You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 11

I. Layunin:

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.) Nalalaman kung ano ang kahulugan ng paksang tinalakay.

2.) Naipapahayag ang kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso;

3.) Nakakagawa ng iba't ibang bagay alinsunod sa prinsipyo ng teksto.

II. Paksang Aralin

Paksa: Tekstong Prosidyural

Sanggunian: Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng iba't

ibang teksto tungo sa pananaliksik, p.69-71.

Kagamitan: Visual Aid, Makukulay na papel, marker,gitara.

III . Proseso ng Pagkatuto


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1.) Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin, at (Tumayo ang lahat)


ikaw______ ang manguna.

2.) Pagbati sa klase

Magandang Umaga sa inyong lahat!


Magandang Umaga din po Sir!

Bago umupo ang lahat pulutin muna ang mga


basura sa paligid at ayusin ang inyong mga upuan. ( Pinulot ang mga basura at inayos ang mga
upuan).
3.) Pagtala ng mga lumiban

Okay! Sino ang lumiban sa ating klase ngayon?

Sir! Sina/si________.
(pinaskil ang layunin)
B. Balik-Aral (Binasa ang layunin)

Sino ang makapagbibigay pahapyaw ng ating


nakaraang leksyon?
Ang ating nakaraang leksyon ay tungkol sa
Tekstong Persuweysib.

Tama! ang ating nakaraang leksyon ay tungkol sa


tekstong persuweysib.

ano naman ang inyong natutunan sa tekstong


persuweysib?
Ang tekstong Persuweysib ay may layuning
manghikayat o mangumbinsi sa nagbabasa ng
teksto.

Magaling! at anu-ano naman ang mga


pamamaraan ng paghikayat at pangungumbinsi
ayon kay Aristotle? Sir! Ito po ay ang Ethos, Pathos, at Logos.

Tama! lubos nyo talagang naunawaan ang


tekstong persuweysib.

C.Pagganyak

Ngayon naman, alam niyo ba kung ano itong Gitara po sir!


hawak ko?

Tama! at ngayon magpapatugtog ako. Tingnan


niyo at makinig kayong mabuti. (Nakatuong mabuti sa harap at nakikinig)

Ngayon, may itatanong ako sa inyo Marunong na


ba agad kayong mag-gitara sa unang hawak pa
lang? Hindi po sir! may mga hakbang pa pong susundin
bago matutong magpatugtog nito.

Ano pa ang inyong napansin?

may chords din pong dapat matutunan sa


mahabang proseso.
Ngayong nabanggit niyo ang proseso at
hakbang , sino sa inyo ang may ideya kung ano ang
ating tatalakayin ngayong umaga?
tungkol po sa tekstong prosidyural.

Okay, Tama! ang ating tatalakayin ngayong


umaga ay tungkol sa Tekstong Prosidyural.

D. Pagtatalakay

Sa inyong palagay, ano kaya ang tekstong


prosidyural?

ang tekstong prosidyural po ay nagpapaliwanag


ng mga proseso sa pagbuo ng isang bagay.

Tama! inilalahad nito ang seye o mga hakbang


sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan. Layunin nitong magpabatid ng mga
wastong hakbang na dapat magawa.

May mga halimbawa ang tekstong Prosidyural.

(pinakita at pinaliwanag ang mga halimbawa )

May alam pa ba kayong ibang halimbawa ng


tekstong prosidyural?

Mga Rules ng sports sir at mga manual.


Tama! Lubos nyong nyong naunawaan ang
tekstong prosidyural.
E. Pagbubuod

Ano ang dapat tandaan sa tekstong


prosidyural? Ang tekstong Prosidyural ay nakatuon sa mga
hakbang na kailangang sundin upang makamit ang
inaasahan.

Tama! inilalahad ng tekstong prosidyural ang mga


bagay na kailangang sundin upang makuha ang
ninanais na resulta.

F. Aplikasyon

Ngayon naman, Papangkat-pangkatin ko kayo sa


apat na pangkat.

(Hinati ang buong klase sa apat na grupo)

Ang gagawin ninyo ay gagawa kayo ng kahit


anong mga bagay gamit ang mga kagamitang nasa
loob ng plastic envelop. ididikit ninyo ang inyong
mga nagawa sa harapan at siguraduhing isulat
ninyo ang mga prosidyur kung paano ninyo ginawa Opo Sir!
ang bagay na iyon. Pagkatapos ay pipili kayo ng
isang miyembro mula sa inyong grupo na mag-
uulat ng inyong mga ginawa. naunawaan nyo ba?

Bibigyan ko kayo ng Sampung minuto para


gumawa. at dalawang minuto para mag-ulat sa
harap.
(Hinanda ang mga kagamitan)

Tingnan nyo muna ang Pamantayan sa Paggawa


upang may gabay kayo.

Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos

1. Pagkamalikhain napakaganda ng Maganda ang Nangangailangan ng


pagkakagawa, at may pagkakagawa ,ngunit karagdagang kagalingan
kakaibang istilo. may kaunting istilo. sa paggawa.

2.Kawastuan ng mga Maayos at malinaw ang May ayos ngunit may Walang maayos na
prosidyur. pagkakasunod-sunod ng kaunting kalituhan sa pagkakasunod-sunod
mga proseso mga prosesong ang mga proseso sa
nakasaad. paggawa.

3. Pagkakaisa Lahat ng mga miyembro May pagtutulungan sa Kaunti lamang ang


ng grupo ay grupo ngunit may iilang tumutulong sa paggawa
nagtutulungan sa hindi tumutulong. , walang pagtutulungan
paggawa.

4. Kalinisan ng lugar na May kalinisan sa lugar may kakaunting kalat sa Makalat at makikita pa
pinag- gawaan na sakop ng grupo lugar na pinag gawaan. rin ang bakas ng
pagkatapos ng gawain. paggawa sa lugar na
sakop ng grupo.

Maaari na kayong magsimula. (Nagsimula na)

(Pagkalipas ng 10 minuto)

okay! iulat niyo na ang inyong mga nagawa. ( Nag-ulat ang bawat pangkat)

( Pagbibigay marka sa bawat pangkat)

Palakpakan ang inyong mga sarili. (Palakpakan)

IV. Pagtataya
Panuto: Isulat ang "T" kung Tama at "M" naman kung Mali ang pahayag tungkol sa Tekstong Prosidyural.

_____1. Ang layunin ng tekstong prosidyural ay ang manghikayat ng mambabasa.

_____2. Mayroong Sinusunod na hakbang ang inilalahad ng tekstong prosidyural .

_____3. Inilalarawan ng tekstong prosidyural ang mga bagay-bagay sa paligid.

_____4 Wastong proseso ang sinusunod ng tekstong ito.

_____5. Ang paggawa ng bangkang papel ay isang halimbawa ng tekstong prosidyural.

V. Takdang Aralin

Sa isang buong papel, sumulat kayo ng recipe sa pagluluto ng isang pagkain.

You might also like