You are on page 1of 1

KAPATIRAN

Pagtaas ng presyo ng bigas: Ano nga bang solusyon?

Rice Tarrification. Rice Smuggling. Rice importation. Ilan lamang ‘yan sa mga inahaing solusyon upang
matugunan ang problema sa pagtaas ng presyo ng bigas. Gayunpaman, ano nga bang solusyon ang
epektibong makasasagot sa krisis na ito?

Ilang buwan lamang ang nakalipas, nagkaroon ng rice shortage sa ilang mga probinsya ng Mindanao.
Dahil ditto, umabot ng halos P80 bawat kilo ang presyo ng bigas.

Imbes na matugunan agad ang kakulangan sa pamamagitan ng pag-aangkat ng bigas mula sa Thailand,
nadagdagan lamang ang problema dahil may bukbok naman ang mga bigas.

Dahil sa ganitong mga problema, ay mas lalo lamang nauudyukan ang mga may kapangyarihan na
buwagin ang National Food Authority (NFA). Idagdag pa ang suhestiyon ng ilan na ipatupad na ang Rice
Tarrification at Rice Smuggling na mariin namang hinahadlangan ng nakararami.

Maaaring sa ngayon ay ito na ang mga pinakamainam na kasagutan, ngunit ang dapat na isipin ng
pamahalaan ay ang permanente o pangmahabang panahong solusyon.

Bigyang-pansin ang epekto ng mataas na populasyon sa suplay ng mga pangunahing pangangailangan


tulad ng bigas, ang mga palayang ginagawa na lamang subdibisyon, at ang mga magsasakang di
nabibigyan ng kaalaman hinggil sa modernong pagsasaka.

Dapat ang mga ito’y maaga nang nasolusyonan kung hindi lamang mga pansamantalang solusyon ang
binibigyang-pansin.

Habang patuloy ang pagtaas ng mga bilihin kabilang na ang presyo ng bigas, pangmatagalang
pagpaplano, modernisasyon, at prayoritisasyon ang higit na kinakilangan upang hindi na lumala pa ang
krisis sa presyo ng bigas.

You might also like