You are on page 1of 10

MATHEMATIKA 2

UNANG MARKAHAN
MODYUL 2.2

Competency covered: Pagbasa At Pagsulat Ng


Mga Numero
 Reads and writes
numbers up to
1000 in symbols
and in words

Grace Sosa
Teacher II
Buenavista CS
Buenavista District

Department of Education • Schools Division of Marinduque


Panimulang Mensahe

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematika -
Baitang 2 Modyul 2.2 para sa araling Pagbasa at Pagsulat ng mga
Numero.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon ng Sangay ng
Marinduque upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Mathematika - Baitang 2 Modyul 2.2
para sa araling Pagbasa at Pagsulat ng mga Numero.
Ang modyul na ito ay ginawa para sa katulad mong mag-aaral na
nasa Ikalawang Baitang upang magamit mo sa iyong pag-aaral ng
Matematika. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ito ay pinag-isipan at isinaayos ng may-akda upang maiangkop sa
iyong gulang, interes, at pangangailangan.
Inaasahan ng may-akda ng iyong susundin ang mga sumusunod:
1. Tiyaking malinis ang iyong kamay kapag binubuklat ang mga pahina.
2. Huwag sulatan/ guhitan ang balat at mga pahina nito.
3. Iwasang matupi ang gilid ng pahina.
4. Ingatan masira o mapunit ang bawat pahina nito.
5. Huwag gamitin ang modyul na pantakip sa ulo kapag umuulan.
6. Ibalik nang maayos pagkatapos gamitin.
2
Alamin

Sa aralin ito ay matututunan mo ang bumasa at


sumulat ng mga bilang hanggang isang libo (1000) sa
simbolo at sa salita.

Paunang Pagsubok
Panuto: Basahin at isulat ang bilang sa simbolo at sa salita.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. 302
A. tatlong daan at dalawa
B. tatlong daan at dalawampu’t isa
C. dalawang daan at tatlumpu’t tatlo
D. dalawang daan at dalawa
2. Pitong daan walumpu’t pito
A. 707 B. 778 C. 787 D. 878
3. Anim na daan at siyamnapu’t apat
A. 649 B. 694 C. 946 D. 469
4. 3 daanan, 7 sampuan, 8 isahan
A. 387 B. 837 C. 378 D. 783

5. 453
A. apat na daan at tatlo
B. apat na daan at lima
C. apat na daan at tatlumpu’t lima
D. apat na daan at limampu’t tatlo

3
Aralin

2.2
PAGBASA AT PAGSULAT NG MGA
NUMERO

Basahin at isulat natin ang mga numero hanggang isang libo


(1000) sa simbolo at salita.

Tuklasin

Si G. Baleno ay nagbenta ng mga prutas sa palengke. Isang


Sabado, nakabenta siya ng 250 dalandan, 112 saging at 403 bayabas.
Ilang prutas lahat ang kanyang naibenta?

Basahin ang bilang ng mga prutas na naibenta ni G. Baleno


Simbolo Salita
250 dalawang daan at limampo
112 isang daan at labindalawa
403 apat na daan at tatlo

1. Sino ang nagtitinda ng prutas sa palengke?


_______________________
2. Kailan nagtitinda ng prutas sa palengke?
_________________________
3. Ilan ang mga prutas na naibenta niya sa palengke?
______________________

4
4. Sino ang nagtitinda ng prutas sa palengke?
_______________________
5. Kailan nagtitinda ng prutas sa palengke?
_________________________
6. Ilan ang mga prutas na naibenta niya sa palengke?
______________________
7. Maisusulat mo ba ang bilang ng mga prutas na naibenta ni G.
Baleno sa palengke? ____________________________
8. Ano ang mga ginawa natin sa mga bilang?
___________________________
9. Paano natin ito binasa at sinulat? _______________________

Suriin

Panuto: Basahin ang mga bilang. Isulat ito sa simbolo. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

862 611 953 224 437

1. anim na daan at labing isa - _______


2. apat na daan at tatlumpu’t pito - _______
3. walong daan at animnapu’t dalawa - _______
4. dalawang daan at dalawampu’t apat - _______
5. Siyam na daan at limampu’t tatlo - ________

5
Pagyamanin
Basahin ang mga bilang. Piliin sa Hanay B ang tamang salita at
isulat ang tamang sagot sa mga linya bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_____________________________ 1. Tatlong daan at limampu’t tatlo

782 Pitong daan at walumpu’t dalawa

_____________________________ 2. Siyam na daan at siyamnapu’t

209
dalawa

_____________________________ 3.
Limang daan at labimpito
517
Dalawang daan at siyam
Isaisip
_____________________________ 4.

