Sa isang bayan, sa bayan ng Macalelon nakatira ang isang
ulilang dalaga na nagngangalang Allysa. June 6, 2016 ngayon, isang araw upang ipagdiwang ang kaniyang kaarawan. Gumising si Allysa mula sa kanyang pinaghihig-an, nakikinig niya ang sumisipol na tunog ng takuri sa kaniyang kusina. Habang pababa ng hagdanan, pansin ang pa-palit-palit niyang itsura sa paa. Mula sa malinis at makikinis na dalawang paa, nagiging madungis at tila may mga galos. Nang makarating sa kusina, biglang may kumatok sa pintuan. Nagulat ang dalaga sabay tingin sa hawakan ng pinto at nag-aalinlangan na buksan ito. Nang kanyang binuksan, sabay bati ang kanyang anim na kaibigan ng “Happy birthday”. Si Pam ang kanilang kaibigang vlogger ay sabik na sabik nang mag-celebrate ngunit tutol dito ang lider ng tropa na si Kim dahil may kailangan pa silang tapusin na isang music video para kanilang proyekto sa paaralan. Sakay ng tricycle, papunta ang magbabarkada sa lokasyon na kanilang shooting. Bumaba ang magkakaibigan, nang makarating sa lokasyon, natulala si Allysa nang makita ang lugar. Isang lumang bahay ang tumambad sa kanila na binili at pagmamay-ari ng mga magulang ni Regie ang conyo girl sa barkada. Napansin ni Hans ang pagkatulala ni Allysa, tinanong ang dahilan ngunit ‘di mawari ni Allysa kung bakit. Paakyat ang magbabarkada sa lumang bahay. Bumukas ang pinto, biglang may nalaglag na parang mapatay tahimik sa paligid. Dala ni Regie ang kaniyang takot sa dibdib at inasar pa ito ng kanilang dalawang kaibigan na sina Darlene at Angge, ang mga mapagbirong kaibigan. Naghanda na ang barkada, nag-set up para sa kanilang shooting. Nagalit si Kim nang sinabi ni Pam na naiwan niya ang kaniyang damit na isusuot. Agad namang nakahanap si Hans ng isang puting lumang damit sa isang kwarto ng bahay. Nagdalawang isip si Allysa kung ipapasuot ito kay Pam dahil ‘di nila alam kung sino ang nagmamay-ari dito ngunit inagaw ni Darlene ang damit at ipinasuot kay Pam. Samantala, nagyaya si Regie na kumuha ng litrato sa kanila tatlo nina Hans at Angge ngunit pinaalalahanan sila ni Kim na masama ang kumuha ng picture ng tatluhan dahil mamatay ang nasa gitna. Pumunta si Pam sa banyo upang isuot ang puting damit na kanilang nahanap. Humarap siya sa may salamin para makita kung bagay ang damit sa kaniya sabay kuha ang lipstick sa kan’yang bulsa. Habang ipinapahid niya ito sa kaniyang labi, bigla itong nalaglag. Pinulot niya ito sa lapag at may tunog na kaniyang narinig, isang tunog ng paghehele. Nang kaniyang pinulot ang lipstick ay s’yang sulpot ng isang duguan at puro galos na babae sa harap ng salamin tila umiiyak na parang nagmamakaawa ngunit hindi ito nakita ni Pam sa kaniyang pag-angat. Naglalakad ang magkakaibigan maliban kay Pam patungo sa tabing dagat upang doon mag-shooting. Tuwang tuwa si Regie nang makita ang ganda ng luntiang paligid na kanilang nilalakaran. Tumuro siya sa dakong banda ngunit agad itong napuna ni Darlene. Sinabihan niya si Regie na kagatin agad ang hintuturo dahil baka manuno. Nakarating sila sa tabing dagat at sinimulang gawin ang kanilang shooting. Nang matapos kuhaan sina Angge at Darlene, biglang dumating si Pam na susunod kuhaan. Habang nasa shooting ang magbabarkada, may napansin si Allysa sa isang punong nakatayo sa dagat. Isang babaeng basang basa ang katawan, namumutla, puti ang labi at ang mga mata at tila lumuluha. Hindi niya masyadong maaninag ang babae ngunit alam niyang may nakatayo roon. Bigla itong nawala at bigla ring may kumuhit sa kaniya. Lumingon siya sa kanan ngunit wala, kasabay nito ang biglang pagbulong ng babae sa kaniyang gawing kaliwa ngunit hindi n’ya rin ito nakita. Natutula si Allysa at napansin na naman ito ni Hans. Nahimatay si Allysa matapos ang nangyari at dinala siya ng kaniyang kaibigan sa lumang bahay. Nagpalit nang damit ang kaniyang mga kaibigan. Iniwanan ng magkakaibigan si Pam sa kwarto upang bantayan si Allysa na wala paring malay. Hinawakan ni Pam si Allysa sa braso at biglang nagising ito bigkas ang salitang “umalis na kayo paparating na sila” sa malagong na boses. Tumakbo si Pam sa kaniyang mga kaibigan ng may takot at kaba. Nakita nila si Allysa