Professional Documents
Culture Documents
HINDI IPINAGBIBILI 6
Filipino
Kuwarter 1-Modyul 2, Linggo 2: Pagbibigay
Kahulugan sa Salitang Hiram at Paggamit ng
Pangngalang Konkreto at Di Konkreto
Page
COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS
Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 8
Isagawa 8
Mensahi para sa Guro
Tayahin 9
Karagdagang Gawain 11
References 12
Susi sa Pagwawasto 12
Pagbibigay Kahulugan sa Salitang
Aralin Hiram at Paggamit sa Pangngalang
2 Konkreto at Di Konkreto
Alamin
Panimula:
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Filipino! Kawiwilihan
mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikalawang Linggo. Ito ay ginawa
upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang gabay sa pag-aaral
sa mga paksa sa Filipino 6 na binubuo ng mga aralin na kinakailangang matapos sa
loob ng isang linggo.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pag-unawa sa napakinggan
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan, pagkukuwento,pagtula,
pagsulat ng seleksyon.
Naisasagawa ang pagsali sa mga usapan at talakayan at pagkukuwento.
1
Simulan na natin ang iyong paglalakbay, halina’t tuklasin ang itinatagong
ganda ng modyul na ito.
Subukin
Panimulang Pagtataya
Panuto:Basahing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bagoang
bilang.
____ 1. Hindi nakikinig sa utos ng magulang dahil lagi itong nakababad sa kanyang
cellphone.
Anong katangian ng pangngalan ang salitang may salungguhit sa
pangungusap?
a. basal b. konkreto c. di-konkreto d. Lansakan
____ 4. Mula umaga hanggang maghapon nalang naglalaro ng cellphone si Emo. Anong
uring salita ang salitang sinalungguhitan?
a. Pang-uri b. diptonggo c. hiram na salita d. Pandiwa
____ 5.“Anak, nasa taas ng cabinet ang pagkain mo.” ang saad ng sulat na nabasa ni
Emo.Alin sa mga sumusunod ang salitang hiram?
a. cabinet b. anak c. pagkain d. Emo
____ 6. “Kung hindi ko sana inuna ang pagce-cellphone hindi sana ako iiwan nila Nanay.”
saad nito habang umiiyak dahil ramdam na nito ang gutom. Ano ang kahulugan ng
salitang hiram na cellphone?
a. isang pagkain b. isang gamit/bagay c. isang laro d. isang pangyayari
____ 8. Alin sa mga sumusunod ang nakahiligang gawin ni Emo buong maghapon na
kahit ang pagkain ay binalewala na niya.
a. Ang paglalaro kasama ang kanyang mga kaibigan
b. Ang paggawa niya ng proyekto sa paaralan.
c. Ang paglalaro niya ng cellphone.
d. Ang paglilinis niya sa kanyang mga gamit.
Balikan
Panuto:Kilalanin ang uri ng mga sumusunod na pangangalang nasa kahon gamit ang Venn
Diagram.
Pantangi Pambalana
3
Tuklasin
Gawain 1
Panuto: Basahin ang kuwento at unawaing mabuti ang bawat detalye upang masagot
moang mga sumunod na tanong.
May isang batang nagngangalang Emo na ubod ng tigas ang ulo. Hindi nakikinig sa
utos ng magulang dahil lagi itong nakababad sa cellphone. Mula umaga hanggang hapon,
lagi niyang dala ang siga niyang cellphone.Halos hindi na siya makapag-aral nang mabuti
dahil paglalaro na lamang ng cellphone ang inaatupag nito.
“Anak halika na at kakain na tayo,” tawag ni Aling Lerma.” Mamaya na po ako inay,” sagot ni
Emo habang patuloy na naglalaro ng cellphone.Hindi kumain si Emo. Nagpatuloy pa rin siya
sa paglalaro ng cellphone.“Anak magmeryenda ka muna,” tawag ni Aling Lerma sa anak na
nakatuon lamang sa paglalaro ng cellphone.“Mamaya na po ako inay,” sagot ni Emo na
halos hindi makatingin sa ina.
“Mula umaga hanggang maghapon ka nalang naglalaro ng cellphone anak. Halos hindi
ka na makapag-aral at makagawa ng iyong takdang-aralin. Pati ba naman pagkain mo?”.
Galit na tugon ng ina sa anak.Hindi na lamang pinansin ni Emo ang nanay niya at tila
walang narinig. Sinubukang kunin ng nanay ni Emo ang cellphone na hawak nito ngunit
mabilis nitong naitago.“Huwag niyo pong kunin ang nag-iisang kaibigan ko. Ito na nga lang
po ang libangan ko. Kukunin niyo pa po ba ito!”. Pasigaw na tugon ni Emo sa kanyang ina.