353
Binasa at sinulat ang mga numero
hanggang isang libo (1000) sa simbolo at
_____________________________ 5.
salita.

992

6
Isagawa
Panuto: Basahin at isulat ang bilang hanggang 1000 sa simbolo at
salita.

1. 553
_______________________________________________________________
2. Pitong daan at apatnapu’t siyam
_______________________________________________________________
3. 672
________________________________________________________________
4. Apat na raan at limampu’t pito
________________________________________________________________
5. 285
________________________________________________________________

Pagtataya

Panuto: Basahin at isulat ang bilang sa simbolo at salita. Piliin ang


tamang sagot at isulat sa patlang.

1. 369 - ________________________________________________________
A. tatlong daan animnapo’t siyam
B. tatlong daan animnapu’t siyam
C. tatlung daan animnapu’t siyam
D. tatlung daan animnapo’t siyam

2. Dalawang daan limampu’t isa - ___________


A. 215 C. 251
B. 512 D. 125

7
3. 654 - ______________________________________________________
A. anim na daan limampu’t apat
B. anim na daan limampu’t apat
C. anim na daan limampo’t apat
D. anem na daan limampo’t apat

4. 8 daanan, 3 sampuan, 5 isahan - _________


A. 385 C. 358
B. 835 D. 583

5. 102
A. dalawan daan at isa
B. isang daan at labindalawa
C. dalawang daan at dalawa
D. isang daan at dalawa

Karagdagang Gawain

Basahin at isulat ang mga bilang sa simbolo at salita. Punan


ang patlang.

1. 267
________________________________________________________
2. siyam na daan at limampu’t lima
________________________________________________________
3. 632
________________________________________________________
4. pitong daan walumpu’t dalawa
________________________________________________________
5. 452
_______________________________________________________
8
9
Educational Inc.
Castor and Erlinda B. Martin.2015.Growing Up with Math.4th.Philippines.FNB
Mag aaral.1st.Philippines.Vival Publishing House.
Catud, Ferera, Padilla and Rogelio Candido.2013.MathematicsKagamitan ng
References
Paunang Suriin Pagyamanin
Pagsubok 1. Pitong daan walumpu’t dalawa
1. 611
2. Dalawang daan at siyam
1. A 2. 437
3. Limang daan at labimpito
2. C 3. 862
4. 244 4. Tatlong daan at limampu’t tatlo
3. B
5. 953 5. Siyam na daan at siyamnapu’t
4. C
dalawa
5. D
Isagawa Assessment
1. Limang daan at limampu’t 1. B. tatlong daan animnapu’t
tatlo siyam
2. 549 2. C. 251
3. Anim na raan at pitumpu’t 3. A. anim na daan limampu’t
dalawa apat
4. 457 4. B. 835
5. Dalawang daan at
Karagdagang Gawain
1. dalawang daan animnapu’t pito
2. 955
3. Anim na daan tatlumpu’t dalawa
4. 782
5. Apat na raan limampu’t dalawa
Susi sa Pagwawasto
Ang modyul na ito ay isinulat ng mga
dalubhasang guro at pinaunang-suri ng mga
eksperto sa larangan ng edukasyon. Ito ay binuo
para matugunan ang pangangailangan ng mga
mag-aaral at matiyak ang kanilang pagkatuto
habang nananatili sa bahay sa panahong ito ng
pandemya. Hindi po perpekto ang pagkakabuo
ng modyul na ito. Kasalukuyan pa po itong nasa
proseso ng pagsusuri, kung kaya’t ang anumang
puna buhat sa inyo na may kaugnayan sa mga
nilalaman nito ay lubos po naming
pinahahalagahan. Marami pong Salamat.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

10

You might also like