You are on page 1of 11

K r i t i ka

Ku lt ur a

FORUM KRITIKA

Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Myfel Joseph Paluga


University of the Philippines (Mindanao)
myfeljoseph@yahoo.com

Abstrak
Ini-endorso ng papel ang isang exploratoryong paraan ng pagbabasa (at pagbabasang-muli bilang sistematikong
pagtatanong) ng isang klasikong teksto ng Pantayong Pananaw (PP) upang, sa minimalistang pagtingin sa isang
diskurso, mapalitaw ang ilang susing bokabolaryo at ang batayang balangkas nito. Ang napalitaw na balangkas
ay tinataya na isang durableng aspeto ng PP sa istilo, lapit, at mga tema nito. Ang mga susing bokabularyo at mga
balangkas ng PP ay maaaring tingnan bilang heuristiks sa pagbubuo ng mga katanungan sa isang nagpapatuloy na
pananaliksik.

Susing-frase
exploratoryong pagbabasa, heuristics, sistematikong pagtatanong, minimalistang pagtingin sa diskurso

Ang mga elementong ito’y pinalilitaw na parang ritwal sa alaala dahil lamang sa
kinailangan ng mga ilustrado na maibukod ang kanilang sarili sa mga Kastila.

– Zeus A. Salazar, “Ang Pantayong Pananaw


bilang Diskursong Pangkabihasnan” (1991)

Dapat basahin at basahing-muli ang mga klasikong teksto ng Pantayong Pananaw


(PP) upang mas makita ang mahalagang disenyo nito, lampas doon sa “mga elementong
pinalilitaw na parang ritwal sa alaala dahil lamang kailangang maibukod” palayo ang mga
katunggali. Ibig sabihin, pagbabasang lampas sa ritwalistikong mekaniks ng pagbubukod
at pagbabakod (ng “tayo” versus “di-tayo,” ng diskursibong “kapwa” at ng “iba,” ng “taga-
loob” kontra “taga-labas” ng PP).
Isang paraan tungo rito ang ini-endorso ng kasalukuyang papel: (a) pagbabasa
bilang pagpapalitaw ng mga susing-kataga gamit ang pagbibilang/frequency (at
pagbabasang-muli ng mga nabilang), at (b) pagbabasang-muli bilang sistematikong
pagtatanong. Kailangan rin sigurong maipasok dito, kahit lamang bilang indikatibong
punto, na ang papel na ito ay pagpapatuloy ng dalawang nauna kong “pagbabasa” ng PP:

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 117


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

“Pragmatiks ng Tanong” (2000) at “Tala at Tanong sa Aghamtao” (2008).


Ang ganitong istilo ng pagbabasa at pagbabasang-muli sa PP ay tinatayang
magreresulta sa dalawang bagay: (a) pagpapalitaw ng ilang di-gaanong-nabibigyang-
diin na mga susing-kategorya at paradigmatikong lohika ng PP, at (b) pagbubukas ng
importanteng katanungan at panandang heuristiks para sa ibayo-pang pananaliksik.

Ilang durableng tema at mga susing bokabularyo ng PP

Sa aking pagbibilang/pagbabalangkas-na-pagbabasa sa PP (kahit lang sa isang


klasikong teksto nito: Salazar, 1991), ganito ang lumilitaw na mga susing bokabularyo
at ang posibleng pagka-balangkas nito (tingnan sa Apendiks ang explikasyon ng
exploratoryong metodong ginamit sa pagpapalitaw nito):

TABULA I. BOKABULARYO
Ilang Bokabolaryo ng PP
atin kultura (5)
bansa labas
banyaga (10) lipunan
bayan (6) loob
dayuhan nasyon
elite (8) pag-uusap
etnolingguwistiko pagkabuo (7)
iba (9) pananaw
ilustrado sarili
kaisipan sila (1)
kalinangan (3) tayo
kapilipinuhan (2) tunay
katutubo wika (4)
konsepto
Naka-boldface ang nangungunang
mga kataga

TABULA II. BALANGKAS

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 118


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Kombinatoryo at Pagsususpende ng Diin at Elemento

Pansinin na maaaring gawin ang sumusunod patungkol sa napalitaw na balangkas:


(a) isuspende ang diin, palitan, o gawing blanko (isuspende bilang katanungan) ang lahat
ng laman ng mga cells ng “susing-kataga” (i-xviii); o/at, (b) ikombina ang mga elemento ng
“tema” sa mga elemento ng modality upang makabuo ng ibang katanungan (magbibigay ng
halimbawa nito sa ibaba).

