You are on page 1of 12

“Luis… “

The least person that I expect to knock on my door was him… Luis Gutierrez. Ang
hinayupak kong ex. Sa nagdaang ilang taon, anong pumasok sa isip ng hinayupak na ito
para magpakita pa sa akin. At ang bwiset na ito nakuha pang ngumiti sa aking harapan!
Lalo tuloy tumindi ang galit na nararamdaman ko para rito. Makangiti wagas eh ang
sarap sipain palabas ng condo ang letse!

“What are you doing here?!” Singhal ko rito habang pinupukol ng masamang tingin.

“Awww, is that how you treat your visitor?”

“Visitor your face! Hmp!” Bulyaw ko rito sabay marahas na sinara ang pinto sa
pagmumukha nito. Ang kapal ng mukha ng hinayupak na ito na magpakita pa sa akin!

“Ouch!” Napalingon ako rito, at tumambad sa akin ang mukha nitong namimilipit sa sakit
habang nakahawak sa kanyang kamay.

“Oh sh*t I’m sorry!” Agad ko siyang dinaluhan at tinignan ang kamay nitong namamaga
sa pagkakaipit mula sa pinto. Kahit naman galit ako sa hinayupak na ito, concern pa rin
naman ako para dito. Pinapasok ko siya at dinala sa sala atsaka pinaupo sa sofa.

“Tignan ko nga! ‘Di kasi nag-iingat eh!” Iritableng sambit ko rito habang sinusuri ang
kanyang kanang kamay na namamaga.

“Kailangan ko pa palang masaktan bago mo ako papasukin ng maayos sa condo mo.”


May pagtatampong tugon nito.

And with that, agad na bumalik ang galit na nararamdaman ko para rito. Akmang
bubulyawan ko ulit ito, nang maalala kong baka kung ano naman ang magawa ko rito.
Okay Maria Garcia Consolascion, kailangan mong pahabain ang pasensya mo ngayon,
Inhale…. Exhale….. Woooh! Kaya ko ‘to! Tandaan mo, baka heto na ang pagkakataon
niyo para pag-usapan ang dapat niyong pag-usapan at malaman ang dapat malaman.
“Okay fine, what do you want?” Kalmado kong tanong rito. Umaasang narito ito ngayon
para humingi ng tawad at magpaliwanag sa pag-iwan nito sa akin noon.

“Narito ako para sunduin ka para sa reunion natin” Tugon nito.

“Huh? Reunion?” Magkahalong gulat at pagkadismayang sambit ko rito. Akala ko narito


siya para pag-usapan ang tungkol sa amin. Letse naman oh! Gumana na naman ang
pagka-assumera ko!

“Yup! Mayroon tayong reunion. ‘Di ba sinabi sa’yo ni Donya Ells? Sabi kasi niya,
sunduin daw kita, kaya narito ako.”

Argh! Damn you Besh! Humanda ka sa akin! I’ll strangle you to death ‘pag nakita talaga
kita! Bwiset! Pwede namang sabihin sa akin ng personal para siya ang sumundo sa akin
at hindi ang hinayupak na ito! Argh! I hate you Besh!

“Hindi. At wala akong balak na pumunta doon kaya’t makakaalis ka na.” Pilit kong hindi
bigyang emosyon ang tugon ko rito na para bang wala lang sa akin ang sinabi nito.

Mahabang katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa sa sala. Kaya nama’t
tumalikod ako rito at pumuntang kusina para maghanda ng aking makakain para sa
hapunan. Bahala siya sa kamay nitong namamaga! Bwiset! Akala ko pa naman narito
siya para humingi ng tawad at magpaliwanag sa akin, letse! Ang tagal ko pa man ding
hinintay itong pagkakataong ito, tapos para lang pala sa reunion ‘kunno’ namin ang
pakay nito! Bwiset talaga! Ang kapal ng mukha ng hinayupak na yun! Paasa!

