You are on page 1of 4

2.

1 Soneto

Inang Wika
ni Teodoro Gener

DAYUHAN

Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko,


Palay, bigas, lusong, at halong pambayo,
Kung inaakalang ililigaya mo
Laban man sa puso’y handog ko sa iyo...

Anak ko ma’y hubdan ng suot na damit,


Sampun ng baro kong lampot at gulanit,
Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib,
kami ay lamunin ng init at lamig...

Datapwa’t huwag mong biruin si Ina!


Huwag mong isiping sapagka’t api na,
Ang ina ko’y iyong masasamantala...

Si Ina ang aking mutyang minamahal,


Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan,
Siya pag kinuha, ikaw’t ako ...patay

2.2 Awit

Ang bersyong ito ay nilagyan ng sundot sa lead guitar ni Levi Bartolome.

SPEAK IN ENGLISH ZONE


Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan
Ika-13 ng Oktubre, 2010

Taong 1898 nang sumalakay si George Dewey


Sa ngalan ng Benevolent Assimilation ni McKinley
Ang paglaya sa Kastila ay agad na nawalang saysay
Dahil sa imperyalistang likas yaman ang pakay!

At ang mga Kano at Kastila’y nagbentahan


Twenty million dollars ang naging kabayaran.
Sinimulan ng Thomasites kolonyal na edukasyon
English ang wikang nagsilbing pundasyon
Ang magigiting na bayani ay ipinabitay
Tulad nina Felipe Salvador at Macario Sakay
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center

Pagkatapos ng World War II Parity Rights ang sumakal


At ang nagsilbing tanod ay ang mga base militar
Manggagawa at magsasaka ay nalibing sa kahirapan
At nabaon sa utang ang sambayanan.

Ngayo’y wala nang base militar wala na rin ang Thomasites


Ngunit may VFA at English speaking campaign
At ang mga paaralan hulmahan ng propesyunal
Sinanay upang maglingkod sa mga dayong kapital

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Alipin kami noon hanggang ngayon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center.

At ang bansang Pilipinas kahit pa agricultural


Walang makain ang mga mamamayan
Ang aming isip, salita at gawa ay kolonyal
Lahi kami ng alipin sa sarili naming bayan.

Nalulong sa Facebook ang kabataan ni Rizal


Sa pagdodota animo’y mga hangal
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular
Sa puso’t diwa English ang dinadasal.

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Alipin kami noon hanggang ngayon
Ang pagbabago ang tanging solusyon
Durugin ang kolonyal na edukasyon!

Sariling wika ang ang siyang magpapalaya


Sa sambayanang gapos ng tanikala!.

2.3 Talumpati (Sanaysay)

Wikang Filipino: Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas


Mula sa TheFilipinoServant.wordpress.com

Ngayong buwan ng Agosto, ating ginugunita at ipinagdiriwang ang Buwan ng wika bilang
pagbibigay ng kahalagahan sa ating wika, ang Filipino at ang kontribusyon nito sa ating mga
buhay. Ipinapaalala nito na napaka-importante sa isang bansa na magkaroon ng pambansang
wika upang lubos na makilala ang yaman ng ating kultura. Pero ano ba ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng iisang wika? Paano natin ito maipagmamalaki sa buong mundo ngayong panahon
ng globalisasyon? At paano natin ito magagamit upang makamit natin ang pagbabago?

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating
pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.” Ito ang tanyag na katagang nagmula sa
ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na nagbibigay kahalagahan sa wika sa buhay ng
isang tao. Isang inspirasyonal na kataga at kapupulutan ng aral tungkol sa pagpapahalaga ng wika.
Kahit maraming wikang banyaga ang alam na sabihin ni Rizal, hindi niya tinalikuran ang kanyang
bansa at pinalagahan ang wikang Tagalog na isa sa mga parating ginagamit ng mga Pilipino noon.

Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at


nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na
magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-
komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko
ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na
magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang
wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya
itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa
wika’t panitikan.

Ngayong panahon ng globalisasyon at makabagong teknolohiya, hindi papahuli ang ating wika.
Kagaya sa website na Facebook na kung saan ay pwedeng gamitin ang wikang Filipino bilang
medium o lengwahe sa pakikipag-komunikasyon at lubos na maintindihan ng mga Pilipinong
gumagamit nito kung paano paganahin ito. Hindi rin papahuli ang Twitter na kailan lang ay pwede
na sa wikang Filipino. Kamakailan lamang ay naging sikat sa website na YouTube ang isang music
video kung saan tampok ang isang banyaga na kumakanta sa wikang Filipino at siya ay si David
DiMuzio na lumabas na sa iba’t-ibang programa dito sa ating bansa.

Sa ibayong dagat naman, alam niyo bang may 1.4 milyong tao sa Estados Unidos ang nagsasalita
sa wikang Filipino at ito ang pang-apat na lengwahe na parating ginagamit ng mga tao roon. Hindi
rin mawawala ang mga bansang may mga OFWs na kung saan natututunan ng mga banyaga kung
paano magsalita sa Filipino.

Ngayong pumapasok na ang iba’t-ibang wikang banyaga sa ating bayan, kailangan nating
pahalagahan at wastong gamitin ang ating pambansang wika. Ating ipaalam sa kanila na kung
nandito ka sa Pilipinas, dapat matuto kang magsalita sa wikang Filipino upang lubos na makilala
ang kultura at panitikan ng ating lipunan.

Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi
magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang
ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika,
magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa
mga pinagdaanang problema. Ngayong nasa tuwid na landas na tayo, ating ipagmalaki at
ipagbunyi na mayroon tayong iisang wika at ito ang Filipino na daan sa iisa nating hangarin, at
ito ang pagbabago sa lipunan. Nawa’y ating gamitin ng wasto ngayong buwan ng wika ang
Filipino at taas-noo tayong magsalita sa ating sariling wika!

You might also like