Dalawang Mapapansing Aspeto ng PP

Magbabanggit lang tayo dito ng dalawang dapat sigurong bigyang-diin sa antas


ngayon ng pag-uusap sa PP. Una: sa Tabula 1, mapapansin ang intrinsikong papel (di-
aksidental, may pinaka-mataas na dalas-banggit/frequency) ng “sila” (pag-uusap ng taga-
loob tungkol sa labas). Hindi ba’t mamamalayan dito na kakambal talaga ng pantayo
ang pansilang tenor? Hindi ito gaanong nabibigyang-diin, ngunit tila may sikolohikal
at dayalektikal na lohika ito: sa isang ego/sarili-kapwa na pag-uusap (baka isang
‘malungkuting’ pag-uusap kung purong taga-loob lang), laging lilitaw ang presensiya ng
“iba” sa anyong “sila.”
Pangalawa: kritikal ang papel ng tatlong tema ng balangkas sa itaas dahil
substantibong mababago ang PP (o magkaroon ng ala-ebolusyunaryong pagsasanga)
kung, halimbawa, ay papalitan ang “kalinangan” bilang ikutang kategorya sa pagtingin
sa lipunan: ikontrast ang “produksiyon” (paglikha ng “materyal” na mga bagay) bilang
sentral na kategorya ng panlipunang pag-aaral, sa “kalinangan” (o ang mas masaklaw na
“pamumuhay”).
Matatawag na hard kernel ng PP ang: (a) pagbubukas-usapin (at laging pag-aabala)
sa panloob na “pag-uusap” at sa istatus ng ating “wika” o pagwiwika (mangyari pa, hindi
simpleng “salita” ang tinutukoy ng “wika”); (b) preferensyal na lapit sa kategoryang
“kalinangan” (at mga kaugnay nitong konsepto sa WP); at, (c) pagbibigay-diin (sa
pananaliksik) sa mga “pang-kaisipang” elemento ng pamumuhay (kung kaya’t may pokus
sa mga “pakahulugan”).
Kung gayon: ang pagbibitiw sa kahit isa sa tatlong elementong ito ay, sa ganitong
pagbabasa, lubusang magpapabago sa PP.
Ngunit sa kabilang banda: ang pagdadagdag (o pagpapalit kaya) ng ilang
metodolohiya (kasangkapang-pananaliksik o istilo ng pangangatuwiran sa pagbubuo ng
kaalaman: e.g., etnograpiya bilang fine-tuning/tweaking sa mga nabuong heuristiks mula sa

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 119


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

tila-suki nang linggwistikong analisis ng PP), sa aking tingin, ay osmotikong maisasagawa


sa namarkahang tema/tanong ng PP na hindi lubusang magpapabago sa paradigmatikong
lasa nito.

Digressio 1: “Kaparaanan ng Pamumuhay”

