You are on page 1of 1

Bago pa man tayo sakupin ng mga espanyol ay mayroon na tayong sariling sistema ng

pagsulat. Mayroon tayong labing anim na sistema ng pagsulat at isa lang ang
Baybayin na malawakang ginagamit sa iba't-ibang katutubong pangkat kagaya ng mga
Tagalog, Bisaya, Iloko, Pangasinan, Bikol, at Pampanga. Ngunit hindi lamang bago pa
man magkaroon ng Baybayin ay may mga sistema na ng pagsulat na nabuo kagaya ng
Surat Mangyan. Nagmula ang Surat Mangyan sa bundok ng Mindoro kung saan sila ay
tago at malayo sa ibang mga katutubong grupo. Hindi maikakaila na hanggang ngayon
ay buhay pa din ang skripto ng Hanunuo Mangyan dahil sa pangangalaga ng mga tao sa
Mindoro. Dahil sa patuloy na pagsikat ng Baybayin, inuungkat ng mga tao ang
nakaraan natin na naging daan para sa kalayaan natin at kung anong narating ng
bansa natin ngayon. Isa sa mga dapat na pahalagahan at mahalin ay ang sistema ng
pagsulat noon na ginagamit ng ating mga ninuno. Nakakalungkot isipin na kahit ang
bansa natin ay may kaalaman sa mga ganitong bagay ay pilit pa ring
ipinagsasawalangbahala ng mga tao kung gaano kaganda at kung gaano kahalaga ang
nakaraan natin noon.

You might also like