“Hindi ka talaga pupunta?” Napaigtad ako’t muntikan ng nabitawan ang basong hawak
ko.

“May balak ka bang patayin ako sa gulat?!” Bulyaw ko rito. Sinundan pala ako ng loko.

“Wala naman.” Sambit nito na parang wala lang. At ang loko nakuha pang magbiro.
I sighed. “Look, kung wala ka ng pinunta dito bukod sa letseng reunion ‘kunno’ natin na
yan, uulitin ko, makakaalis ka na. The door is widely open for you to get out of my
condo!” Punong emosyon kong tugon rito sabay turo sa pinto ng aking condo.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. But this time, sa kusina naman at hindi sa
sala. We just stared at each other’s eyes for a minute or so. Hindi ako nagpatalo sa titigan
namin at binigyan ko ito ng nakakamatay na tingin.

He sighed at siya ang unang bumawi ng tingin. I smirk. I knew it! Ha! Susuko din pala
ang loko eh.

“Okay I get it, wala na akong magagawa kundi ang... sapilitan kang dalhin.” Mabilisang
sambit nito sa akin saka binuhat palabas ng condo.

“Ahhhh! You dumbass! Put me down!” Nagpupumuglas kong tili dito.

“Not until sasama ka sa akin ng maayos.” He said firmly habang naglalakad ng mabilis
papuntang elevator ng condominium.

“I said, put me down!...Baka mahulog ako! Isa! Luis! Ahhhh! I swear kapag ako hindi
mo binaba ngayon din, malalagot ka talaga sa akin!” For petes sake! He carried me like a
sack of rice!

Hindi ito nakinig sa akin at tuluyang sumakay sa elevator pababa. Habang nasa elevator,
patuloy pa rin ang aking pagpupumiglas sa pamamagitan ng pagsuntok at pagdabog sa
likod nito.

“’Wag ka ngang makulit! Baka mahulog ka!” He said through his gritted teeth.

“Just put me down at hindi na ako magkukulit” Madiinang tugon ko rito.

“Nope. I won’t do that. Sasama ka sa akin whether you like it or not.” He said firmly saka
patay malisyang naglakad palabas ng condo na akala mo walang buhat-buhat na tao sa
balikat nito at nagtungo sa kotse nito na nakaparada sa parking lot ng condominium.
Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. Great! Just Great! Baka mamaya kung ano pa ang
isipin ng ibang tao dahil dito. Damn this bastard!

Nagpupumiglas pa rin ako habang maingat niya akong inilagay sa backseat ng sasakyan
nito. Natigilan lamang ako ng maamoy ko ang pamilyar na amoy ng loob ng sasakyan.
Damn! It’s still the same, after all these years. This car brings back our memories way
back when we were still together. Memories slowly crept into my mind as I roam my
eyes around his car.Yung mga roadtrip/foodtrip namin. Yung pagtakas sa minor subject
namin noon at mga patagong date namin sa mga malls gamit ang sasakyang ito. Ang
sarap balikan…. Wait what?! Hell no! I take back what I said! Mas masarap bubugin ang
nasa driver seat ngayon! Letse! ‘Di na dapat balikan iyon! Past is past mga Bes!

Marahas kong inalis ang mga alaalang nabubuo sa aking isipan. Erase! Erase! Erase!

“Again, you’re coming with me whether you like it or not.” Anito habang nakatingin sa
akin through rear mirror while I send back my very own trade mark death glare at him.

“This is kidnapping! I will sue you because of this!” Nanggagalaiti kong sambit rito.

“I don’t care...” He shrugged. Argh! Bwiset talaga ang lalaking ito!

“Seryoso ka ba talaga?! Naka loose shirt saka short shorts lang ako Luis for your
information lang naman” Sarkasmong tugon ko rito.

“Ano naman? You still look beautiful in your outfit though… but I prefer you naked.”
Then he winked at me.

