You are on page 1of 6

Pateros Catholic School

Pateros, Metro Manila

Kalipunan ng mga Orihinal

na Akademikong Papel

Zamora, Brian Matthew F.

12-St. Anatolius

2018-2019

`
Ang mga kabataan sa makabagong panahon

BUOD

Ang nakasaad sa artikulo ni Aldea, Russel James M. na ang mga kabataang sa

makabagong panahon ay tungkol sa mga kabataang kung saan unti-unting nababago

ng panahon ang kaugalian ng mga bata. Naging malaking impluwensya ang mga

makabagong teknolohiya lalo na ang mga gadgets sa pagbabago ng kaugalian ng mga

kabataang na kung saan inihahambing ang buhay ng mga kabataang noon sa simpleng

pamumuhay lamang na naglalaro sa kalsada na ngayon ay nabago na dahil sa

modernisasyon. Ang mga kabataang ngayon ay wala nang ginawa kundi humawak at

magpindot sa kanilang mga “cellphone” na kung saan makikita sa artikulo ni Aldea,

Russel James M. na hindi maganda ang dulot ng pagcecellphone sa mga kabataan.

Ayon nga kay Gat. Jose Rizal “kabataan ang pag-asa ng bayan” ngunit sa panahon nga

naman ngayon ay hindi mo na makikita ang katagang iyan sa karamihan ng kabataan.

Maraming Menor de edad ang nasasangkot sa krimen at nalululong sa droga. Ika nga ni

Aldea, ang mga magulang din daw ang nagiging sanhi ng mga nakakaugalian

masasama ng mga kabataang ito. Sana nga daw ay wag magsawa ang mga

nakakatanda sa pagpapayo at pagtulong sa mga kabataan dahil ika nga ni Gat. Jose

Rizal “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.


AGENDA

Lokasyon: Wear 2I! Clothing Inc., 12 Street, BGC Taguig City – Meeting Room

Petsa: Enero 5, 2026

Oras: 3:00 – 7:00 pm

Re: Monthly Meeting for new fashion trends

Tagapangasiwa: Brian Zamora (CEO)

I. Paunang Panalangin

II. Pagsuri sa mga dumalo

III. Pagsasaad kung para saan ang pagpupulong o introduksyon

IV. Pagsuri sa mga makabagon damit na ipinakita sa fashion show

V. Pagbigay ng kanya-kanyang opinyon sa mga damit na ipinakita sa fashion

show

VI. Pagsasaad ng importansya ng pagsunod sa makabagong damit

VII. Pagsusuri kung ano ang mga damit na papatok sa mga tao

VIII. RECESS

IX. Dasal ng pasasalamat sa natanggap na pagkain

X. Defense ng mga napiling damit

XI. Huling Panalangin

XII. Pamamaalam
Katitikan ng Pulong

Petsa: Enero 5, 2019

Oras: 7:00 am – 12:00 nn

Layunin: St. Anatolius New Year’s Party

Mga Dumalo: Mga Hindi Dumalo:

1. Adrian Velasco 1. Marvin Garrido

2. Arlou Martinez 2. Paul Galano

3. Allen Bragais 3. Jaira Riego

4. Lance Ocsan

Daloy ng Usapan

I. Panalangin

II. Mga palaro

III. Gagastusin para sa selebrasyon

Panimula

Gng. Maridol Galvez

Pinasimulan ang pagpupulong ganap na alas syete ng umaga sa pamamagitan ng isang

panalangin mula kay Adrian Velasco.


Gng. Galvez: Magkakaroon tayo ng new year’s party na mangyayari sa Enero. Ito ay

isang salo-salo ng buong klase. Magkakaroon tayo ng mga palaro upang may konting

kasiyahan ang selebrasyon. May suhestiyon ba kayo sa magiging palaro?

Ocsan: Maaari ba tayong magkaroon ng paligsahan na kung saan ang mga kalahok ay

magpapaunahang makaubos ng dalawang burger sa loob ng limang minuto.

Gng. Galvez: Mukhang maganda ang larong iyan Ocsan. Sige isasama natin yan sa

mga ipapalaro sa klase. Mayroon pa bang gusting magbigay ng suhestiyon?

Macatangay: Pwede ba tayong magkaroon ng dance battle bilang palaro. Dahil

marami sa ating klase ang may talento sa pagsayaw at panahon na upang ipakita nila

ito.

Gng. Galvez: Maganda ang iyong suhestiyon, dumako naman tayo sa perang

gagastusin para sa selebrasyon. Magkakaroon tayo ng ambagan para sa pagkain at

mga premyo na ibibigay sa palaro. Ito ay aabot sa Php 300 kada tao.

Inihanda ni:

Brian Matthew F. Zamora

Kalihim ng Seksyon

Pinatunayang totoo:

Gng. Maridol Galvez

Guro ng klase

You might also like