You are on page 1of 1

Janna Victoria Miranda 06/29/2019

(Student Number) (Name ng prof)

“Mga Tauhang Sumasalamin sa Realidad”


Noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang natin ang araw ng mga Ina. Ang pamilya ay
sabay-sabay na nagdiwang upang magbigay pugay sa pagmamahal na inihandog ng ilaw ng
tahanan. Ang hindi mapapantayang pagmamahal na ito ay may makikita natin sa katauhan ni
Sisa sa Noli Me Tangere. Tiniis niya ang lahat ng sakit at sakripisyo para lamang maitawid ang
kaniyang dalawang anak, si Crispin at Basilio. Sa kasamaang palad ay umabot sa puntong
mawala siya sa kaniyang sarili dahil sa pagkawala ng pinakamamahal na mga anak.
Masasaksihan dito kung paano pinapahalagahan ng isang ina ang kaniyang sariling anak higit pa
sa sarili. Wala na yatang makapapantay sa pagmamahal ng isang ina.
Sa katunayan, (lagay mo to sa experience mo nung mother’s day tsaka kung gano kahalaga
mama mo. Kung wala namang ganap alahanin mo na lang yung ibang celeb niyo. Kung
wala, imbento ka na lang pampahaba HAHAHAHAHAHA)
Sa kabilang banda, isa sa mga tauhang hindi ko malilimutan sa El Filibusterismo ay si
Paulita Gomez. Hindi man siya ang isa sa mga pangunahing tauhan sa nasabing nobela, siya ay
tumatak sa aking isipan. Tumatak ito hindi dahil sa pag-idolo bagkus ito ay bunga ng bahagyang
pagkainis. Kilala si Paulita Gomez bilang isang babaeng tila walang pagmamahal sa bansang
kaniyang kinabibilangan at ang tanging iniisip lamang ay kapakanan ng sarili at ang kaniyang
kinabuksan. Palibhasa ay ipinaganak nang may pribilehiyong tinatamasa kung kaya’t hindi pa
nito nararanasan ang opresyon at pang-aabuso.
Si Paulita Gomez ay sumisimbolo sa isang taong nakatuon lamang sa kaniyang sarili at sa
hinaharap na tila walang pakialam sa nangyayari kaniyang kababayan basta’t ang mahalaga ay
hindi siya naaapektuhan nito. Wala naman sigurong masama sa pag-asam sa magandang
kinabukasan ngunit sana ay magkaroon pa rin ng pagmamalasakit at maging sensitibo para sa
mga taong nakapaligid. Sa katunayan ay mapasahanggang ngayon ay makikita pa rin ang
ganitong uri ng tao sa kahit na anong edad. Nakalulungkot isipin na may mga taong ganito ang
prinsipyo at pag-iisip. Ito na siguro ang tinutukoy ni Gat Jose Rizal na malansang isda. Bilang
paglilinaw, hindi lahat ng mga taong nanggagaling sa pamilyang nakakatamasa ng pribilehiyo ay
may ganitong pag-iisip. Marami pa rin akong nakikitang kabataang tulad ko na lumalaban para
sa mga nasa laylayan. Ito ang nararapat na taglayin ng bawat mamamayan upang hindi sila
tuluyang mapasakamay ng mga mapang-abuso.
Ang mga tauhang aking nabanggit mula sa dalawang nobelang akda ni Gat Jose Rizal ang
pumukaw sa aking atensyon. Mapagtatanto na ang mga nobelang ito ay mahigit sa isang siglo
noong ito ay nailimbang ngunit hindi mapagkakaila na ang mga karakter na nakapaloob ito ay
sumasalamin pa rin sa mga mamamayan ng modernong panahon. Pinatutunayan nito na ang mga
akdang ito ay hinding-hindi mamamatay at patuloy na mamumuhay sa realidad.

You might also like