You are on page 1of 1

Inilayag ng Wika

Malaking bahagi ng ating pagkaPilipino ang wikang Filipino. Mula sa pagkamulat sa ABaKaDa
hanggang sa marating ang mga baiting tungo sa kolehiyo. Ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ay
hindi sapilitang maiaalis ng kahit anong kurikulum ngunit ang pag aaral ng asignaturang Filipino ay nasa
bingit na ng paglalaho. Hanggang saan tayo dadalhin ng layag ng wikang ito? Hanggang dito na lang ba?

Bilang isang mag aaral na talastas ang yaman na taglay ng ating wika, hindi ako sang ayon sa
pagtanggal sa asignaturang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo. Mabigat ang maidudulot na pagbabago sa
mga kabataan ng hinaharap, ang unti unting pagkawala ng wikang nagbubuklod. Pilipino pa kayang
maituturing ang kawalan ng kasanayan sa wikang Filipino?

Bilang Pilipinong inilayag ng wika, patuloy akong magsasanay ng wikang Filipino at isusulong ang
karapatan nitong maibahagi sa lahat lalo na sa mataas na paaralan. Bilang Pilipinong inilayag ng wika,
malayo na ang aking narating at malay pa ang lalakbayin sa tulong ng aking sariling kaalaman at
kaalamang makukuha pa sa pagsasanay sa asignaturang Filipino. Ipagpapatuloy ko ang paglalayag sa
lawa ng karunungan lulan sa wikang kinamulatan.

You might also like