You are on page 1of 8

Pangalan: Jimenez Angel Kaye Petsa: Sept.

16,
2020

Taon at Kurso: BSA 2nd Year Iskedyul: MWF 5:30-


7:30PM

PAGSUSURI NG AKDA

Pamagat: “Sana’y Ako Nalang”

Manunulat: Angel Kaye Jimenez

Uri ng akda: Maikling Kwento

A. Buod

Nagsimula sa asaran nauwi sa pag-iibigan.

Elementarya palang si Alyssa at Marcus,ay magkakakilala na sila gawa ng


magkapereho sila ng paaaralan na pinapasukan. Tawag niya kay Marcus
ay “kuya” dahil tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Tinatawag naman ni
Marcus si Alyssa na bunso dahil magkapatid na ang turingan nilang
dalawa

Mula ika-apat na baiting nung silang dalawa ay magkakilala. Sabay silang


kumakain sa kantina at araw-araw silang magkasabay. Nagmistulang
garapata si Marcus kay Alyssa na panay buntot sa isang napakagandang
lahi ng pusa dahil sa lahat ng aspeto ay magkasabay sila. “Sa loob ng
ilang taon, ngayon pa lamang kita tiningnan sa mata na para bang ikaw na
ang una at huling babaeng mamahalin ko balang araw.” Wika ni Marcus sa
sarili.
Hanggang sekondarya ay panay parin ang kanilang samahan sa kabila ng
hindi sila parehas ng paaralan na pinapasukan. Umamin si Marcus sa
kanyang tunay na nararamdaman kay Alyssa at sa hindi inaasahan ay
parehas na sila ng nararamdaman para sa isa’t isa. Naiinis na si Alyssa sa
tuwing nagkukwento si Marcus tungkol sa mga kaklase niyang
nagkakagusto sa kanya. Naiinis siya hindi dahil sa selos, naiinis siya
sapagkat wala akong lakas ng loob upang aminin sayo ang
nararamdaman ko. Nagpakipot pa si Alyssa at hindi tinanggap ang
pagmamahal ni Marcus para sa kanya. Isa rin sa rason bakit hindi
tinanggap ni Alyssa ang pagmamahal ni Marcus dahil sa kanyang pamilya.
Nais ng kanyang magulang na dapat ay makapagtapos muna ng pag-aaral
bago pumasok sa isang relasyon. Nagpaalam si Alyssa sa kanyang mga
magulang kung maaari na ba siyang pumasok sa isang relasyon kasama
si Marcus. Hindi naging malumanay ang kanilang pag-uusap ng kanyang
ina dahil ayaw na ayaw ni Arina, ang ina ni Alyssa na pumasok ito sa isang
relasyon. Nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Alyssa at kanyang ina. Sa
huli, ay hindi tinanggap ni Alyssa si Marcus at naghintay na lamang na
makapagtapos sila ng pag-aaral.

At sa wakas, nakapagtapos na silang dalawa sa pag-aaral sa parehas na


kurso. Ang pinagkaiba nga lang, Summa cum laude ang natanggap ni
Marcus at Magna cum laude naman ang kay Alyssa. Saludong saludo ako
sa'yo, aking Marcus. At dumating na rin ang araw na pinakahihintay ni
Alyssa, ang ipagtapat kay Marcus ang nararamdaman niya.

"Sana'y bigyan naman ng pansin, ang puso kong ito. Kaya tanong ko lang
kung may nagmamahal na ba? Sana'y ako na lang."

