas sa pamamagitan ng tubig ang pagbabautismo na
sumasagisag sa pagkakatanggal ng mga kasalanan ng isang tao, at sa
pagsapi ng taong ito sa mag-anak ng Diyos, at sa kaniyang pagiging kaisa sa
pagkamatay ni Hesus (dahil sa kasalanan ng tao) at sa muling pagkabuhay
ni Hesus (sumasagisag sa bagong buhay).
II. Sacred Scripture
A. Bible Verse: Reading session (Roma 8:15-17)
⮚ 15 Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muli kayong
matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkupkop, bilang mga anak na sa
pamamagitan nito'y tumawag tayo, “Abba! Ama!”16 Ang Espiritu mismo ang
nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At dahil
tayo'y mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni
Cristo, kung tunay ngang tayo'y nagtitiis kasama niya, nang sa gayon, tayo'y
makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
B. Explanation of verses read by the students
C. Sharing of insights

III. Deepening
Jessa : mga bata nabinyagan na ba kayo?
Mag bata : opo
Jessa : kelan kayo bininyagan?
Mag bata : nung baby pa po kami
Jessa : bakit kayo bininyagan?
Mag bata : hindi po naming alam
Jessa : alam nyo ba yung original sin?
Mga bata : hindi po
Jessa : ang original sin ay ang kasalanan na nakuha natin mula sa ating mga unang
magulang na sina adam and eve. Sa pamamagitan ng binyag tinatanggal nito ang ating
original sin na sumasagisag sa ating panibagong buhay, buhay ng pagiging isang mabuting
katoliko.

IV. APPLICATION
A. Recitation of the lesson
B. Sharing of experience
C. Lesson learned
D. Activity: Song “THE SALVATION POEM TAGALOG VERSION LYRICS”

FIRST VERSE
HESUS SA KRUS, IKA'Y NAMATAY
NABUHAY MULI PARA MUNDO'Y ILIGTAS
KASALANAN KO AY PATAWARIN MO
MAGING PANGINOON, KAIBIGAN KO

CHORUS
TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI
BUHAY KO'Y ALAY SA IYO
TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI
BUHAY KO'Y ALAY SA IYO

( REPEAT FEVERYTHING FOR 1X )

BRIDGE
TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI
BUHAY KO'Y ALAY SA IYO
TULUNGAN MONG MAGSIMULA MULI....
MAGSIMULA MULI....
BUHAY KO'Y ALAY SA IYO

E. Closing Prayer: Luwalhati

You might also like