Ano ang posibleng maikombina (sa Tabula II) matapos ang pagtukoy sa durableng
tema ng PP? Isang halimbawa lang muna ngayon, na nakatuon sa pangalawang haliging
tema ng PP, “kalinangan.” Kombinasyong 2(d) at pagpapalit-laman ng xvii: pagbibigay-
diin sa “pangkalinangang” aspeto, sa usaping tunguhin nito, ngunit pagpapalit/
pagsususpende sa susing-kataga ng A/B (“moda sa produksiyon” ”pagbubuo”).
Bibigyang-diing tanong: anong ikutang kategorya (sa istilong akademiko, nodal
concept o master signifier siguro) ang higit na angkop—kapwa sa usaping pananaliksik/
pag-unawa at pagbabago/pag-unlad (Paluga, 2008: kapsula 66, 68, 74.4)—sa mga katangian
ng kasalukuyang “bayan/bansa”: ang “moda sa produksiyon” o ang “kalinangan” narin
mismo (o di kaya mga kaugnay na elemento nito: halimbawa, “ginhawa” at “magandang
buhay”)? Mag-ingat: huwag kaagad ipasok ang tanong na ito sa prismang economy/politics/
political economy versus culture na debate (“ano ang mas mapagpasya?”): sozein ta phainomena
(kung hihiramin si Ferriols), maglalaho ang “meron” ng tanong kung pabayaang dumulas
ang “produksiyon”/kalinangan sa konstelasyong economy/culture. Pansining mahalagang
teknik ng PP ang pagtatabi ng labas/loob na kategorya (revolucion/himagsikan, nacion/
bayan, etc.): mahalagang simptoma ito ng diskursong PP na ingatang huwag maliitin o
lampasan.
Ganito ang nakikita kong disenyong ipinoposisyon ng PP: bilang kognitibo (at
pilosopikal) na kategorya, at hindi simpleng mga “salita” lamang, paano mas maipapaloob
sa “kalinangan” ang mga mapagpalayang elemento ng (inaangking) konseptong “moda
sa produksiyon”? O di kaya: paano ba sistematikong isa-konsepto ang “kalinangan”
upang mas makita ang sumisikil-sa-ginhawang mga kaayusan nito (ang “mode/weise/
kaparaanan” kaya ng “kalinangan/pamumuhay”?): usapin ito ng pagbubuo ng isang
malaya at maginhawang kalinangan, na sumasaklaw/lumalampas sa simpleng pagsasaayos
ng Produksionweise o ng “kasangkapan at ugnayan sa/ng mga (materyal na) likha.” Ito ang
naririnig kong tanong ng PP: may intrínsiko bang limitasyon ang “pang-kalinangang
lapit” na hindi mai-calibrate (kung mas angkop na tuntungang kategorya) sa mga
adhikaing “mapagpalaya” (kahit dito man lamang muna sa usaping pagsasa-konsepto/
pagdadalumat)?

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 120


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Digressio 2: May Diing Panloob

Ang makikitang preokupasyon ng PP ay: napakamahalaga ang pag-aabala sa


panloob na konseptwalisasyon (“pagpapangalan”) ng mga karanasan/kaayusan ng pang-
araw-araw na pagkilos/pagpapakilos at pagbubuo ng tunguhin.
Maaaring basahin sa tatlong ulit ang pangungusap: (1) May diing panloob: loob
ng (akademikong) talastasang makabansa ang unang-unang inaatupag: o di kaya, paglikha
sa makabansang ‘loob’ na ito. (2) May diing panloob: kaya kung sakaling makikitang
di-sukat/pobre ang panloob na mga dalumat kumpara sa lumalawak/sumasalimuot na
katotohanang-bayan/daigdig, ang reyalisasyong ito sa kagipitang-konseptwal ay dahil na
rin mismo sa pagka-unawa sa tindi ng kagipitang-panloob. (3) May diing panloob: kaya
ang konseptwal na pag-aangkat, kung—o dahil—kinakailangan, ay usapin ng malikhaing
“pagsasalin.” Kaya tila laging likas na lilitawan ng suplemental na dayalektika ang
ganitong pananaw: sa matinding galaw na panloob, mas nauunawaan/napapahalagahan
ang di-loob/lampas-loob na mga elemento.

Minimalistang Pagbabasa sa PP

Maaaring sagot sa tanong kung “ano itong PP?” ang: sa minimalistang pagtingin
(ibig sabihin: ihiwalay sandali, upang makapagpokus, ang konseptwal na paradigma sa
empirical—at sa iilan, kontrobersyal—na praktis nito), binubuo ang PP ng set ng mga
bokabolaryo at balangkas: isang set ng mga limitado, “namarkahang” kataga/kategorya—
na may interes sa pagpapalalim ng mga ito patungo sa pagsusuri ng mga kaugnay
na kategorya sa Wikang Filipino (WP)—at ang kaugnay nitong mga programatikong
balangkas. (At kaya mapapansin ang halus simptomatikong pagpapahalaga ng PP sa
paglikha ng mga “balangkas” at pagkaakit sa mga diksiyunaryo). Bilang ganito lamang
(at sadyang di muna papansinin ang iba pang aspeto ng PP), wala akong nakikitang
intrinsikong kamalian sa natukoy na bokabolaryo-balangkas bilang estratehiya-ng-pag-
alam.
Tila ito ang nakaligtaan ng ilang sobra-sobra ang pagpuna sa pagka-dogmatiko ng
PP (o di kaya, ng ilang naakit sa PP ngunit naging pabaya, sa pagturing na parang doktrina
ang heuristikong mga balangkas nito): na maaaring gawing di-dogmatiko ang pagsagawa
ng pananaliksik sa mga makabuluhang mga elementong nasalungguhitan ng PP.

