You are on page 1of 4

Ang Paglalang at Pagkakasala ng Tao

Lesson 2

“Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang


anumang dapat ikahiya, na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan.”
(II Timoteo 2:15). Sa pagaaral na ito ay susubukin natin ang “gumagamit nang
wasto” sa Biblia upang malaman natin kung paano natin mas magagamit ito.

Dibisyon ng Biblia
Ang 66 na mga aklat ng Biblia ay mayroong dalawang pangunahing dibisyon:
ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan. Ang Lumang tipan ay nagpapaliwanag
sa relasyon ng Dios sa tao bago dumating si Jesu Cristo, at ang Bagong Tipan
naman ay nagpapaliwanag tungkol sa buhay ni Cristo at kung papaano na ang
Dios ay nakikisalamuha sa atin. Importante na maintindihan natin na sa
Bagong Tipan at hindi sa lumang tipan natin matatagpuan kung papaano
maging Cristiano at kung paano ipamuhay ang buhay Cristiano.
Sa Lucas 24:44, binanggit ni Jesus ang tatlong dibisyon ng Lumang Tipan: ang
kautusan ni Moises, mga propeta, at mga awit. Para sa ating pagaaral hahatiin
natin ang Lumang Tipan sa limang dibisyon – law, Jewish history, poetry,
major prophets, at minor prophets. Ang Bagong Tipan naman ay ang
gospels, history, letters of Paul, general letters, at prophecy.

Mga Aklat sa Lumang Tipan


Ang unang limang aklat ng Lumang Tipan ay kilala bilang books of the law at
natatawag din na Pentateuch (o limang aklat). Isinulat ni Moises, ito ay
tumutukoy sa kasaysayan ng tao mula sa unang 2500 taon. Ang Genesis ang
sumasaklaw sa panahon ng paglilikha, sa baha, at sa mga pangyayari sa
Patriarchal Age. Ang Patriarchal Age ay ang panahon mula sa paglilikha
hanggang sa pagbibigay ng kautusan ni Moises. Sa panahon na ito ay wala
pang nakasulat na kautusan ng Dios. Tinawag itong Patriarchal Age dahil ang
pagsamba sa Dios ay ginagawa ng bawat ama para sa kanyang pamilya.
Pagkatapos maibigay ang kautusan ni Moises ay nagkaroon ng isang
organisadong pagsamba para sa bansa. Ang aklat ng Exodo ay nagsasalaysay
sa pagpapalaya sa mga Israelita (o Judio) mula sa lupain ng Ehipto at sa
apatnapung taon na paglalakbay nila sa ilang. Ang Levitico, Mga Bilang, at
Deuteronomio ay nagsasalaysay din tungkol sa paglalakbay nila sa ilang.
Ipinapakita din sa mga aklat na ito ang kautusan ni Moises na syang
sumasakop sa mga Israelita hanggang sa panahon na mamatay si Cristo. Ang
tawag sa panahon mula kay Moises hanggang kay Cristo ay Mosaic Age.

Ang kautusan ni Moises ay para lamang sa mga


Judio at hindi para sa mga Cristiano. Ito ay natapos na nang
si Cristo ay namatay sa krus.

Mayroong 12 aklat ang Jewish History na syang nagpapakita sa kasaysayan ng


mga Judio. Kasama na dito ang kasaysayan kung paano naging dakilang bansa
ang Israel, paano sila nagkasala at dinala sa malayong bansa bilang bihag, at
kung paano sila nakabalik sa kanilang bansa. Ang mga aklat na ito ay ang
Josue, Mga Hukom, Ruth, I at II Samuel, I at II Mga Hari, I at II Mga Cronica,
Ezra, Nehemias, at Esther. Ang mga may akda sa ilang mga librong ito ay hindi
kilala.
Ang limang aklat ng