Dumating na ang araw na pinakahihintay. “Napakaganda mo sa suot mong


barong. Tanaw mula sa harapan ng altar ang mga mata mong napupunan
ng luha at saya, kaya hindi ko na naman naiwasang mabihag sa iyong
mata.” Wika ni Alyssa sa sarili. Huminto si Marcus sa kanyang harapan
nang makita niya si Alyssa. Ginawaran niya si Alyssa ng isang mahigpit na
yakap atsaka lubusang umiyak. "I'm sorry", bulong ni Marcus malapit sa
tainga ni Alyssa. Walang umano'y biglang may naramdamang sakit at kirot
mula sa puso ni Alyssa noong naalala niya kung gaano niya sinayang ang
mga pagkakataong aminin ang kanyang nararamdaman. Labis ang
hinagpis na nadarama ni Alyssa, pinilit niyang ngumiti kahit masakit. Puno
ng opinyon ang mga tao tungkol sa kanilang relasyon ni Marcus.
Maraming humusga kay Alyssa bakit hindi niya tinanggap si Marcus at
ngayon ay umiiyak nalang siya sa tabi.

Lumapit sa kanya si Marie at Ford, ang matalik nilang kaibigan na dalawa.


“Ano pa ang hinihintay mo?” tanong ni Marie at agad na hinablot si Alyssa
sa isang tabi at inayusan ito. Walang kaalam-alam si Alyssa sa
nangyayari.Noong pabalik na sila sa simbahan ay makikita niya ang
masasayang mukha sa mga bisita at sinalubong siya ng kanyang mga
magulang sabay bukas sa pinto. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman
ni Alyssa. May halo’t saya at kaba dahil hindi niya alam na para sa kanya
ang kasal na pinaghandaan mismo ni Marcus.

B. Tauhan

B1. Alyssa
- Ang Pangunahing Tauhan
- Ang pinakamamahal ni Marcus mula elementarya.
B2. Marcus
- Ang nais makasintahan si Alyssa
- Ang lalakeng naghintay na tanggapin siya ni Alyssa
B3. Marie
- Isa siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Marcus at Alyssa na nag-
ayos sa kanya para sa kasal.
B4. Ford
- Isa siya ang pinakamatalik na kaibigan ni Marcus at Alyssa na
tumulong kay Marcus sa paghahanda sa kasal.
B5. Arina
- Ina ni Alyssa
C. Tagpuan
C1. Paaralan sa Elementarya
o Dito nagkakilala si Alyssa at Marcus sa isa’t isa.
C2. Paaralan sa Elementarya
o Dito pinagtapat ni Marcus ang kanyang nararamdaman para kay
Alyssa. Dito rin naganap ang mas malalim na pagtitinginan nila
para sa isa’t isa.
C3. Simbahan
o Sa lugar na ito umiyak ng lubos si Alyssa. Dito sila nag isang
dibdib ni Marcus.

D. Banghay
D1. Panimula
Nagsimula ang kuwento noong elementarya pa lamang sina Alyssa
at Marcus. Lagi silang magkasama at magkalaro. Tinatawag ni Alyssa si
Marcus na “kuya” dahil magkapatid na ang turingan nila sa dalawa. Palagi
silang magkasama at komportable sila sa isa’t isa.

D2. Sulyap sa Suliranin


Hanggang sekondarya ay magkasama parin sa isang paaralan sina
Marcus at Alyssa. Nagtapat ng nararamdaman si Marcus kay Alyssa at hindi
ito tinanggap ni Alyssa ang kanyang alok na relasyon dahil sa ayaw ng
kanyang mga magulang na pumasok ito sa isang pag-iibigan.
D3. Tunggalian
D3.1 Tao laban sa tao
o Kung saan nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ni Alyssa at ng
kanyang ina na si Arina dahil ayaw nitong payagan na pumasok
sa relasyon si Alyssa.