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 121


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Mula bokabularyo/balangkas tungong heuristiks/tanong

Isang dimensyon ng katatagan ng isang paradigma ay ang pagpapalitaw nito ng mga


mahahalagang “bagay” na dapat masaliksik. Ang pagtransporma sa itaas na balangkas
upang maging dinamikong gamit-pananaliksik ay ang simpleng pagtransporma sa kanila
bilang tanong. Narito ang ilang maaaring pag-umpisahan:

(1) Mahalaga ba ang mga tema at bokabularyo ng mga susing-kataga na natukoy o


nabuksan?

(2) Sa gitna ng halus-espontanyo nang pag-iisip tungkol sa hybrid at montage na


kalagayan/pag-iral ng mga bagay, bakit kailangan pa ring bigyang-puwang ang pagkaka-
iba ng “loob” at “labas” sa isang diskursong makabansa? O, kelan nagiging matino ang
walang-kurap na pagbibigay-diin sa radikal na untul ng “labas” at “loob,” at kelan ito
nagiging pantasya na lamang? Kelan nagiging bagahe na sa matinong pang-unawa ng pag-
iral ang ganitong klaseng binaryo?

(3) Maaari sigurong mapangiti sa relatibong dalas na pag-gamit ng PP sa katagang


“tunay,” ngunit maaari ring magtanong: Paano kung mas nagiging mahalaga ang pag-
uusap, ngayon higit kaylanman, tungkol sa “tunay” na pag-iral (o ng “tunay na daigdig”)
sa sitwasyong laganap ang (totoong) kalagayang virtual dala ng bagong mga teknolohiyang
dijito-biswal.

(4) Ano itong “bayan” sa pagsasa-anyo nito sa iba’t ibang lugar, kalagayang-
panlipunan at panahon? Paano ito lumitaw, nanatili, at nagbabago? Ano-anong mga
kategorya pa sa loob ng WP ang dapat mapag-aralan na may kaugnayan sa “bayan”?
Anong mga metodolohiya pa ang maaaring hiramin/likhain upang magpalalim
sa naumpisahang mga mapanghawang pag-aaral (o simple ngunit mahalagang
pagsasalungguhit) ng PP (at minsan ng di-PP) sa mga kategoryang “ili,” “banua,” “inged,”
“lungsod,” at iba pang mga kaugnay na kataga sa iba’t ibang pook ng arkipelago.

Digressio 3: Rekombinasyong “Banua”

Maaring matukoy ang dalawang elemento ng nakonstrak na balangkas sa itaas


(Tabula II), na tumutukoy sa pangkalinangang tauhan at kalagayan ng sinaunang “bayan”

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 122


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

(sa anyong “banua”), ang mga axis 2(b)xi at 2(c)xvi, at tingnan kung paano ito titigan/
saliksikin sa prismang heuristiks/tanong.
Sa tinatahak kong pag-aaral sa banua,” naging mabunga ang pagsususpende ko
sa diin sa 2(b)xi/”sarili” (“tao-tao” na ugnayan bilang tauhan) tungo sa di-taong “iba”: sa
ganitong mode rin makikita ang sa aking pagtingin ay mahalagang kaayusan ng sinaunang
2(c)xvi/”bayan” sa anyong “banua.” Ang pagsuspende/pagputol sa loob-sarili-bayan nexus
ay magbubukas sa mahahalagang posibilidad ng (1) tao/di-tao, (2) di-taong labas at (kahit
pa) loob, at (3) wika/lampas-wika na mga pag-uugnayan ng mga elemento ng isang banwa/
daigdig.
Marami pang maaaring mabago sa ilang kaayusang natukoy sa itaas: paglilipat ng
diin, pagpapalit ng (ilang) mga kategorya, at pagsususpende ng ilang cells. Gayunpaman,
isa pa ring nagpapatuloy na heuristiks sa mga kasalukuyan kong istilo ng pananaliksik sa
“banua” ang mga bokabularyo at balangkas na mapanghawang napalitaw ng PP (e.g., mga
‘haliging personahe ng “bayan”: “panday,” “babaylan,” “datu,” “bagani”; ang penomenon
ng “ilihan”; iba’t ibang pag-aanyo ng “bayan”). (Maliban, mangyari pa, sa iba pang ambag
na natutunan mula sa iba’t ibang sulok/mundo ng pananaliksik).

