You are on page 1of 2

Exodo 3 Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)

Tinawag ng Diyos si Moises


3 Samantala, habang nagpapastol si Moises ng kawan ng biyenan niyang si
Jetro na pari sa Midian, itinawid niya ang kawan sa gawing kanluran ng
disyerto at nakarating siya sa Sinai,  ang Bundok ng Diyos.2 Doon, ang
[a]

anghel ni Yahweh ay nagpakita sa kanya na parang apoy na nagmumula sa


gitna ng isang mababang punongkahoy. Kitang-kita ni Moises na nagliliyab
ang puno ngunit hindi nasusunog. 3 Kaya't nasabi niya sa kanyang sarili,
“Nakakapagtaka naman ito! Titingnan ko ngang mabuti kung bakit hindi iyon
natutupok gayong nagliliyab.”

Nang lalapit na si Moises, tinawag siya ni Yahweh buhat sa nagliliyab na


punongkahoy, “Moises, Moises.”

“Ano po iyon?” sagot niya.

Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit. Hubarin mo ang iyong sandalyas


sapagkat banal na lugar ang kinatatayuan mo. 6 Ako ang Diyos na sinamba


ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob.” Tinakpan
ni Moises ang kanyang mukha sapagkat natatakot siyang tumingin sa Diyos.

Sinabi sa kanya ni Yahweh, “Nakita kong labis na pinahihirapan ng mga


Egipcio ang aking bayan. Alam ko ang hirap na kanilang tinitiis at narinig ko
ang kanilang pagdaing. 8 Kaya't bumabâ ako upang sila'y iligtas, ilabas sa
Egipto at ihatid sa lupaing mainam, malawak, mayaman, at sagana sa lahat
ng bagay. Ito'y ang lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita
at Jebuseo. 9 Naririnig ko nga ang pagdaing ng aking bayan at nakikita ko
ang pang-aaping ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. 10 Kaya't papupuntahin
kita sa Faraon upang ilabas mo sa Egipto ang aking bayang Israel.”

Sumagot si Moises, “Sino po ako para humarap sa Faraon at ilabas ang


11 

bayang Israel mula sa Egipto?”

“Huwag kang mag-alala, hindi kita pababayaan. At ito ang magiging


12 

katibayan na ako ang nagsugo sa iyo: sa bundok ding ito sasambahin ninyo
ako kapag nailabas mo na sa Egipto ang aking bayan,” sabi ng Diyos.
Sinabi ni Moises, “Pupunta ako sa mga Israelita at sasabihin sa kanilang
13 

ako'y sinugo ng Diyos ng aming ninuno. Ngunit ano po ang sasabihin ko


kung itanong nila kung sino ang nagsugo sa akin?”

Sinabi ng Diyos, “Ako'y si Ako Nga.  Sabihin mo sa mga Israelita na sinugo


14  [b]

ka ng Diyos na ang pangalan ay ‘Ako Nga’. 15 Sabihin mo sa kanila na sinugo


ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham,
Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin
magpakailanman. 16 Lumakad ka na at tipunin mo ang mga pinuno ng Israel.
Sabihin mo sa kanilang nagpakita ako sa iyo, akong si Yahweh, ang Diyos ng
inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Sabihin mong ako'y
bumabâ at nakita ko ang ginagawa sa kanila ng mga Egipcio. 17 Dahil dito,
ilalabas ko sila sa bansang iyon na nagpapahirap sa kanila. Dadalhin ko sila
sa isang mayaman at masaganang lupain; ang lupain ng mga Cananeo, ng
mga Heteo, ng mga Amoreo, ng mga Perezeo, ng mga Hivita at ng mga
Jebuseo.

“Papakinggan ka ng aking bayan. Pagkatapos, isama mo ang mga pinuno


18 

ng Israel at pumunta kayo sa Faraon. Sabihin mong si Yahweh, ang Diyos ng


mga Hebreo, ay nagpakita sa iyo at kayo'y maglalakbay ng tatlong araw
papunta sa ilang upang maghandog sa akin. 19 Alam kong hindi siya papayag
hangga't hindi siya ginagamitan ng kamay na bakal. 20 Kaya't paparusahan ko
ang buong Egipto sa pamamagitan ng mga kababalaghan. Pagkatapos,
papayagan na niya kayong umalis.”

Idinugtong pa ng Diyos, “Pagagaanin ko sa inyo ang loob ng mga Egipcio


21 

upang may madala kayo pag-alis. 22 Ang inyong mga kababaihan ay


manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa kanilang mga Egipciong
kapitbahay at sa sinumang Egipciong babaing kasama nila sa bahay.
Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak. Sa ganitong paraan ay
mapapasa-inyo ang ari-arian ng mga Egipcio.”

You might also like