You are on page 1of 1

Ang bahay ampunan ay nagsisilbing tahanan o kalinga ng mga bata na kung saan ay

inabandona o ‘di kaya ay wala ng mga magulang o pamilya. Sa tulong ng  Kagawaran ng


Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad ( Department of Social Welfare and
Development o DSWD) ito ay ahensya ng pamahalaan na naglalayong suportahan ang mga
pangangailangan ng bawat bahay-ampunan dito sa Pilipinas. Tulad na lang ng pinansyal na
tulong para sa edukasyon, damit, pagkain at iba pa. Responsibilidad din nito ang
mapangalagaan ang bawat batang Pilipino saan mang sulok ng Pilipinas.

Laganap na ngayon ang iwan ang kanilang mga anak sa pangangalaga ng kanilang
tito/tita o ‘di kaya ay iwan sa bahay ampunan na kung saan ay makakatiyak sila na ang
kanilang anak ay maaalagaan ng mga tao kahit hindi nila kakilala o ka-ano- ano. Kadalasan sa
mga naiiwang bata ay walang ka-alam alam kung sino ba talaga ang kanilang tunay na
magulang at kung bakit ito iniwan. Sa ganitong uri ng sitwasyon, bata pa rin ang biktima. Dahil
hindi nito mararamdaman ang aruga at pagmamahal ng pamilya. Sila ang mas nahihirapan at
nasasaktan. Kadalasan iniiwan o inaabandona ang mga bata ng kanilang mga magulang sa
mga taong pinaniniwalaan nilang maaalagaan at mabibigyan ng pagmamahal tulad ng isang
tunay na magulang. Pangunahing tungkulin ng mga magulang ay ang kanilang kalusugan.

Ang kalusugan ng bawat bata ay ang pinakaimportante sapagkat medaling magkasakit


ang mga bata kung hindi mabibigyan ng sapat na nutrisyon ito. Nakasalalay ang kalusugan ng
bata sa kinakain na pagkain araw-araw. Hindi kailangan na gumastos ng malaki upang
makatiyak na ang pagkain na kinakain nila ay masustansiya sa kanilang katawan. Kailangan
lang ng tamang pagpaplano kung ano ang nararapat na ihain sa mesa upang makasigurado na
ito ay masustansiya. Ang pangangalaga ng kalusugan ng bata ay tungkulin ng isang ina sa
kanyang anak. Pero para sa mga bata na nasa bahay-ampunan ito ay tungkulin ng mga health
worker sa kanila.

Ayon sa survey ng Food and Nutrition Research ng Department of Science and


Technology, tatlo sa bawat 10 mag-aaral ay kulang sa nutrisyon. Ang iba ay kulang sa timbang
at ang iba naman ay maliliit o bansot para sa kanilang gulang na anim hanggang 10 taon. Ang
mga bata mula apat hanggang 10 taon naman ay napansing bumabagal ang paglaki (growth
gap) at higit na nangangailangan ng wastong pagkain at pangangalaga para sa kanilang
paglaki.
(http://seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Readings/kabayan_articles/kalusug
an/wastong_pangangalaga_sa_bata_sou.htm)

Sinisikap tugunan ng bahay-ampunan o mga ahensiya ang mga pangunahing


pangangailangan ng mga bata na pinagkaitan ng magulang.

You might also like