Ang PP at iba pang panloob na diskurso

Dala ng pagpapahalaga (ng mga naging bahagi ng tinaguriang indigenization


movement sa disiplina) sa mga panloob na kategorya ng WP, at kalkuladong di-
pagpapatangay sa mga uso-usong tema ng mga dominanteng sentro ng pagti-teorya,
nagiging balon pa rin ang mga akdang PP ng mga makabuluhang tema at heuristiks para
sa panlipunan/pangkabihasnang pag-aaral.
Kailangan ring gawin ang pagbabasa at pagbabasang-muli sa iba pang mga akda
ng PP, Sikolohiyang Pilipino (SP), at Pilipinolohiya (PN) bilang nagpapatuloy na gawain
tungo sa mas matatag na pag-unawa ng lipunang Pilipino.
May mga matitinding pormulasyong mapupuna sa mga ito (na totoo rin naman sa
mga umaayaw sa PP/SP/PN): kaya’t mahalaga, at dapat tapatan ng masusing pag-aaral,
ang bihasa at sopistikadong mga kritik sa larangang ito ni Ramon Guillermo. Ngunit ligtas
pa rin sa bigwas ng “kritika” ang mga elemental na hakbang at mapanghawang pagsisikap
ng “indihenisasyon” sa akademikong larangan: pomokus (muna) sa “loob” at huwag
(laging) tumugon (hindi sinasabing magsasara ng tenga) sa mapang-akit na mga boses
(tawag, sitsit, sipol, kanta, kahol) mula sa “labas.”
May mga mintis at mga di-pagsapol: ngunit (o baka, kaya nga) dapat basahin at
basahing-muli ang mga binuksang diskurso ng PP.

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 123


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Sanggunian ng mga akdang nabanggit

Bukas na mahihiling ang mga akdang may [1]: myfeljoseph@yahoo.com.

Guillermo, Ramon. Pook at Paninindigan: Kritika sa Pantayong Pananaw. Quezon City: U of the Philippines P,
2009.
Guillermo, Ramon. Translation and Revolution: A Study of Jose Rizal’s Guillermo Tell. Quezon City: Ateneo de
Manila UP, 2009.
Paluga, M. J. “Ang Pragmatiks ng Tanong at ang Pagtatakda sa Hangganan at Uri ng Pagtanaw/Pagtitig.”
Binasa sa Unang Talastasan sa Bagong Kasaysayan, Recto Hall, Faculty Center, CSSP, University of the
Philippines Diliman, 22 Agosto 2000. (Pambungad na pagtalakay hinggil sa isinumiteng papel, “Ang
Mga Prehistorikong Pamayanan sa Indo-Pasipiko: Ang Ebolusyon ng mga Bayang Austronesyano at
ang mga Pag-aaral sa Prehistorikong Chiefdom”.) [1]
---. “Mga Talâ at Tanong sa (di-buong) Pag-aagham-tao.” Binasa sa Libot-Panayam ng Bagong Kasaysayan
(BAKAS) sa Archaeology Studies Program Conference Room, University of the Philippines
Diliman, Quezon City, 22 Abril 2008. (Ang mga naunang bersyon ng papel ay naipresenta sa: DSS
Lecture Series, 19 Hulyo 2007, Audio-Visual Room, CHSS, University of the Philippines Mindanao;
Mindanawon Library, Ateneo de Davao University, 16 Marso 2008; workshop ng mindanawon loop,
“Theorizing Mindanao,” sa Ateneo de Davao University, 9-13 Abril 2008.) [1]
Paluga, M. J., F. Paluga, N. Navarrete, Jr. “Karaniwang-hayop ng Banwa: Panimulang Pag-aaral sa Diversiti at
Papel ng Hayop/Animalia sa Literaturang Makabayan/Aktibista.” Binasa sa 8th International Conference
on Philippine Studies, 23-25 July 2008, Philippine Social Science Council, Quezon City, July 25 session,
Panel 7A, Kapwa Nilalang/Fellow-Beings in the Society of Nature. [1]
Salazar, Zeus. “Ang Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan.”1991. Pantayong Pananaw: Ugat
at Kabuluhan. Mga pat. Atoy Navarro, Mary Jane Rodriguez, at Vicente Villan. Lunsod Mandaluyong:
Palimbagang Kalawakan, 1997. (Ang tekstong dijital ay makikita sa: http://bagongkasaysayan.
multiply.com/journal/item/11/ANG_PANTAYONG_PANANAW_BILANG_DISKURSONG_
PANGKABIHASNAN.)