“Pervert!” Bulyaw ko rito. Pasalamat itong mokong na ito at wala akong nahablot na
kung ano dito sa backseat. Naku kung meron lang kanina pa ito may bukol at nabugbog.

“Chill baby, I already taken care of your clothes.” Malambing tugon nito. “Here take
this… you can change your clothes here, heavy tinted naman itong sasakyan.” Sabay
bigay sa akin ng paperbag. Wala sa sariling tinanggap ko ito. Hindi pa rin ako makaget-
over sa pagbanggit nito ng endearment namin noon. Damn this man! He always has this
effect on me after what he did to me. And I hate this feeling! Argh! Hindi ko na dapat
maramdaman ito! Hell no!

Wala na akong nagawa kundi ang magbihis. Hindi na ako nagsalita pang muli para wala
ng diskusyon mamagitan pa sa amin. Sa buong biyahe namin, walang kumibo ni isa sa
amin. An awkward silence enveloped us until we reach our destination.

“Xavier university…” Mahinang sambit ko ng mapag-alaman kong nasa tapat kami ng


University namin noon. Ang lugar kung saan kami unang nagkita’t nagkakilala ni Luis.

Akmang bubuksan ko ang pinto ng kotse ng hindi ito bumukas. It’s locked! Damn this
man! I glared at him through rear mirror sending ‘what are you waiting for, open up this
door’ look.

He remains still while looking back at me.

“Anuna?! Magtititigan na lang ba tayo dito? Ha? Dalian mo na! Para matapos na ito!
Hindi ba yun naman ang gusto mo? Ang sumama ako sa iyo?! Heto na nga ako oh! Dali
na buksan mo na itong pinto para matapos na ang gabing ito at para mawala ka na sa
paningin ko! At sa buhay ko!” Walang prenong sambit ko rito.

Again, he remains still while looking back at me.

“May pasundo-sundo ka pang nalalaman… ay hindi mo nga pala ako sinundo, binuhat
mo lang naman pala ako mula sa condo ko… para ano? Para magtitigan lang tayo dito?!
What exactly do you want from me?” Madiinang sambit ko rito.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan. I’m waiting for
his response ngunit walang lumabas sa bibig nito. Hindi na ako makahinga ng maayos sa
tindi ng emosyong aking nararamdaman. I need to let this out! I need to get out of this car
to get some air to breath.

I heard him sighed, and then he unlock the door. Dali-dali akong lumabas saka
lumanghap ng sariwang hangin. I need to calm my nerves before I face this bastard once
again.
Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Tanging simoy lamang ng hangin ang
maririnig at mga lagaspas ng dahon sa puno na nasa paligid ng campus ng Unibersidad na
aming kinatatayuan ngayon.

Niyakap ko ang aking sarili sa pagdampi ng malamig na hangin sa aking balat.

“Here…take this” Then he place his jacket over my shoulder.

At walang kibo ko itong tinanggap.

Muli, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa pagitan namin. Para bang


naghihintayan kami kung sino ang unang magsasalita.

“Can we talk?” Basag nito sa katahimikang bumabalot sa amin.

“Saan dito ang venue ng reunion natin? Sa gym ba?” Pagbabalewalang tugon ko sa sinabi
nito sabay palinga-lingang tumingin sa paligid ng campus.

“Don’t play dumb with me Maria! I’m dead serious here! Act like a mature one!”
Madiinang sambit nito.