“Simula nang nagkaroon ka ng cellphone naging matigas na ang ulo mo Emo. Sumasagot
kana sa magulang mo.Wala talagang magandang naidudulot iyan. Gamitin mo yan sa
libreng oras mo at hindi araw-araw na halos hindi ka na makakain,” sabi ni Aling Lerma.
Galit na galit si Emo sa Nanay niya dahil napangaralan siya. “Sana hindi nalang kayo
ang Nanay ko! Sana itong cellphone nalang. Mabuti pa ito napasasaya ako!” Pasigaw na
sagot ni Emo na tumakbo papunta sa kuwarto niya at padabog nitong isinara ang
pinto.Nagpatuloy sa paglalaro si Emo at tila kinakausap pa nito ang cellphone.“Mabuti ka pa,
hindi ako pinapagalitan. Samantalang si Nanay lagi nalang akong sinasaway sa paggamit
sa’yo at puro reklamo.” Saad ni Emo sa sarili niya. Naririnig niya ang katok ng nanay niya
ngunit hindi niya ito pinapansin.
Kinabukasan, nakaramdam na siya ng gutom. Lumabas siya ng kuwarto at naghanap
ng makakain ngunit wala siyang4 makita. Wala rin doon ang kanyang nanay at tatay. Nakita
niya ang sulat ng kanyang ina.“Anak, nasa taas ng cabinet ang pagkain mo. May pinuntahan
lang kami ng tatay mo,” saad sa sulat. Hindi naman ito mabasa ng maayos ni Emo.Kaunti
palang ang nalalaman niya sa pagbasa kaya nahirapan siyang basahin ito. Nasa unang
baitang na si Emo ngunit nahihirapan pa itong magbasa dahil sa mas gusto niyang maglaro
ng cellphone kaysa bumasa.“Ang hirap naman nitong basahin. Gutom na gutom na ako!”
Saad nito na hinihimashimas pa ang tiyan nito.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino sinu ang mga tauhan sa kuwento?
3. Ano ang nakagiliwang gawin ni Emo buong araw?
4. Bakit napabayaan ni Emo ang kanyang pag-aaral lalo na ang kanyang sarili?
5. Nagkaroon ka na ba ng karanasan na katulad ng kay Emo? Paano mo ito maiuugnay
5
sa aral ng kuwento?
6. Tama ba ang ginawang pagsagot ni Emo sa kanyang magulang? Bakit?
7. Paano ipinakita ng magulang ni Emo ang pagmamahal nila ky Emo?
8. Tama ba ang ginawang pagsisi ni Emo? Bakit?
9. Kanino mo maihahalintulad si Emo sa ating lipunan sa ngayon?
Ipaliwanag.
Suriin
Gawain: Balikan ang kuwentong Ang Amo ni Emo. Mula sa binasang kuwento,ibigay ang
mga sumusunod na hinihingi: Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel
A. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang hiram sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang
salita sa patlang.
______1. cellphone ______3. application
______ 2. cabinet ______4. kwarto
B. Panuto: Isulat ang ü kung ito ay pangngalang konkreto at × naman kung ito
ay di konkrretong pangngalan.
______5. cellphone ______7. takot ______9. Aling Lerma
______6.gutom ______8. cabinet ______10. Tatay
_______ ________
________________
6
__________
Pagyamanin
Mga salitang hiram ay kinuha mula sa katutubong salita ng ibang bansa, karamihan
ng hiram na salita ay may katumbas na salita sa Ingles o Kastila. Ibinabatay ng mga Filipino
ang pagsasalita ayon sa pagbigkas sa salitang kastila.
Hanay A Hanay B
B.Panuto: Upang mabuo ang maikling talata sa ibaba punan ninyo ng angkop na salitang
hiram ang patlang. Pumili ng mga salitang hiram na nakapaloob sa kahon.
Isaisip
Tandaan!
Isagawa
Gawain 1:
Panuto: Punan ng angkop na pangngalan ang mga sumusunod na pangungsap gamit ang
mga salitang nasa kahon at tukuyin kung ito ay pangngalang konkreto o di-konkreto.
Gawain 2:
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang hiram.
Salitang Hiram Kahulugan
1. Dyip
2. Traffic
Gawain 3:
8
Panuto: Bumuo ng isang maikling talata kaugnay sa katanungang ito. Kung ikaw ang
magbibigay ng parusa sa isang mapagmalabis, sino kina Pilandok at tigre ang iyong
paparusahan? Bakit?
Mensahe para sa Guro
Ang sagot ng bata ay ibabatay sa pamantayan Rubric na iyong inihanda.