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 124


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

APENDIKS
Isang paraan ng leksikal na pagpoproseso at pagpapalitaw ng balangkas
ng mga susing-kategorya ng isang klasikong teksto ng PP

Table 1a. Batayang teksto ang akda ni Zeus Salazar (1991) na, “Ang Pantayong Pananaw bilang Diskursong
Pang-kabihasnan.“ Hinugot sa teksto ang mga natatanging kataga (unique words), gamit ang isang gawang
program (Catfreq) at hiniwalay mula rito ang mga di-relevant na mga kataga (nasa: Paluga, Paluga, Navarrete,
2008 ang ilan pang diskusyon sa ganitong istilo ng pagbabasa/pagbibilang). Dahil papasok dito ang ilang
aspeto ng maluwag na interpretasyon, ang rule na isaisip ay: mas kakaunti ang katagang matanggal, mas
mababa ang posibleng subhetibismong metodolohikal. Pinili ang cut-off set na kapantay o lampas sa 1/100,
upang mabuo ang tentatibong “listahan ng mga susing-kategorya” sa ibaba:

ZA Salazar, 'Pantayong Pananaw, Diskursong Pangkabihasnan (1991)


Kategorya Bilang Fraction
sila/nila/kanila 211 9/100
pilipino/kapilipinuhan 118 6/100
kalinangan/pang- 105 5/100
wika 95 4/100
kultura 89 4/100
kastila 82 4/100
bayan 81 4/100
buo/na-/pagka-/pagbu-/nabu-/etc. 77 3/100
elite/di-elite 72 3/100
iba 68 3/100
banyaga/pagsasa- 54 2/100
pananaw 53 2/100
nasyon/nasyonal/nasyonalidad 48 2/100
atin/natin/taal-sa-/di- 47 2/100
kolonya/kolonyal/-ismo/-lista 39 2/100
sarili/nagsa- 39 2/100
pantayo 38 2/100
lipunan-at-(estado, kultura, etc.)/pan- 37 2/100
bansa/pam-/pagka- 36 2/100
amerikano 35 2/100
loob/pan-/taga-/nakapa- 35 2/100
filipino 27 1/100
katutubo/pagsasa- 24 1/100
ingles/-ero/mag- 23 1/100
kasaysayan 22 1/100
tagalog 21 1/100
ilustrado 20 1/100
etnolingguwistiko 19 1/100
pari/pam- 19 1/100
prayle 18 1/100
labas/taga-/pan- 18 1/100
usap/ka-/kina-/nag-/pag- 17 1/100
edukasyon 15 1/100
pilipinas 15 1/100
dayuhan 15 1/100
kaisipan 14 1/100
konsepto 12 1/100
tunay 12 1/100
Total ng natatanging mga kategorya (unique words): 2259
Nasa itaas: x ≥ 1/100; Wala sa itaas: x < 1/100
Mga katagang tinanggal (na nasa x ≥ 1/100): sa, ng, ang, mga, at, na, ay,
o, ito, hindi, pa, sabihin, bahagi, ngayon, pamamagitan, dito, pagkatapos,
isa, siyang, tulad, dalawa, hinggil, katunayan, talaga, wala, kanya, nasa,
samakatuwid, sapagkat, bago, dantaon, lahat, sistema, bago, sekular.

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 125


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Table 1b. Sa Table 1a, makikita ang naka-boldface na mga kataga sa “listahan”: pangalawang hakbang ito ng
pagsasalang leksikal upang ihiwalay ang ilang kataga na, sa konteksto ng sinusuring teksto, ay maituturing
na: (a) subset ng isang mas masaklaw na kataga (e.g., “ingles” o “filipino” bilang subset-kataga ng “wika”; (b)
insidental na bahagi ng isang partikular na naratibo ng teksto (e.g., “pari,” “prayle,” “kolonyalismo” bilang
mga insidental na mga item ng naratibo ng pagpasok ng “banyaga” o tagpuang “banyaga” at “katutubo”).
Dito makikita ang pangangailangan ng cross-checking ng ilang kataga na maaari pang ihiwalay at pagbabasa
sa kinalalagyang konteksto. Gayunpaman, ang rule pa rin dito ay: mas kakaunti ang tinanggal na mga
kataga, mas mababa ang di-kinakailangang subhetibismong metodolohikal.
Pansinin na ang nagawang dalawang-serye ng extraction ay nasa istilo ng reduction ng mga kataga:
mula sa 2,259 unique words patungong 27 na katagang may matataas na bilang at ipinapalagay na mga susing-
kategorya. Batayang assumption ng ganitong tipo ng pagpo-prosesong tekstwal ang pagpapalagay na hindi
talaga random (= may lohikal na batayan) ang frequency patterns ng mga kategorya sa isang teksto o kalipunan
ng mga teksto.
Narito ang mga susing-kategorya matapos ang pangalawang pagsasala (nasa b.2 ang alpabetikal na
listahan):

