You are on page 1of 2

Pangalan: LETIZIA ISABELLA

Binibining nabulag ng labis sa pagibig


na nagdulot ng kanyang paghihinagpis
at pagkasawi.

Sa istorya kong ito ang mga babae noon ay lubos na iginagalang at binigyan ng katawagan bilang
dalagang pilipina. Ang dalagang pilipina ay may ugali at kilos na mahinhin, mayumi at mabini,
may busilak na puso na nararapat sa tunay na pagsinta ng isang maginoong binata. Ilan lamang
iyan sa itinuturing na katangian ng isang dalagang pilipina. Naisaad rin sa kwento na hindi
maaaring hawakan ng isang binatang ginoo ang isang dalaga sa kahit anong parte ng katawan
nito, ang paglalapat ng kanilang balat nang walang pahintulot ng dalaga ay itinuturing na
kapangahasan. Hindi rin maaaring makitang magkasama ang isang binata at dalaga sa isang lugar
na sila lamang dalawa sapagkat mangangahulugan itong marahil ay may itinatago silang
relasyon, bagay na isa ring mabigat na usapin sa nakaraang panahon.
Ang istorya ni Letizia ay nakaikot sa dalawa na pangunahing karakter na sina Letizia Dantez at
Juanito Carsino. Si Letizia ay isang spoiled brat na ang pananaw sa pag-ibig ay nag iba ng dahil
sa nangyare sa kanya sa nakaraan. Hindi nya alam na pag katapos nyang bisitahin ang kanyang
lola sa mansion ay mag babago ang lahat. Nabago ito simula nag iba ang realidad sa kanyang
buhay. Bigla nalang sya napunta sa nakaraan, sa taong 1891. Siya ay nakadiskubre na mayroon
isang babae na nakatira sa panahong ito na kamukha nya at parehas sila ng pangalan na Letizia
Dantez , ang nakababatang kapatid ng kanyang lola sa tuhod. Upang makabalik sya sa taong
2020, kelangan nyang mabago ang mapait na tadhana nina Letizia at Juanito na nagging
kahihinatnan ng dalawa, dahil sa lubos nilang pag mamahalan. Di nagtagal ay nahulog din ang
loob ni Letizia Isabella kay Juanito na kahit nabuhay sila sa mag kaibang panahon.

You might also like