Tayahin
Juan Tamad
Isang araw, nagtungo sa ilog si Juan Tamad suot ang kanyang bagong t-shirt at ang
kanyang mga kaibigan ay nagdala ng mga pagkain tulad ng; pizza, keyk at juice. Ang ilog ay
umaagos pababa. Karaniwang naglalaro ng mga bangkang papel ang mga bata sa
mababaw na bahagi ng ilog.Tuwang-tuwa sila sa pagbabantay kung kaninong bangka ang
pinakamabilis. Nakatuwaan ang mga bata na gumawa ng kani-kaniyang balsa na yari sa
pinagtabi-tabing katawan ng puno ng saging. Nagtungo sila sa malalim na bahagi ng ilog at
doon nagsimulang magkarerahan. Ang iba ay gumagamit ng tukod bilang sagwan.Lahat sila
ay gustong manalo. Si Juan Tamad? Naku, nahiga siya sa balsa. Tinawanan niya ang mga
kaibigan nang makita silang nagpakahirap sa pagsagwan. At si Juan ay nagsimulang
matulog.Pinagtulungan ng tatlong bata ang kanilang balsa upang mabilis na makarating sa
takdang lugar.Ang balsa naman ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Hindi
namalayan ni Juan na ang balsa niya ay naharang ng mga sanga ng kawayan at natigil sa
gilid. Alam ng mga kaibigan na mahuhuli si Juan ng dating sa kanilang tagpuan pagkat di ito
gumamit ng sagwan. Hindi nila inalam kung nakarating ito o hindi. Umalis na sila.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap mula sa isang maikling
kuwento na nasa itaas. Sagutin ang mga tanong at itik lamang ang isulat bago ang bilang.
_____1. Sino ang nagtungo sa ilog?
a. Juan Tamad b. Juan Mabait c. Juan Matakaw d. Juan Matapang
____ 5. Kung kayo ang mga kalaro ni Juan, hihintayin ba ninyo kung makarating ba si Juan
o hindi? Bakit?
a. Hindi, na dahil hindi 9
na man siya seryuso sa karera namin.
b. Hindi, na dahil wala kaming pakialam sa kanya.
c. Oo, upang malaman niya na hindi sila ang nanalo sa karera.
d. Oo, upang malaman namin kung makakarating ba siya ng ligtas.
____ 6. Pagsunod-sunurin ang mga sumusunod na mga pangyayari batay sa wastong
pagkakasunod-sunod sa kuwento.
1. Sila ay naglaro ng bangkang papel.
2. Habang naglalaro ang magkaibigan, natulog naman si Juan sa isang balsa.
3. Nagpunta sina Juan sa ilog.
4. Gumawa sila ng balsa gamit ang pinagtabitabing katawan ng puno ng saging
a. 3 1 4 2 b. 3 4 1 2 c. 4 3 1 2 d. 3 1 2 4
____ 7. Nagpunta si Juan na suot ang kanyang bagong t-shirt. Alin dito ang salitang hiram
na ginamit sa pangungusap.
a. Juan b. Suot c. Bago d. t-shirt
____ 8. Nagdala ng mga pagkaing keyk at juice ang mga kaibigan ni Juan. Anong tawag sa
mga salitang sinalungguhitan sa pangungusap?
a. salitang hiram c. salitang klaster
b. salitang diptonggod. salitang magkatunog
____ 9. Ang balsa ni Juan ay umayon lamang sa agos ng ilog. Anong katangian ng
pangngalan ang sinalungguhitan sa pangungusap?
a. di konkreto c. basal
b. konkreto d. lansakan
____ 10. Tukuyin ang konkretong pangngalan sa pangungusap na ito. Nahiga siya sa balsa
at pinagtawanan ang mga naglalaro.
a. balsa c. naglaro
b. nahiga d. siya
Karagdagang Gawain
Panuto: Bumuo ng isang maikling talata na may lima o higit pang pangngungsap tungkol sa
paksang ito “COVID 19” na gamit ang pangngalang konkreto at di konkreto at mga salitang
hiram.
(Ang sagot sa mga bata ay ibabatay sa pamantayan Rubric na inihanda)
Rubric
Puntos Pamantayan
Malinaw at maayos ang pagkasulat ng talata at may lima o higit pang
5 puntos
pangngalang konkreto at di konkreto na ginamit sa talata.
Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga kaunting mali
4 puntos sa spelling ng mga salita at apat na pangngalang konkreto at di konkreto
ang nagamit sa talata.
Hindi gaanong 10maayos ang pagkabuo ng talata may mga kaunting mali
3 puntos sa spelling ng mga salita at apat o tatlong pangngalang konkreto at di
konkreto ang nagamit sa talata.
2 puntos Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga kaunting mali
sa spelling ng mga salita at dalawang pangngalang konkreto at di
konkreto ang nagamit sa talata.
Hindi gaanong maayos ang pagkabuo ng talata may mga maraming mali
1 punto sa spelling ng mga salita at isa o walang pangngalang konkreto at di
konkreto ang nagamit sa talata.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
11
Lrmds.deped.gov.ph (Ang Amo ni Emo, Kuwento ni: Mery Ezel C. Guande Guhit ni:
Geraldine Fuentes – Beriño