“What? Do you want us to talk? Eh kanina pa nga tayo nag-uusap eh! Mula sa condo
hanggang sa pagdala mo sa akin dito!” Bulyaw ko rito. “At ‘wag mo akong masumbat-
sumbatan Luis, dahil alam mong sa ating dalawa ako dapat ang may karapatang magalit
at hindi ikaw!” Galit kong tugon rito. Walang karapatan ang lalakeng ito na sigawan ako
dahil wala siyang alam sa dinanas ko noon nang iwan niya ako. I feel so hopeless that
time. Para akong tanga na naghihintay ng isang tao na bigla-bigla na lang nawala, at
nagbabakasakaling babalik ito isang araw na parang walang nangyari. Those are my
darkest days na ayaw ko ng balikan pa. Masyado akong desperada noong mga araw na
iyon para isipin na babalik pa ito sa akin. Pero dati na iyon. Ngayong unti-unti na akong
nakakalimot, wala na akong pake kung anuman ang dahilan ng hinayupak na ito ngayon
sa akin.

“I’m sorry...” Nakayukong sambit nito sa akin.


“Alam mong hindi lang iyan ang gusto kong marinig mula sa iyo Luis, alam mong higit
pa sa paghingi mo ng tawad ang kailangan ko sa walong taon na pag-iwan mo sa akin
noon.” Malamig kong tugon rito.

“Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa iyo ang totoo.” Malumanay niyang
sambit na siyang nagpatawa sa akin ng pagak.

“Anong ibig mong sabihin? Hindi pa ba sapat ang walong taon pag-iwan mo sa akin?
Ha? Ganoon ba yun Luis? O kailangan ko pang maghintay ulit ng walong taon para
masabi mo na sa akin ang dahilan mo na yan!”

Nag-iwas ito ng tingin sa akin. Saka nakapamulsang naglakad patungo sa akin.

“Do you trust me?” Sambit nito sabay abot sa aking mga kamay.

“At talagang ayan ang napili mong itanong sa akin ah? Trust you? Believe me Luis, that’s
the least thing I have in my mind right now.” Tugon ko rito atsaka iniwaksi ang
pagkakahawak ng kamay nito sa aking mga kamay.

“Please Maria, just this one. Trust me on this one. Papatunayan kong valid ang reason ko
sa pag-iwan ko sa iyo noon.” Pagsusumamong sambit nito sa akin.

“Huwag na huwag kang hihingi ng isang bagay na kahit kailan ay hindi mo binigay sa
akin Luis.” Malamig kong tugon rito na nagpatahimik sa kanya.

Kung mayroon mang namamagitan sa amin ngayon nitong si Luis, ito ay ang
katahimikan. Wala ng lumabas sa bibig nito matapos ang pambabara ko rito mula sa
hinihingi nitong tiwala, dahil ni minsan sa loob ng apat na taong naming magkasintahan,
kailanman ay hindi niya ako pinagkatiwalan sa relasyon na mayroon kami noon.

“Kung wala ka ng sasabihin, mauuna na ako sa iyo. Gusto ko ng matapos ang gabing ito
para makapagpahinga na ako.” Walang emosyong sambit ko rito saka malalaking
hakbang na lumayo ako rito at nagtungo sa venue ng reunion namin.
~*~

Laking gulat ko ng wala akong nadatnan sa gym. Tanging nakasarang gate ang
sumalubong sa akin. Akala ko ba... Yeah right, of course wala naman talagang reunion.
Bakit nga ba ako nagpaniwala sa lalakeng yun? Niloko na naman ako ng hinayupak na
iyon! At ako naman itong si uto-uto na nag-pauto naman sa letseng iyon!

“Cancelled ang reunion ngayon, sa susunod na linggo pa ito gaganapin.” Marahas akong
lumingon rito saka binigyan ng nakamamatay na tingin.

“Then why did you bring me here?” Hindi ko maiwasang pagtaasan ito ng boses.

“It is because I want to talk to you privately.” Seryosong tugon nito.

“Why? Could you please tell me why?” Naiiyak kong tugon rito. “Ayaw ko ng mag
mukhang tanga Luis, sabihin mo na sa akin ang totoo dahil ayaw ko nang maghintay ng
walong taon ulit para hintayin ka… please… tell me why… ipaintindi mo naman sa akin
oh…” Pagsusumamo kong tugon rito.