(b.1) (b.2)
Kategorya x/T x Ilang Bokabolaryo ng PP
sila 0.15 211 atin kultura (5)
kapilipinuhan 0.08 118 bansa labas
kalinangan 0.07 105 banyaga (10) lipunan
wika 0.07 95 bayan (6) loob
kultura 0.06 89 dayuhan nasyon
bayan 0.06 81 elite (8) pag-uusap
pagkabuo 0.05 77 etnolingguwistiko pagkabuo (7)
elite 0.05 72 iba (9) pananaw
iba 0.05 68 ilustrado sarili
banyaga 0.04 54 kaisipan sila (1)
pananaw 0.04 53 kalinangan (3) tayo
nasyon 0.03 48 kapilipinuhan (2) tunay
atin 0.03 47 katutubo wika (4)
sarili 0.03 39 konsepto
tayo 0.03 38 Naka-boldface ang nangungunang
lipunan 0.03 37 mga kataga
bansa 0.02 36
loob 0.02 35
katutubo 0.02 24
ilustrado 0.01 20
etnolingguwistiko 0.01 19
labas 0.01 18
pag-uusap 0.01 17
dayuhan 0.01 15
kaisipan 0.01 14
konsepto 0.01 12
tunay 0.01 12
Total (T) 1.00 1454

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 126


© Ateneo de Manila University
Paluga
Pagbabasa at Pagbabasang-Muli sa PP

Table 1c. Ang pinal na “listahan” sa Table 1b ay ipo-proseso gamit ang tatlong-hakbang na estratehiya:
(a) paghihiwalay sa mga katagang maipapares (o mabibigyang-pares) bilang binaryong mga set (binary
keywords); (b) pagpapares sa naiwang mga kataga ayon sa konseptwal na pagkakaugnay (theme keywords);
(c) pagtangkang bigyang kaugnayan ang set (a) at (b) (pagtukoy sa modality ng posibleng kaugnayan ng
dalawang set).
Makikita ang isa pang assumption dito (dagdag sa nabanggit sa itaas): may lohikal-sinkronikong
pagkakaugnay-ugnay ang mga ‘susing kataga’ ng isang teksto, na maituturing bilang isang durableng
paradigma ng diskurso.
Nasa ibaba ang nakonstrak na balangkas: ipinapalagay dito na ang naisaayos na mga susing-
kategorya ay tumutumbok sa ilang nagpapatuloy na mga tema, istilo, lapit ng PP:

Bilang isang pinapalagay na paradigma ng PP, maitataya na dapat durable ang kaayusang ipinapakita
dito at ang nakapaloob na mga kategorya kung gagawa ng pagsusuri sa iba pang batayang kasulatang PP.
Ipinapalagay na kakikitaan ang mga tekstong PP ng pagbibigay-diin sa sumusunod na set (o kaugnay na mga
kategorya):

(a) “wika” (ng bayan, nakakarami) at “pag-uusap” (cf., diin sa “talastasan”) at ang binaryong
“taga-loob/taga-labas” na talastasan (ang natawag ko noong “lohika ng bibig” dahil sa ilang
matingkad na metaporang polemikal ni ZAS);

(b) diin sa pagkakahating pangkalinangan at panlipunan (“banyaga/elite” versus “bayan/


katutubo/kapilipinuhan”);

(c) diin sa pag-unawa/pananaliksik sa mga panloob nating konsepto, kaisipan at pananaw, lalo
na iyong patungkol sa ating “kabuuhan” at pag-aadhika ng di-seroks o “tunay” na pag-iral (e.g.,
sa mga katagang: “tunay na daigdig,” “tunay na pagkatao”)

Kritika Kultura 13 (2009): 117-127 <www.ateneo.edu/kritikakultura> 127


© Ateneo de Manila University

You might also like