D3.2 Tao laban sa sarili


o Noong nalaman ni Alyssa ang tunay na nararamdaman ni Marcus
para sa kanya. Nagdadalwang-isip ito kung tatanggapin niya ba o
tatanggihan. Sa huli, tinanggihan niya ang alok ni Marcus nap ag-
ibig para sa kanya.
D3.3 Tao laban sa lipunan
o Pinagkaguluhan na ng mga tao at puno ng opinyon ang mga bisita
sa kasal dahil sa pag-iyak ni Alyssa sa kasal ni Marcus
.
D4. Saglit na Kasiglahan
o Sa wakas ay nakapagtapos na ng pag-aaral sina Marcus at
Alyssa. Summa cum laude ang natanggap ni Marcus at Magna
cum laude naman ang kay Alyssa.
D5. Kasukdulan
o Ang kasukdulan ng kuwento ay noong nakita ni Alyssa si Marcus
na nakasuot na ng “Barong” para sa kanyang kasal. Puno ng
hinagpis ang naramdaman ni Alyssa dahil puno siya ng pagsisisi
na hindi niya nasabi ang kanyang tunay na naramdaman para
kay Marcus.
D6. Kakalasan/Wakas
o Sa isang tabi ay umiyak ng lubos si Alyssa dahil hindi niya
matanggap ang nangyayari. Ngunit, nilapitan siya nina Marie at
Ford at hinablot ito ng kanyang dalawang kaibigan. Inayusan si
Alyssa ng damit na pangkasal. Hindi lubos maisip ni Alyssa ang
nangyayari ngunit noong pabalik na sila ng simbahan ay
masisilayan ang ngiti ng mga bisita para sa kanya at nasa
pintuan na ang kanyang mga maguang na naghihintay sa
kanilang anak na si Alyssa. Si Marcus naman ay nasa Altar at
naghihintay sa pagdating ng kanyang magiging asawa na si
Alyssa. Sa huli ay ikinasal ang dalawa’t masaya bilang isang
pamilya.
E. Teoryang Pampanitikan

E1. Teorya: Moralismo


Patunay:
Ipinakita sa kwento ang paghihintay nina Alyssa at Marcus para sa
tamang panahon na ibinigay ng Panginoon para sa kanilang dalawa.
Paliwanag:
Ito ay moralismo dahil ginamit ito ng manunulat bilang instrumento na
maaaring pagkukunan ng mga aral na gagabay sa ating pang araw- araw.
Huwag mag madali sap ag-ibig may plano ang Panginoon para sa’yo.

E2. Teorya: Realismo


Patunay:
Ang kwentong ito ay naipakita na hindi maiiwasan ang pagkahulog ng
loob sa isa’t isa kung palaging magkasama. Makikita rin sa kuwento ang
pagtutol ng magulang ni Alyssa na tanggapin ang alok na relasyon ni
Marcus.
Paliwanag:
Ito ay realismo dahil ito ay talagang nangyayari sa tunay na buhay na
kung saan hindi inaaprubahan ng atig mga magulang na magkaroon tayo
ng seryosong relasyon habang nag-aaral.
E3. Teorya: Romantisismo
Patunay:
Isa sa patunay na ito ay mayroong teorya ng Romantisismo ay ang
pagmamahal ni Alyssa at Marcus sa isa’t isa an handa silang maghintay
para sa kanilang tamang panahon. Makikita rin ang pagmamahal ng
magulang ni Alyssa para sa kanya dahil kung pinayagan nila ito ay
magiging Malabo ang hinaharap ni Alyssa.
Paliwanag:
Sa pamilya ay hindi maiiwasan ang pagtatalo ngunit nangingibabaw
parin ang pagmamahal sa pamilya. Sa pagdaan ng araw at gabi ay
maipagtatanto natin nakaya pala tayo nakikipagtalo ay dahil mahal natin
ang ating pamilya. Tayo ay nagagalit dahil ayaw natin na mapasama sila.

Kabisaan/Aral

F1.
Hintayin ang tamang panahon para sa pag-ibig. May plano ang
Diyos para sa ating lahat.
F2.
Huwag padalos-dalos sa desisyon at ugaliang humingi ng payo sa
mas may karanasan.
F3.
Kung tunay ang iyong pagmamahal sa isang tao ay kaya mong
maghintay para sa taong iyong iniibig kahit gaano paman katagal.

You might also like