You are on page 1of 2

LOVE is BLIND

Likha ni Dan Bautista

Sa tuwing ako’y titingin,

Ikaw lang ang tanging nagniningning sa aking paningin

Na nais kong hilingin

Na sana mahal ako naman ay iyong dingin.

Isang beses, nilapitan kita,

Ang tanong “kamusta ka na?”

Sabay sagot ng “kilala ba kita?”

Labas hangin sa ilong at tanong sa isip

“mahal, nakalimot ka na ba?”

‘Di mo na ba natatandaan ang dating nagbibigay ligaya?

Ang dating sayo’y nag-aalala at natatanong ng “kumain ka na ba?”

Ang dating susulyapan ka sa bintana at hihintayin kang makita.

Ang dating nag-alala kung saan ka pupunta.

Ang dating naghahatid sayo ng paborito mong banana.

Ang paborito mong nilabon na saba.

Na dati sayong nanghaharana gamit ang aking mga gitara

sabay ng pagkanta,

Dahil sabi nila sa tinig ang mga babae ay nahahalina

Nagandahan ka sa aking boses

At kinantahan kita ng gusto mo sa maraming beses.


Kinuwentuhan kita ng masasayang istorya,

Mga biro kong sayo’y nagtanggal ng problema.

Nakalimutan mo na ba na minsan tayong nagkasamang dalawa

Na sa pagdampi ng iyong mga kamay sa aking mga pisngi,

Tila nagkaroon ng kulay ang aking buhay.

Nilayo mo ako sa pagiging desperado

At ‘di na muli magiging tarantado

Dahil binuo mo ako at ikaw ang aking naging mundo.

Binigay ko lahat para sayo,

Wala nakong tinira para sa sarili ko

Dahil makita kang masaya, masaya na rin ako

Dahil ikaw ang aking mundo.

Ngunit ngayon unti-unting gumuguho

Na tanging kaibigan ko lang ay ako.

Dahil eto na nakakakita kana at tanggap ko na

Na hindi mo nako kilala.

Masaya ako para sayo, my Love.

The spoken poetry was inspired from the movie “Kita Kita”. Ang ilang
linyahan sa tula ay wala sa palabas.

You might also like