Lumapit ito sa akin saka hinawakan ang aking kamay.

“It’s not yet the right time for me to tell you the reason why…” He said seriously while
looking intently in my eyes.

“Fuck that reason! Ilang taon na akong nagmumukhang tanga dahil sa rason mo na yan
na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano! That’s bullshit Luis!” I burst out.
Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito na mailabas ang sama ng loob ko para
rito.

“You cussed, you never cussed before…” He said as a matter of fact.

“You did this to me Luis, you made like this… Natuto ako ng mga bagay-bagay na hindi
ko dapat natutunan… At higit sa lahat, nagagawa ko na ngayon ang mga bagay-bagay na
hindi ko pa nagagawa simula ng iwan mo ako.” Malaman kong tugon rito.

“I’m sorry…”
I sighed. “Wala ka na bang alam na ibang sasabihin kundi sorry? Ha? Akala ko ba gusto
mo akong kausapin? Tapos ayaw mo naman pala sabihin sa akin ang rason mo. Ano ba
talaga ang gusto mo ha?” Pag-uusisa kong tanong rito. Hindi ito kumibo.

“Mabuti pa iuwi mo na lang ako sa condo. Kalimutan na lang nating nagyari ang gabing
ito.” Malamig kong tugon rito. Wala akong mapapala kung ayaw pa nitong sabihin ang
totoong dahilan ng pag-iwan sa akin nito noon. Wala na akong paki pa roon.

Nanatili itong nakatayo at parang walang balak na sumunod sa akin at ihatid ako. Ano na
naman ang gusto ng lalakeng ito?

“Fine! Kung ayaw mong ihatid ako, ako na lang mag-isang uuwi!” Sambit ko rito at
nagmartsa palayo dito.

Mabilis ang naging paglakad ko papalayo rito. Hanggang nasa labas na ako ng campus at
naghihintay ng taxi na masasakyan.

“Maria! Wait up!” Tumatakbong tugon nito. Bahala ka sa buhay mo letse! Ang labong
kausap ng hinayupak na ito. Gusto daw akong makausap tapos ayaw naman sabihin ang
rason.Oh diba ang linaw lang.

Nagmamadaling tumawid ako ng kalsada para takbuhan ang hinayupak na iyon.Wala na


akong pakialam kung sumusunod ba sa akin ito o hindi. I don’t freaking care anymore
about that bastard!

Napalingon ako sa ingay na namayani sa buong kalsada.At doon, nakita ko ang mga
taong nagkuumpulan sa gitna ng kalsada na para bang may tinitignan. Nanlamig ang
aking buong katawan sa aking nakikita. Si Luis, naliligo ng sariling dugo habang
nakahandusay sa gitna ng kalsada. Para akong tinakasan ng lakas habang papalapit dito.
No! It can’t be him! Hindi siya ito... Kanina hinahabol niya lang ako tapos... Nooooo!
Hindi maaaring mangyari ito, ni hindi ko pa nga alam ang totoong rason nito sa pag-iwan
sa akin eh, hindi maaari dahil...dahil mabubugbog ko pa itong hinayupak na ito dahil sa
pag-iwan sa akin! Hindi maaari... dahil...dahil mahal ko pa rin ang hinayupak na ito.
“Luis gumising ka nga! Luis! Isa! Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo ah! Gumising ka na
please… ” Hagulgol kong sambit rito habang dinaluhan siya.

“Please...tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya...please...” Hindi ko alam


kung may lumabas pang mga salita sa aking bibig. Masyado akong nabibingi sa lakas ng
tibok ng aking puso. Para itong gustung kumawala sa aking dibdib. The pain that I’m
feeling right now is unbearable. Kasabay nito ang walang patid na pagdaloy ng aking
luha.

