You are on page 1of 4

BATILO, IMEE MARIE S.

BEED-2
CANIA, JOANA BEED-2
ENOPIA, ELAISA BEED-2

GAWAIN 7
Humanap ng kapareha. Gamit ang mapipiling Istratehiya mula sa nasaliksik ng isa sa
magkapareha ay gumawa ng sariling Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Panitikan
sa Elementarya(kahit anumang paksang pampanitikan). Lapatan ng tig-2 layunin para sa
Kognitibo, Apektib at Saykomotor.

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. MGA LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Kognitibo:
a) Natutukoy ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento.
b) Naitatalakay ang bawat isang elemento ng maikling kwento.
Apektib:
a.) Naiuugnay ang ilang pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.
b.) Naimungkahi ang mga values na nakapaloob sa nabasang maikling kwento.
Saykomotor:
a.) Naisasagawa ang pagsasadulang may kinalaman sa pag re-recycle ng basura at ang
tamang pagtapon nito.
b.) Naipaliwanag ang nabasang maikling kwento sa buong klase.

II. PAKSANG ARALIN:


Paksa: (Maikling Kwento) “Mga Bolang Galing sa Dyaryo”
Sanggunian: PLUMA 4 (pahina 88-91)
Kagamitan: Yeso, Pisara at Libro
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban
d. Pagbabalik-aral
B. Panlinang na Gawain
a. Pagganyak
– Para sa mga lalaki, bubunot sila ng isang tinupi-tuping papel na naglalaman ng salitang
“Gwapo ako” at “Macho ako”. Ang sinumang makabubunot ng “Macho ako” ay maaari nang
maupo, samantalang ang makabunot ng “Gwapo ako” ay pupunta sa harapan at magbibigay ng
ideya tungkol sa salitang “dyaryo”.
b. Pag-alis ng Sagabal
– Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang mabuo ang
kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:

 Karakter – hautan –
 Paksa – amte –
 Nanlumo – nlangoktu --
 Bumigay – ansria --
 Nalikom – npaion –

c. Pagbasa sa Kwento
 Tatawag ng isang mag-aaral na siyang babasa ng kwento sa harapan.

d. Pagtatalakay sa Nilalaman ng Kwento


 Dito tatalakayin ang gabay na mga katanungan.
 Tatalakayin ang kaisipang ipinahihiwatig ng kwento.

e. Pagtatalakay sa Kwento bilang Akdang Pampanitikan


 Ano nga ba ang kwento?
 Anu-ano ang limang mahahalagang elemento ng maikling kwento?
 Ano ang kaugnayan ng kwento sa totoong buhay?

f. Pagpapahalaga
 May naging guro ka na ba na laging nagpapayo sa klase tungkol sa pag re-
recycle? Ano ang mga payo niyang kinalulugdan mo?
 May naidulot ba ito sa iyong buhay-estudyante?

g. Malikhaing Gawain
 Papangkatin sa tatlong pangkat ang klase. Mula sa grupong kanilang kinabibilangan,
sasagutin nila ang mga katanungang hininihingi sa pamamagitan ng pagsasadula.
 Pangkat 1:
May nakita kang basura sa gilid ng inyong silid-aralan nakita rin ito ng iyong mga
ka klase ngunit wala lamang silang ginawa. Naalala moa ng payo ng inyong guro na mag
recycle at itapon sa tamang lugar ang mga basura, ano ang gagawin mo?
 Pangkat 2:
Marami kayong mga lumang dyaryo at papel sa inyong tahanan at naka tambak
lang ito, ano ang gagawin mo para mapakinabangan ito at maging pera?
 Pangkat 3:
Nakita mon a nagtatapon ng basura sa maling lugar ang iyong kaibigan alam
mong bawal iyon, ano ang gagawin mo? Pagsasabihan mob a siya ng maayos? O
babaliwalain mo nalang iyon dahil kaibigan mo sya?

IV. PAGTATAYA:
Kumuha isa’t kalahating papel. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salita/mga salitang may
salungguhit sa parirala sa hanay A. Piliin ang sagot mula sa mga pagpipilian sa hanay B.

A. B.
_______1. Hindi mapakali a. Paghahanap
_______2. Sumangguni sa guro b. balisa
_______3. Pangangalap ng dyaryo c. suhestyon
_______4. Walang pahintulot d. permiso
_______5. Mungkahi ng bata e. nag tanong

V. TAKDANG ARALIN:

Sa isang buong papel, kupyahin at sagutan ang SAGUTIN NATIN: Letrang B.


Pagsagot sa mga Tiyak na Tanong (pahina 93-94) at ang Letrang C. Pagkilala
sa Magkaugnay na mgaSalita (pahina 94).

You might also like