You are on page 1of 1

SOCIAL MEDIA: Ugat ng ‘Fake News’?

Click.
Type.
Post.

Bata man o matanda, lahat na marahil ay mayroong social media accounts. ‘Di lang millenials, kung di
pati na rin ang mga Baby Boomers ay di magkandamayaw sa pagtangkilik dito. Ayon ng sa tala ng
Telecommunications and Networking Companies, siyam sa kada sampung tao ang mayroong access sa
iba’t ibang social media sites.

Sino nga naman kasi ang hindi mahuhumaling sa hatid nitong kakaibang aliw? Sa ilang simpleng
pagpindot-pindot lang sa screen ay maaari na ka nang kumonekta sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ngunit maaari rin itong magdulot ng masasamang epekto, tulad ng paglaganap ng mga maling
impormasyon. Dahil nga sa ito’y ‘user-friendly’, nagiging madali na lamang para sa karamihan ang
pagpo-post at pagshe-share ng kung ano-ano, nang hindi iniisip kong ito’y wasto’t naaayon.

Dahil sa social media ay mas lumalaki ang tsansang kumalat ang mga maling balita.

“Kahit pa may inilatag na Bill na tumutuligsa sa paglaganap ng fake news, ay hindi pa rin natin tuluyang
masusugpo ito dahil nga sa medaling access sa social media” pagpapaliwanag ni Noel Balubal, bagong
talagang English Program Supervisor.

Bilang isang indibidwal, ang pinakang solusyon lamang sa unti-unting lumalaking kanser na ito ay ang
pagiging mulat sa katotohanan at ang pagiging responsible sa lahat ng kilos na ating gagawin.

Click. Type. Post. I-share ang wastong impormasyon.

You might also like