sa higaan naka-upo at umiiyak. Bigkas niya “Andito na sila, andito na sila” sabay tanong ni Regie kung sino ang mga ito. Tinuro ni Allysa kung sino ang tinutukoy niya, lumabas ang tatlong nagmamakaawang nakaputing magkakapatid na sina Ysabelle, Bela at Elisa sabit ang dasal ng Aba Ginoong Maria. Duguan, maraming galos, magulo ang buhok, at may mga pasa na parang galing sa matinding trahedya. Nang lumingon ang magkakaibigan sa kama, nakita nila na wala si Allysa. May nakinig silang yapak ng takbo papunta sa kabilang kwarto. Makikita nilang umiiyak si Allysa sa pintuan ng kabilang kwarto. Nagulat ang magkakaibigan nang makita siya kasama ang isang kapatid ng tatlo na si Elisa. Biglang hinigit ni Elisa si Allysa paloob ng kwarto at sumigaw ang mga kaibigan nito. Samantala, sa sobrang takot ni Regie, pinili n’yang tumakbo papalabas ng bahay. Binuksan ni Kim ang pintuan ngunit hindi si Allysa ang kaniyang nakita kundi si Elisa na humihingi ng tulong sa kanila. Agad niya itong sinaraduhan. Maya-maya, dahan-dahan at unti- unting bumubukas ang pinto, tumambad sa kanila si Allysa na umiiyak. Nag-aatubiling lapitan siya ng mga kaibigan ngunit nilapitan siya ni Darlene at inupo sabay sambit niya “Naalala ko na ang lahat”. Inilahad ni Allysa ang kwento ng nakaraan ng tatlong magkakapatid. June 6, 1944 mag-aala sais nang hapon ng may dumating ng mga lasing na mga lalaking sundalong hapon sa lumang bahay ng tatlong relihiyosang magkakapatid. Kita ang kaba at takot ng tatlong babae na sina Ysabelle, Bela, at Elisa sa pagpasok ng mga hapon. Hinigit sila ng mga lalaki, hindi sila makapalag sa pagpilit na magpagalaw. Si Bela, ang pangalwa sa magkakapatid ay pinilit gahasain, sinaktan, at pinagsasampal. Si Elisa, ang bunso, pinilit niyang tumakbo sa hagdanan ngunit naabutan siya ng lalaking hapon at pinagsasaksak. Samantala si Ysabelle, ang panganay ay nakatakas at tumakbo papuntang gubat sa may dagat upang magtago ngunit hinabol siya ng hapon at naabutan. Nilunod siya ng walang awa. Kita sa mga muka ng magkakaibigan ang duda sa istorya ngunit tinanong ni Darlene kung ano ang gusto ng magkakapatid, sagot ni Allysa “Gusto namin ng Dasal”, nagulat si Darlene ng marinig niya ang salitang “naming”. Habang nasa lumang bahay ang magkakaibigan, dala ng takot kaya tumakbo si Regie kung saan. Tumakbo siya gubat na kanilang dinaanan, rinig niya ang ungol ng luha na humihingi ng saklolo. Nakarating siya sa pampang, nakita niya ang mga kaluluwang mga namatay sa dagat ngunit isang bagay ang kaniyang napansin. Dalawang babaeng nilulunod ng hapon sa may punong nakatayo sa may dagat. Namukaan niya ang isa at ito ay si Allysa. Tinawag niya ang kaniyang kaibigan, humihingi ng tulong si Allysa. Bigla itong nawala ngunit laking nagulat ni Regie nang makitang nasa tabi niya si Allysa na humihingi ng tulong para kaniyang kapatid. Tumakbo si Regie pabalik ng bahay upang sabihin ang katotohanan. Samatala, nagtataka parin ang magkakaibigan sa sinambit ni Allysa. Nang makarating si Regie sa lumang bahay, agad siyang umakyat at sinabi ang totoo na si Allysa ay matagal ng patay at kapatid ng tatlo nagpaparamdam at nagpapakita sa kanila. Nalaman ng magkakaibigan ang katotohan at biglang nag-iba ang itsura ni Allysa na lumuluha, basang-basa ang katawan, namumutla, puti ang labi at mga mata. Lumabas ang tatlo pa nitong mga kapatid, humihingi ng tulong para sa hustisya na kanilang inaasam sa pamamagitan ng dasal. Nagdasal ang mga magkakaibigan kasama ang dasal ng Aba Ginoong Maria. Nagpakiwari ang mga magkakaibigan na dahil sa damit na nahanap ni Hans kung kaya nabulagbog ang magkakapatid dahil sabi ng matatandaan hindi mo pedeng isuot ang damit ng taong namatay sa matinding trahedya at yun ang damit ni Allysa nang siya ay namatay at nilunod. Pansin ni Darlene ang kakaibang nangyari. Hindi nagkataon ang lahat kundi lahat ay planado na. June 6 ngayon at June 6, 1944 mag-aala sais ng hapon nangyari ang trahedya sa apat. Muling babalik si Allysa sa tuwing sasapit ang akala nating kaarawan niya ngunit ‘yun ay kamatayan pala. Muli siyang magpaparamdam hangga’t walang hustisyang natatamasa ang isang trahedyang hindi inakala.