Sa pagkamatay ni Jesus nagwakas ang Mosaic Age at nagsimula


naman ang Christian Age na siyang magpapatuloy hanggang sa wakas ng
sanlibutan. Ang Mga Gawa na isinulat ni Lucas ay ang aklat ng history. Ito ay
nagsasalaysay kung paano naitatag ang iglesia ni Cristo Jesus at kung ano ang
naging kasaysayan nito sa pagsisimula. Tinatawag din itong book of
conversions dahil ito ang pangunahing aklat kung saan ay makikita natin kung
paano naging Cristiano ang mga tao sa panahon noon.
Ang sunod na 21 na aklat ay mga liham na nagtuturo kung paano
mamumuhay ang mga Cristiano. Ang ilang mga liham ay isinulat para sa
individual na tao at ang ilan ay para sa ibat ibang congregasyon. Ang unang 14
na liham ay isinulat ni Pablo, at ang mga ito ay ang Roma, I at II Corinto,
Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, I at II Tesalonica, I at II Timoteo, Tito, Filemon,
at Hebreo. Ang natitirang pitong liham ay tinatawag na general epistles. Ito ay
ang Santiago, I at II Pedro, I, II at III Juan, at Judas. Ang may-akda ng pitong
liham ay ang mga pangalan ng mga nakasulat sa kanila.
Ang huling aklat ng Biblia ay ang Apokalipsis o Pahayag. Ito ay aklat ng
propesiya na isinulat ni Juan. Naglalahad ito ng “mga bagay na kinakailangang
mangyari sa madaling panahon” (Apocalipsis 1:1). Kahit na maraming bahagi
sa aklat na ito ang mahirap unawain, ito ay isang mahalagang aklat at
karapatdapat pagaralan.
Ngayon ay nabahagi natin ang Biblia sa wasto nitong mga dibisyon.
Ang Bagong Tipan ay higit na mahalaga para sa atin kaysa sa Lumang Tipan
dahil ito ang nagtuturo sa atin kung paano tayo dapat mamuhay sa panahon ni
Cristo, samantalang ang Lumang Tipan ay para naman doon sa mga nabuhay
bago si Cristo. Sa ganitong kadahilanan, sa ating pagaaral ay magbibigay tayo
ng higit na diin sa Bagong Tipan kaysa sa Lumang Tipan.

“Humanap Kayo at Kayo ay Makakatagpo”


Ilagay sa mga blanko ang L. T. o B. T. upang malaman kung ito ba ay sa
Lumang Tipan o sa Bagong Tipan:

1. Genesis ___________ 9. Malakias __________


2. Santiago ___________ 10. Tito __________
3. Mga Gawa ___________ 11. Mga Hukom __________
4. Isaias ___________ 12. Roma __________
5. Apocalipsis ___________ 13. Mateo __________
6. Esdras ___________ 14. II Juan __________
7. Juan ___________ 15. Job __________
8. Mga Awit ___________

Isulat sa blanko ang tamang sagot:

1. Ang apat na aklat ng gospels ay _________________,


_________________, _________________, at _________________.
2. Ang huling aklat ng Biblia ay _________________.
3. Ang tatlong aklat na isinulat ni Solomon ay _________________,
_________________, at _________________.
4. Limang bahagi ng Lumang Tipan _________________,
_________________, _________________, _________________, at
_________________.
5. Limang bahagi ng Bagong Tipan _________________,
_________________, _________________, _________________, at
_________________.
6. Ang limang aklat na isinulat ni Moises o ang Pentateuch ay ang
_________________, _________________, _________________,
_________________, at _________________.
7. Ang bilang ng mga aklat na isinulat ni Pablo _________________,
8. Ang aklat ng _________________ ay tinatawag din na book of
conversions dahil nasusulat dito kung paano maging Cristiano.

Sagutin ng oo o hindi:

_______
_______ _______
_______
_______
_______ _______

_______ _______
_______
1. Nabub 2. Ang aklat ng Mga Panaghoy ay isinulat ni Jeremias?
uhay 3. Ang unang apat na aklat ba ng Bagong Tipan ay nagsasalaysay
ba tungkol kay Cristo?
tayo 4. Si Jonas ba ang tinatawag na Messianic prophet dahil sa dami
sa ng kanyang propesiya tungkol sa pagdating nang Cristo?
Patria 5. Tatlo lamang ba ang aklat ng Jewish history?
rchal 6. Ang 21 na liham ng Bagong Tipan ba ay nagsasabi sa Cristiano
Age? kung paano sila mamumuhay?
7. Ang Levitico, Mga Bilang, at Deuteronomeo ba ay nagsasabi sa
atin tungkol sa kautusan ni Moises?
8. Si Pablo ba ang nagsulat ng aklat ng Mga Awit?
9. Makikita ba ng isang tao sa Bagong Tipan kung paano maging
isang Cristiano?
10. Mababasa ba sa II Cronica ang pagkatatag sa iglesia ni Cristo?

You might also like