“Ma..ria…”

“Luis! Huwag kang bibitaw… parating na ang tulong… nandyan na sila para iligtas
ka…” Sapo-sapo ko ang kanyang ulo habang binibitawan ko ang mga katagang iyon.
Punong-puno ng dugo ang aking mga kamay ngunit wala akong pakialam, ang mahalaga
ay maligtas ito ng buhay.

“Ma…ria… mahal na mahal kita tandaan mo yan…” Pilit nitong binabanggit ang mga
katagang iyon ng nahihirapan at kasabay nito ang pagbagsak ng kanyang kamay mula sa
pagkakahawak nito mula sa aking pisngi at pagtakip ng kanyang mga talukap sa mata.

“No! Luis! ‘Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Luis ano ba hindi na ito nakakatuwa
ah…” Sambit ko rito habang humahagulgol at pilit na tinatapik ang pisngi nito sa pag-
asang imumulat nito ang kanyang mga mata. Ngunit wala. Hindi nito inimulat ang mga
mata.

No…

Please…

This is not happening…

Oh God….

Please….Nooooooo….
*Kriiing * Kriiing * Kriiing

“Luis!” Napabalikwas ako ng bangon habang habol-habol ang aking hininga.

*Kriiing * Kriiing * Kriiing

Napalingon ako sa bedside table ko at nakita kong walang humpay ang pagtunog ng
aking cellphone tanda na kanina pa may tumatawag sa akin.

Habol hiningang kinuha ko ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table saka akmang
sasagutin ko ito ng bigla itong mamatay. Napatingin ako oras. It’s 6:00 pm.

Napaigtad ako ng bigla itong mag-ring at wala sa sariling sinagot ko ito.

“Besh?”

“…”

“Hello? Besh? Gusto ko lang sabihin sa iyo na sa susunod na linggo pa daw yung reunion
natin, na-cancel --”

Bigla ko na lamang pinatay ang tawag. What the heck is going on? Yung nangyari sa
amin ni Luis…was it just a dream? Pero bakit parang totoo? Damn! Mababaliw na ako sa
kakaisip! Ano ito? Hetong pagtawag sa akin ni Besh ng gabi, parang nangyari na ito ah.
Anong nangyayari?

Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok. Mariing akong napapikit ng mabuti.
Hindi. Hindi ito totoo. Marahil isa din itong masamang panaginip. Kaya naman bumalik
ako sa aking pagkakatulog. Umaasang sana, sa paggising ko, hindi totoo lahat ng
nangyari sa amin ni Luis.
Ngunit sa paglipas ng mahabang oras, hindi ako makatulog. Naka-ilang ikot na ako ng
posisyon para makuha ang aking tulog. Ngunit walang talab. Ngayon, nakatitig na
lamang ako sa kisame ng aking kwarto.

Napa-isip ako sa mga senaryong unti-unting bumabalot sa aking isipan. What if pag labas
ko ng condo, totoo pala. Totoong namantay si Luis at nangyari nga iyon. Isa lang ang
sagot, hindi ko alam ito malalaman kung hindi ko aalamin. Ngunit ayaw ko talaga itong
alamin. Masasaktan lang ako pag nagkataon.

*Ding Dong

*Ding Dong

*Ding Dong

Naputol ang aking pag-iisip dahil sa sunod-sunod na pag-doorbell sa pinto ng aking


condo. Wala sa sariling naglakad ako patungo sa pintuan para tignan kung sino man ito.

Sa hindi ko malamang dahilan. Bigla akong kinabahan. Bakit parang natatakot ako? Bakit
pakiramdam ko na ulit na ito noon? Bakit parang ayaw kong buksan ang pinto dahil baka
si Luis ang nasa likod ng pinto at baka maulit ang nangyari. No! Hindi maaari! Hindi ko
hahayaang mangyari ulit ang nasa panaginip ko.

Ngunit huli na para bawiin ko pa ang aking nanginginig na kamay sa pagkakapihit ng


doorknob.

No! Please! It can’t be him… it can’t be him…

Oh God please…

“Luis…”

You might also like